BMDN Chapter 17

113K 2.8K 102
                                    

"Maam kami nalang po dito" pigil sakin ni ate Julie ng tangkang pupunasan ko ang mga malilinis na plato na hinuhugasan nya.

"Ate Julie, hindi po ako amo dito katulong lang din po ako nila Sir Spencer" nakangiting sabi ko saka sinimulang punasan ang mga plato na balinis nya.

"Nakakahiya naman po sa inyo. Tumulong na nga din po kayo sa pag luluto eh." Sabi ni Ate Julie.

"Wala po iyon saka maaga naman po akong nagising kanina." Sabi ko. Huminga ako ng malalim ng maalala ko ang panaginip ko at si Spencer. Pero alam kong hindi si Spencer iyon dahil alam kong mahal nya si Raquel kaya imposibleng mag loko sya. Nagkataon lang siguro na mayroon syang tattoo sa likod, hindi lang naman sya ng may ganoon.

"Lola and Lolo!"



Napatigil ako sa ginagawa ko ng marinig ko ang sigaw ni Kisza. Nang lumabas ako ng kwarto ay tulog pa silang dalawa. Isa sa pinag tataka ko ay ang pag halik sakin kahapon at ang pag tabi nya sakin sa akin sa pagtulog gayong may space pa naman sa tabi ni Kisza, at isa pa ang daming kwarto bakit sa kwarto pa namin ni Kisza sya natulog. Pero ayokong mag hangad ng malaki kaya ayokong isipin na may ibang dahilan ang kinikilos nya.

"Good morning babydoll. How are you?" Rinig kong tanong ng tingin ko ay Mama ni Sir Spencer

"Naku! Andyan na sila Mam Gracia at Sir Marcus. Shasha ayusin mo na ang hapag" utos ng matatarantang si Ate Jullie sa pamangkin nyang si Shasha. Kagabi ay dumating ang magulang ni Pierre, pero hindi ko na naabutan iyon dahil nakatulog na ako sinabi lang ni Ate Jullie ng tanungin ko kung bakit ang dami nyang niluto ngayon.

"I'm fine lola. Very very fine" masayang sagot ni Kisza.

"That's good apo." Natutuwang tugon ng babae.

"Lolo karga po" sabi ni Kisza at narinig ko pa ang pag tawa ng dalawang bisita.

Tumulong ako sa pag hahanda ng hapag ng makita kong hindi magkanda ugaga sila Ate Julie.

"Ma, Pa"

Napatigil ako sa pag aayos ng mga plato sa dinning table ng marinig ko ang boses ni Spencer sa sala. Pero ilang segundo lang ay hindi ko na narinig ang pinag uusapan nila kaya itinuloy ko ang pagtulong sa pag hahanda sa kakainin ng mga bagong dating. Nang matapos kami ay may inutusan si Ate Jullie na sabihing handa na ang almusal.

"Mommy!"

Napalingon ako kay Kisza na nakakarga sa isang may edad na lalaki, mukhang kagigising gising lang nya at medyo magulo pa ang buhok nya. Bumaba sya sa pag kakakarga at tumakbo papunta sakin saka yumakap sa bewang ko.

Naiilang ako sa tingin ng tatlong pares ng mga mata na nakatingin sakin. Yumuko nalang ako saka inayos ang magulong buhok ni Kisza.

"Ma mag almusal muna kayo" rinig kong sabi ni Spencer sa mga magulang nya.

"Kisza mag breakfast ka muna" sabi ko kay Kisza

"Ikaw po nag luto?" Tanong nya, tumango naman ako at napangiti ng ngumiti sya sakin.

Hinawakan ni Kisza ang kamay ko at nag lakad papunta sa dinning table sa tabi ng kanyang lola.

"G-good morning po" naiilang na sabi ko sa magulang ni Sir Spencer. Tumango lang sila at ngumiti saka ibinalik kay Spencer ang atensyon.

"So How are you anak?" Tanong ng Mama nya.

Pinag sandukan ko naman si Kisza ng kanin at ulam. Saka sinalinan ng tubig ang baso nya.

"Im great" sagot nya sa kanyang Mama saka sumimsim ng kape na inilapag ni ate Jullie.

Nag tataka ako ng biglang tumahimik, sinilip ko sila at  nakita kong nakatingin lang sila kay Spencer.

Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon