Prologue

10.3K 241 25
                                    

PROLOGUE

"Hermosa, dumating na si Ninang Leonarda." Balita ng nakatatandang kapatid ni Hermosa na si Isaac o Isa para sa kanya. Nasa bungad ito ng kuwarto niya, nagtatanggal ng cutics sa kuko nito sa kamay.

Tatlong taon ang tanda nito sa kanya, nasa sa second year college at kumukuha ng kursong Tourism sa isang pribadong Unibersidad sa Naga.

Bumakas ang tuwa sa mukha ng dise-sais anyos na dalagita. Minadali niya ang pagtatali sa buhok at tumakbo na palabas ng silid. Kababata at matalik na kaibigan ng mama niyang si Marcela si Donya Leonarda. Ang Papa niyang si Enrique ay isang pulis, ang Mama niya naman ay isang public school teacher sa Sabang.

Nagkakilala ang kanyang mga magulang sa Albay minsang mag-judge sa isang beauty contest ang una. Naging magkaibigan at di naglaon ay nagkagustuhan.

Si Leonarda ang unang nakapag-asawa sa magkaibigan. She married a wealthy businessman and their family owns the biggest mango and chicken farm in San Fernando, La Union.

"Tita!" excited niyang tawag nang makita ang matandang babae na sa edad na singkwenta ay maganda pa rin.

Lumipad sa kanya ang tingin ng bisita, banayad na ngumiti. Ang Mama niya ay nailing na nagpaalam sa kaibigan para asikasuhin ang mga dumarating na mga bisita. May ideya na ito kung bakit puno ng excitement ang mukha ng bunsong anak.

"Hija..." bati ni Donya Leonarda. Si Issa ang inaanak nito pero mas close ito sa kanya.

Sa loob ng isang taon ay isa hanggang dalawang beses bumibisita sa kanila ang Ginang, iyon ay tuwing Fiesta o kaarawan ng isa sa myembro ng kanilang pamilya.

Kagaya ngayon, 16th birthday niya at kagaya ng inaasahan ay dumating ito.

"Tita, uuwi ka ba agad?" tanong niya nang makaupo sa tabi nito.

"Kararating lang ni Ninang nagtatanong ka na agad nyan," si Isa na sumunod sa pagbaba niya ng hagdan kanina. Naupo ito sa armrest ng bagong barnis na sofang yari sa kawayan.

"I'll stay till five. May dinner date ako bukas kasama ang tiyahin ni Rapunzel," nakangiti pa rin na tugon ni Donya Leonarda.

"Rapunzel?" nakakunot-noong gagad niya. "Sino po 'yon?"

Nag alangan saglit ang Ginang. "Ah... Girlfriend siya ni Leon, Moss."

"Girlfriend?" Gagad niya ulit, nalukot ang mukha. "Hindi ba at kabi-break lang nila ni Brenda?" komento niya na mas lalong hindi nag abalang itago ang disappointment sa mukha.

Ang tinutukoy nilang Leon ay ang nag iisang anak ni Donya Leonarda. Ang kanyang first love at ang nag-iisang lalaking guwapo sa paningin niya. Graduating na ito sa kursong Agriculture sa isang exclusive school sa Maynila.

Dalawang taon na ang nakakaraan nang una niyang makita at makilala si Leon. Isinama ito ng Mama nito sa Bicol para sa isang gabing summer getaway sa Caramoan Island kasama sila at ang ilang piling trabahador sa Hacienda.

Guwapo ito, lalaking lalaki tumitig, matangos ang ilong at  mapula ang mga labi, pero hindi iyong tipong  nagmamalaking alam nito na may pisikal na anyo itong ipagmamalaki. Matindi at tumagal ang paghanga niya sa binata sa kabila ng hindi na ulit sila nito nagkita pa.

Kailan ba kasi sya magdadalaga para maligawan niya na ang binata? Bente uno na si Leon at hindi magtatagal ay mag aasawa na ito, habang siya mukha pa ring bata. Last year lang siya nag umpisang mag mens. Sabi ng Nanay niya may ganoon daw talaga, late bloomer.

Disappointed siya. Kung kailan siya nagmamadali saka naman nagmamabagal ang kanyang paglaki. Pati pagtubo at pag umbok ng kanyang dibdib, pumepeteks.

Without You : Key to Leon's Heart Where stories live. Discover now