CHAPTER TWENTY SEVEN

12 0 0
                                        

Nyckolette POV



Nagising ako na puro puti ang nasa paligid ko.


Nasan ako?


Ginalaw ko ang katawan ko pero may mga nakalagay na mga kung ano-ano.



“San ako?” nanghihina ang boses kong tanong.


Mabilis naman na lumapit sakin si Mama at Papa na naluluhang nakatingin sa akin.



“Salamat sa Diyos at gising kana.” niyakap ako ni Mama pero napaiktad ako dahil sa sakit.

Anong nangyare?

Nagtataka akong nakatingin sa kanila kasi naguguluhan ako kung ano ba ang nangyare.


“Naaksidente ka anak. Hindi mo naalala?” umiling ako bilang sagot.


Hindi ko natandaan kung bakit ako nandito pero sumasakit ang katawan ko.


“Tumawag ka ng Doctor.” utos ni Mama kay Papa at agad naman nitong sinununod.



Hindi ako nagsalita dahil nanghihina pa ako. Nakatitig lang ako sa kisame ng biglang bumukas ang pinto. Agad naman akong napatingin doon at nagsalubong ang mata namin ng lalaking matangkad at gwapo.


Sino sya?


Ang mata nya ay malalim na halatang puyat. Natutulog ba sya?



Ngumiti ito sa akin pero wala akong naging tugon.



Lumapit ito sa akin at unupo sa harap ko na upuan. Hinawakan nya ang pisngi ko at nagsalita.



“Oh my, you're awake mahal.” nagkunot ang noo ko sa itinawag nya sa akin.


Mahal?



“Sino ka? ” hindi ko alam kung bakit sa tanong ko na iyon ay bigla syang umiyak kaya nagpanick ko.



“Hala, may sinabi ba akong masama? Pasensya na po kung meron. ” paghingi ko ng sorry at inabot ang pisngi nya.


Mas lalong tumulo ang luha nya dahil sa ginawa ko.



Lumapit naman si Mama sa kaniya.



“Usap muna tayo, Jarren.” sabi ni Mama sa kaniya.



Jarren? Jarren ang pangalan nya? Sino sya?




Tumango naman sya nagpaalam sa akin.



Bigla naman pumasok si Papa kasama ang doctor.



Chineck ako ng doctor at kung ano-ano pa ang pinaggagawa kaya hinayaan ko nalang.



Pagkatapos ay kinausap ng doctor si mama, papa, at si Jarren kuno.



Hindi ko alam pero bakit umiiyak si Jarren kuno habang nagsasalita ang doctor.



May problema ba sya?



Nag iwas ako ng tingin sa kaniya dahil nasasaktan ako kapag nakikita ko syang umiiyak.




Ewan ko ba. Hindi ko naman sya kilala pero bakit nasasaktan ako para sa kaniya.



Parang mali.


Pagkatapos magsalita ng doctor ay umalis na ito at si Mama naman ay lumapit sa akin at kinausap ako.




“Si Jarren ay iyong kasintahan. Sa katunayan ay nakatira na kayo sa iisang bubong pero naaksidente ka kaya hindi mo matandaan dahil nagkaroon ka ng amnesia.” paliwanag sakin ni Mama.


The Red String Theory (Book Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant