BMDN Chapter 30

115K 2.5K 117
                                    

"Nag ganon naba kayo?"



Napatingin ako kay Venus dahil sa tanong nya. Malaki ang ngiti nya habang nakatingin sakin, hindi ko alam pero kinikilabutan ako sa klase ng ngiti nyan.



"Ano?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko saka ipinag patuloy ang pag luluto ng agahan ni Spencer at Kisza.


"Kayo ni Sir, nag sex naba kayo" aniya na nag palaki ng mata ko, pati si Leslie ay natigil aa ginagawa nya dahil sa lakas ng boses ni Venus.



"H-hindi, at isa pa hindi kami sa iisang kwarto na tutulog" sagot ko na hindi maiwasan ang mailang sa tingin nya. Tama ba naman mag tanong sa bagay na iyon? At isa pa hind kami mag kasamang matutulog ni Spencer. Well, isang beses lang pala pero wala kaming ginawa non kung hindi ang nag kwentuhan hanggang sa makatulog kami pareho.




"Nina" napatingin ako kay Leslie ng tawagin nya ako, katulad ng dati ay  salubong parin ang kilay nya habang nakatingin sakin.

"Hindi makakapunta si Maricel, tambak na ang labahin sa laundry area" aniya


"Sige, ako na ang mag lalaba pagkahatid ko kay Kisza" sagot ko saka itinuloy ay pag pipirito.

"Aba dapat lang, nahahalata na kita hindi porque may relasyon kayo ni Sir e sitting pretty ka nalang lagi. Ano ka langaw na nakadapo sa kalabaw? Wag masyadong mataas ang lipad masakit bumaksak" aniya, nagulat ako ng biglang humarang si Venus sa harap ko at namaywang.



"Tumigil ka na nga, ano bang problema mo kay Nina?" Inis na sabi nya kay Leslie, ngumisi lang si Leslie sa kanya saka umiling.



"Nina, okay ka lang?" Tanong ni Venus saka hinawakan ako sa balikat, tumango ako saka tipid na ngumiti. Eto ang isa sa iniiwasan ko kaya gusto kong pigilan ang damdamin ko kay Spencer. Ang husgahan ako.

Pagkatapos kong magluto ay pumanhik na ako sa kwarto ni Kisza para gisingin sya, lumapit ako sa natutulog na si Kisza. Hinaplos ko ang buhok nya si Kisza ang gamot sa lahat ng sakit na nararamdaman ko.


"Anak, gising na" hinaplos ko ang buhok nya hanggang sa magising sya.


"Good morning" nakangiting bati ko pag kagising nya, ngumiti sya saka nag inat.

"Good morning Mom" aniya saka yumakap sakin. Ginantihan ko iyon na may kasamang pag mamahal.




"Breakfast kana" sabi ko, tumango sya saka tumayo at pumasok muna sa banyo.


Tumayo naman ako at hinawi ang kurtina, inayos ko rin ang kama nya at ang mga nakakalat nyang gamit. Nang lumabas sya sa banyo ay umupo sya sa kama kaya umupo ako sa tabi nya.


"Anong problema?" Tanong ko saka kinuha ang kamay nya at hinaplos haplos iyon. Napakalambot ng kamay nya.



"Mom nanaginip po ako, iniwanan mo daw po kami ni Daddy" nakalabing sabi nya.
Huminga ako ng malalim, ayokong mangako sa anak ko dahil alam kong mas gugustuhin nya na umalis ako sa oras na malaman nya na ipinamigay ko sya.


Hindi ako kumibo pero umayos sya ng pag kakaupo at hinawakan nya ang mukha ko at hinarap sakanya. Tinitigan nya ako na parang may hinahanap sa mata ko, pamilyar ang tingin na ibinibigay nya sakin. Katulad ito ng tingin ni Spencer kapag tinititigan ako, na parang hinahalukay ang pagkatao ko para makakuha ng sagot.


"Hindi mo naman po kami iiwan diba Mommy?" Tanong nya, kinagat ko ang ibabang labi ko saka pumukit-pikit para pigilan ang pag iyak ko. Ayokong paasahin ang anak ko pero ayoko rin naman syang saktan, tumango ako saka ngumiti sakanya. Hindi ko na napigilan ang luha ko ng yakapin ako ng anak ko, at lalo akong napahagulgol ng halikan nya ang noo ko at muli akong yakapin.



Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon