CHAPTER TWENTY ONE

16 0 0
                                        


Nyckolette POV

Mabilis na lumipas ang mga buwan at nasa last year na kami sa college.

Hindi ko din akalain na isang taon na kami ni Jarren.

Sa bawat monthsarry namin ay hindi sya nakakalimot magbigay ng bulaklak sakin.

He knows everything about my likes and dislikes.

He embrace my flaws.

Kapag nag-aaway kami ay lagi naming napag-uusapan.

We always choose to fix our relationship rather than leaving it broken.

He always knew where to stop the arguments kasi it always ended up na kapag iiyak ako, mag sosorry sya.

He doesn't want me to cry.

“Baby, I ordered pizza for us para matuloy natin yung movie na pinapanood namin.” sabi nya sabay pakita sakin ng box ng Pizza.

Sabado kasi ngayon. Nasa last year na kami at sobrang hectic ng schedules kaya kailangan namin magtulungan.

Si Fern kasi busy din ngayon dahil dinala sya ng Mommy nya sa outing ng family nila kaya di sya nakapunta ngayon.

Madaming nangyare pero lahat yun ay nagiging okay din naman.

Akalain mo na sa sobrang dami ng struggles namin para makaabot sa ganitong year.

“Kiee, You're spacing out.” napabalik ako sa kasalukuyan ng niyugyog nya ang balikat ko.

“Okay. Sorry, nag iisip lang.” sagot ko sa kaniya.

Umupo kami sa sofa at pinagpatuloy ang pinapanood namin.

*

Mabilis natapos ang oras at nagluto na kami ng lunch namin.

Ako lang pala.

Pinapanood nya ako habang nagluluto kasi hindi naman sya marunong.

“Baby, what are you going to cook.” nakatalikod ako habang tinatanong nya ako kaya hindi ko makita ang mukha ko.

“Hindi mo din alam kung ano ang lulutuin ko kahit sabihin ko eh.” sagot ko sa kaniya.

After 30 minutes ay natapos na ang niluluto ko.

Kumuha na ako ng kanin at ulam namin samantalang sya naman ay naglagay ng mga utensils sa mesa.

“Woww, it looks like delicious.” nakangiti nyang sabi habang hawak ko ang mangkok ng ulam.

It's adobo.

Ngumiti ako sa sinabi niya at nilagay na sa mesa.

Nilagyan ko sya ng kanin at ulam sa plato nya at nag pray na muna kami.

Tinignan ko ang reaction nya at sarap na sarap ito habang kumakain.

“Nagustuhan mo?” tanong ko sa kaniya.

Tumango-tango naman sya bilang sagot.

“I love it.” sagot nya.

Ngumiti na lang din ako dahil dun.

*

Nang matapos kaming kumain ay ako na rin ang nagligpit ng pinagkainan namin.

Ako na ang naghugas at siya naman ang naglinis.

Nang matapos ako ay bumalik na ako sa sala para gumawa ng projects.

Around 3PM ay nagpahatid na ako kay Jarren dahil may importante akong pupuntahan.

Nang makarating ako sa bahay agad din akong nagbihis at pumara ng taxi papunta sa lugar kung saan kami magkikita.

Agad akong pumasok ng lugar na iyon dahil kailangan kong matapos ito.

Nakangiti syang sinalubong ako pero tinignan ko sya ng malamig.

“Good evening.” bati ko sa kaniya.

Ngumiti sya dahil dun.

“Good evening, Kolette.” bati nya sa akin.

“Order everything you want. Don't worry, it's on me.” dagdag nya ng akmang tatawagin ang waiter pero pinigilan ko sya.

“No thanks. Let's get straight to the point. Ano ba ang rason balik ka bumalik?” walang emosyon kong tanong.

Natawa sya kaya nag-init ang ulo ko pero kumalma ako.

Kalma, Nyckolette. Hindi ka dapat makitaan ng galit sa harap nya.

“Gusto kong sumama ka sa akin sa America.” ngumisi ako dahil sa sinabi niya.

“Talaga ba? After mo akong ipa-adopt tapos kukunin mo ako ulit? Dahil ano? Magagamit mo na ako?” inis na tanong ko.

Umiling sya.

“You have to know everything.” sabi niya at umpisang nagkwento.

Nagkwento sya ng mga nangyare at hindi ko alam konh maniniwalaan ko.

*Flashbacks*

Mayaman ang pamilya ng aking ina na si Nimfa Villarreal dahil ang pamilya nito ay nagmamay ari ng isang real estate. Samantalang ang aking ama na si Steven Fernandez ay isang bodyguard ng ama ni Nimfa Villarreal.

Naging magkasintahan ang dalawa dahil lagi itong kasama ni Nimfa kung saan nagpupunta ito hanggang sa nahulog ang loob nila sa isa't-isa.

Laging nagkikita ang dalawa sa gabe kaya hindi maiwasan na may mangyare sa kanila hanggang sa nabuntis si Nimfa at nalaman iyon ng kaniyang pamilya.

Galit na galit ang pamilya ni Nimfa lalo na ang ama nito kaya pinapatay nito si Steven.

Balak sann na ipalaglag ng pamilya nito ang piangbubuntis pero hindi pumayag si Nimfa kaya nong pinanganak nya ito ay ibinilin nito sa katulong nilang si Nanan at Ronald na syang nagtatrabaho din sa mansion ng mga Villarreal.

Namatay ang tunay na ama ni Kolette.

Hinanap ni Nimfa si Kolette hanggang sa natagpuan nito dahil na rin sa pera.

*

“Hindi ko nais na ipaampon ka pero balak ka nilang patayin kaya kailangan kong ipaubaya ka.” sabi nya habang umiiyak.

“Ibig sabihin ay alam nina Mama at Papa ang nangyare?” tanong ko dahil nalilito ako.

Tumango sya.

“Minahal ka nila na parang tunay na anak. Ayaw ka nilang ibigay sa akin dahil alam nilang hindi ka tanggap ng pamilya ko noon pero patay na ang aking ama kaya gusto kitang bawiin sa kanila.” umiiyak na sabi niya.

Kahit ako ay naiiyak na din. Hindi ko alam kung ano ang dapat kung sabihin dahil kahit ako ay hindi ko mapaliwanag ang naramdaman ko.

“Ayuko ko pa din sumama. Hayaan mo akong manatili dito. Maawa ka saakin.” nagmamakaawa na ako dahil hindi ko gusto na iwan ang pamilya ko.

Hinawakan ko ang kamay nya at nagmakaawa habang umiiyak.

Ayukong iwan ang kinalakihan kong pamilya kahit alam ko na ang tunay na nangyare.

“Bibigyan  kita ng karapatan na magpakaina sa akin pero hindi ako sasama.” niyakap nya ako.

Wala na akong nagawa kundi yakapin sya pabalik.

Nalaman ko na kung ano ang tunay na nangyare at napatawad ko na sya pero sana matanggap nya ang katotohanan na nananatili ako sa pamilya ko at lalo na din na mayroon akong taong maiiwan.

I love her and how she protected me against her family but I love my family that is always there for me.

The Red String Theory (Book Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora