CHAPTER TWENTY FIVE

Start from the beginning
                                        

Agad akong pumara ng taxi papuntang airport dahil don daw ako makasakay.

*

Umiiyak ako habang nakasakay sa eroplano. Hindi na ako nakatulog kahit pagod na pagod ako. Hindi pa ako nakakain sa bahay dahil tumawag sila sa akin.

Kahit hindi sya naging ina sa akin ay malaki pa din ang pagmamahal ko para sa kaniya kasi sya ang nagbigay sa akin ng buhay sa mundong ito.

“Miii please hold on.” bulong ko sa sarili ko habang tumutulo ang mga luha ko.

Kahit na antok na antok ako ay hindi pa din ako nakatulog. Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako.

Agad naman na sumakay ako sa driver na naghintay sa akin sa airport.

Mabilis din akong nakarating sa hospital. Nandon ang babaeng tumawag sakin, my half sister.

Anak sya sa kasalukuyang asawa nito. Hindi ko alam kung paano sya pakisamahan pero nagulat nalang ako ng niyakap nya ako.

She's crying so hard kaya niyakap ko din sya at hinagod ang likod nito.

I don't know how to comfort her because we're on the same page but the fact na mas nakasama nya ang ina namin kaysa sakin, mas swerte sya.

Mas swerte sya kasi naging ina sa kaniya ang ina namin. Mas swerte sya kasi mas nakasama nya ang ina namin kaysa sakin. Mas swerte sya kasi naalagaan sya ng tunay nyang ina. Maswerte sya pero pareho kaming nasaktan.

“Everything will be okay. Your ate will be here for you.” doon sya lalong napaiyak.

I was crying too. Not loud as her but surely pareho kaming nasasaktan.

“Ateeee.” she's crying so loud na narinig sa buong hallway.

Nasa loob ng emergency room si Mommy at malal daw ang lagay nito. Hinihintay nalang namin na makalabas ang doctor. I'm willing to be a donor of her blood.

Kumalas na sya sa pagkayakap sa akin. Matangkad ako sa kaniya. Makinis at maputi ang kaniyang balat.

“I'm Alisha.” pakilala nya sa sarili niya.

“I'm Nyckolette.” pakilala ko din.

Naupo kami sa upuan sa labas ng room.

“Mommy planned to looked for you sa Philippines. She already knew your location dahil pinaimbestigahan nya ang adoptive parents mo.” kwento niya sa sakin. “S-she l-loves you so much ate kasi l-lagi ka niyang k-kinukwento kasi malaki daw ang p-pagkukulang nya sayo.” she started to cry dahil sa kwento nya at ako naman ay pinunasan ang luha ko. “Malaki daw ang kasalanan nya sayo kasi pinabayaan ka niyang lumaki sa ibang tao.” napatakip ako ng bibig ko dahil sa kwento nya.

All my life ay nagtanong ako sa sarili ko king mahal ba talaga ako ng tunay kong pamilya dahil pinamigay nila ako pero malalaman ko na mahal na mahal pala ako ng ina ko.

“Alam na nya na hindi na sya magtatagal ate dahil ilang taon na syang nagpapagamot pero  hindi pa din sya gumagaling.” patuloy lang akong nakikinig sa kwento nya. Bakas sa boses nito ang sakit para sa ina namin.

Hinahagod ko ang likod nya habang umiiyak na nagkukwento sa akin.

“Gusto nya tayong mabuo bago sya mawala.” humagulgol na itong umiyak. “Ateeee, h-hindi ko k-kayang m-mawala si Mommy. ” dagdag nito.

Wala akong nagawa kundi yakapin sya at hagurin ang likod nito habang umiiyak din.

“Ate mahal na mahal ka ni Mommy kasi kahit wala ka ay lagi ka nyang kinukwento sa akin kaya sana you will forgive her sa lahat ng pagkukulang nya sayo. ” napatango ako habang yakap pa din sya.

I already forgave her. I already gave her the chance na maging ina sakin, samin kaya sana lalaban sya sa sakit nya.

Hindi ko alam kung ilang oras kaming nakaupo doon at nag-uusap. Napatigil lang kami ng bumukas ang pinto at nilabas ang mga doctor.

“Who's the family of the patient? ” agad kaming lumapit ni Alisha sa doctor dahil don. “Yout mother is still under observation since her condition is critical. I suggest that we should immediately look for the blood donor.” agad naman akong nag volunteer dahil sa sinabi nya.

The doctor give us further instructions bago kami pinayagan na pumasok sa kwarto ng hospital ni Mommy.

*

Nakahiga lang ito na parang natutulog. Kita naman sa katawan nito ang biglang pagpayat nya at putla ng mukha nya.

Umupo lang kami pareho sa magkabilang gilid nito habang pinagmamasdan ang kaniyang mukhang mahimbing na natutulog.

24 hours na ata akong gising. Hindi na din ako nakareply kay Jarren at hindi din ako nakapagpaalam sa amin. Maybe, I'll explain nalang sa kanila ang mga nangyare kapag nakauwi na ako sa amin.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa sobrang antok at pagod. Nagising nalang ako na may kumot na ako.

Nakita ko din ang kapatid ko na nakatulog din habang nakaupo kaya nagtaka ako kung sino ang naglagay ng kumot.

Private hospital kami kaya kami lang ang tao sa isang room.

Napalingon ako sa pinto ng banyo ng bumukas ito. Iniluwa dito ang lalaking tantya ko ay sa edad din ni Mommy. I think this is him, ang husband ni Mama.

“Oh you're awake. You can sleep over there.” tinuro nya ang isang sofa na kasya sa isang tao kung tutulugan.

Tinignan ko lang sya kasi di ko sya kilala pa.

“Oh, I'm Patrick. Nimfa's husband. Nice to meet you Kolette.” I think hindi ko na kailangan ipakilala ang sarili ko dahil kilala na nya ako.

Ngumiti ako sa kaniya at binati din sya.

Kumain na muna kami dahil wala pa akong kain mula kahapon. I think it's been so many hours before ulit ako nakakain.

Hindi na din ako nakatanggap ng text mula sa kaninong tao dahil na rin sa magkaibang network. I hope it won't make them alarmed dahil hindi ako nakapagpaalam.

My mother is my priority right now because I can't affort to lose her again - because maybe this time, it will meant forever to lose her.

The Red String Theory (Book Series #1)Where stories live. Discover now