Chapter Four

7.8K 224 8
                                    

Leon got up from bed. He was dead tired from the long drive pero ni hindi man lang niya mapilit ang sariling matulog. Naroong bumiling baligtad siya, dumapa, tumihaya pero nanatiling mailap ang antok sa kanya.

Laman ng isip niya ang babaeng nasa katabing silid lang ng silid na inuukopa niya. There was something familiar about her na hindi niya matukoy kung ano. Sana'y naaalala niya kung saan sila nito unang nagkita noon.

Hermosa seemed tenacious despite the striking look. Napakasimpleng manamit pero may angas ang kilos. She looked like someone who's self reliant because she's gone through so much.

Simula nang mapag isa si Leon sa maliit na silid na iyon, his mind had been on her. He couldn't fathom how the sight of her earlier caused the cords of his heart to strum wildly.

Leon groaned as he place his arms on his forehead and tightly closed his eyes. Damn. Why couldn't he stop thinking about her? Ang dapat niyang pinag iisipan ngayon ay kung paano niya ito makukumbinsing pumayag sa plano niya.

Nasa ganun pa rin siyang posisyon nang makarinig ng mahihinang ungol.  Leon pried his eyes open and strained his ears. Nanggagaling iyon sa katabing silid.

Wala naman sigurong multo sa lumang bahay na ito. He scoffed. He doesn't even believe in ghosts.

Kumunot ang noo niya nang marinig na may kasabay nang impit na iyak ang mga ungol. At habang tumatagal palakas na iyon nang palakas.

Mabilis siyang bumangon at lumabas ng kuwarto. His brows furrowed, ang pinaghalong ungol at iyak ay siguradong nagmumula sa silid ni Hermosa.

She must be having a nightmare, Leon thought to himself. Pero hindi siya makapagdesisyon kung kakatok sa pinto o pupuwersahin niya na iyong buksan.

He chose the former. Paano kung pasukin niya ang kuwarto at mamisunderstood siya ni Hermosa pagkatapos? He'll be giving Leonarda a heart attack if he ends up in jail.

Leon was about to knock at her door nang makarinig siya ng nabasag na kung ano mula sa loob. Nahinto ang pag ungol, ganundin ang pag-iyak... napalitan iyon ng mahihina at pigil na mga hikbi. Na parang isinubsob ni Hermosa ang mukha nito sa mga palad at doon tumangis.

Ibinaba ni Leon ang kamao. Mahabang katahimikan na ang narinig niya pagkaraan ng ilang minuto. Hindi ganoon kahaba ang pasensya ni Leon pero hindi niya alan kung ano ang nagtulak sa kanya para
tahimik at matiyagang maghintay sa labas ng pinto.

He felt relieved when the cries stopped. Umungol siya nang matantong worried siya.

Hindi naman sila close para magpakita siya ng concern...

Tumalima si Leon pabalik sa silid na ipinagamit sa kanya ni Hermosa nang marinig niya na ang pagbukas-sara ng pinto mula sa loob ng kwarto, marahil ay ang cr.

♥️

Napabalikwas ng bangon si Hermosa. Nakakasilaw na ang sinag ng araw na naglalagos mula sa labas ng bintana ng silid niya. Hindi niya iyon pinagkaabalahang lagyan ng kurtina.

Mabilis siyang bumaba ng kama at kamuntik pang ma-off balance nang iiwas niya ang paa sa bubog na nasa sahig. Hindi niya iyon niligpit kagabi.

Nahagip ng kamay niya ang walang lamang plorera sa sidetable matapos siyang dalawin ng hindi magandang panaginip.

Bumuntong hininga siya. Nilinis niya ang sahig bago tinungo ang bathroom para maligo. Nang makapag bihis, dumeretso siya sa kusina habang nag iisip kung anong lulutuin para kay Leon.

Pipi siyang nagdasal na sana ay may laman pa ang tangke ng gas dahil aabutin pa ng mahigit kalahating oras bago sila mahatiran ng refill.

Bumagal ang mga hakbang ni Hermosa nang matanaw si Leon sa kusina. Nakasuot ito ng apron, may hawak na platito na may nakalagay na hiniwang bawang.

Without You : Key to Leon's Heart Where stories live. Discover now