Chapter Two

6.6K 224 25
                                    

Sa nakalipas na mga araw ay naging  bukambibig ni Leonarda ang tungkol sa inuungot nitong kasal kay Leon.

Sa nakalipas na mga taon ay wala siyang ibang babaeng seneryoso pa pagkatapos ng relasyon niya kay Rapunzel.

Masaya siya sa estado ngayon ng kanyang buhay. Women come and go at nasanay na siyang walang babaeng sumusunod sunod at nagdedemand sa atensyon niya at oras.

"If you are really concern about Tita Leonarda bakit hindi mo pagbigyan ang gusto niya?" Naalala niyang komento ni Daniel nang banggitin niya sa kaibigan ang tungkol sa problema sa ina. Nakaupo si Daniel sa isa sa mga visitor's chair sa harap ng kanyang desk.

"If you were in my shoes will you marry a woman you don't even know?" ganting-tanong niya sa kaibigan. Negosyante din ito at business partner niya.

"Why not? Halos pareho lang naman ang girlfriend at asawa? Pareho mo silang pwedeng madala sa kama nang walang problema." 

Leon smirked. "Good for you."

Tumawa si Daniel. "Tita Leonarda must be thinking na itong Hermosa na ito na ang magiging daan para makapag move on ka kay Rapunzel."

"I'm completely over her," Sagot niya.  Hindi na alam ni Leon kung ilang beses niyang nasabi iyon pero wala yatang naniniwala sa kanya pagdating sa bagay na iyon. Lalo na ang kanyang Mama. 

Nagkibit-balikat si Daniel. "So, anong plano mo?"

Nahahati ang isip niya. Gusto niyang paluguran ang kanyang Mama pero mahirap ang ipinagagawa nito sa kanya. Hindi siya gaanong naniniwala sa kasal at pagsasama nang walang hanggang pero hindi pa talaga siya handa na pasukin ang ganoong bagay. May girlfriend siya – si Lizbeth, isang commercial model at may ilang linggo pa lang silang mag on. Pero hindi sumagi sa isip niya ang pakasalan ito lalo't alam niyang nasa Tagaytay ito ngayon kasama ang ex-boyfriend nito.

Kung sa nobya niya nga na ilang buwan na niyang kilala at naikama niya na ay nag aalangan siyang pakasal, sa Hermosa na ito pa ba na ni hindi niya pa nakakasama?

"Marry Lizbeth then para mapanatag ang Mama mo. Kapag nakasal na kayo ay wala ng magagawa ang Mama mo. Hindi ba at nagself-announce na rin naman siya na engaged na kayo?"

"Hindi gusto ni Mama si Lizbeth. Buo na ang loob niyang ipakasal ako sa anak ng kaibigan niya."

"Arrange marriage sa panahong ito? Hindi ko alam na uso pa ang ganoong klaseng manipulasyon." Palatak ni Daniel.

Bumuntong hininga si Leon.
"Ayokong isipin na ginagamit niya ang kalagayan niya para itulak ako sa babaeng iyon."

"Well, Tita has her reasons. Hindi ka na bumabata. Hindi mo pa ba talaga nakikilala ang Hermosa na sinasabi niya? Sa dami ng babaeng naghahabol sa 'yo baka nakalimutan mo lang?"

"Mama said I met her before pero hindi ko maalala."

At isa lang ang ibig sabihin niyon - she wasn't his type. Dahil kung oo, dapat nagmarka ito agad sa kanyang utak or perhaps, nai-date niya ito kagaya ng ibang babaeng naging fling niya sa nakalipas.

"Bakit kung ganun siya ang napili ni Tita para sayo? Dahil lang anak siya ng kaibigan niya?"

"I wonder myself."

Daniel clicked his tongue, "Anong iniisip mo ngayon?"

Hinagod niya ang batok, "Iniisip kong matanda na si Mama at magi-guilty ako na hindi ko siya mapagbibigyan. Nakikita ko ang adoration niya sa Hermosa na iyon. Hindi siya ganoon kahit kay Rapunzel noon."

"Hey, why don't you marry that woman and annul her later on?"

"Annul her? On what ground?" kunot noong tanong niya.

Without You : Key to Leon's Heart Where stories live. Discover now