“Si Krisel nga talaga. She's good at modeling and she's kind.” sabi ko nalang.
“Are you ready?" Tanong niya sa akin.
“Medyo kinakabahan ako pero andyan ka naman. Kaya natin to.” yung nalang ang nasabi ko dahil sa kaba.
Mabilis kaming nakarating sa venue. Hindi na kami naghanap ng maupuan dahil may nireserve silang dalawa ni Fern bago si Jarren umalis kaya dun na kami umupo.
“Hoy babaita. Pagod yarn? Party mo ba?” natatawang sabi ni Fern. Halatang hindi napagod.
Umupo ako sa gitna nilang dalawa ni Jarren.
“Sorry naman ha. Sanay ba ako sa night party na yan?” balik kong tanong sa kaniya at tinaasan ng kilay.
“Hay nako. Mabuti lang di pa start yung contest. May nag-intermission number eh.” si Fern ang nagsabi. “Bagay sayo yung damit na inorder ko.” sabi niya at inayos ang kulot kong buhok.
Nagsalita na ang emcee sa stage.
“And now, let's start our singing contest.” nagpalakpakan ang lahat.
Naunang kumanta ang first year at sumunod ang second year.
Kinakabahan ako dahil maganda ang mga boses nila at parang prepare sila samantalang kami ni Jarren ay kulang ang practice dahil busy.
“And now, let's welcome the contestants from third year.” tumayo na kami ni Jarren. Hinawakan nya ang kamay ko at inalalayan papuntang stage.
Ngayon ko lang napansin na matchy pala ang green naming suot. Naka formal attire sya at ako naman ay naka green na formal din. Si Fern ang umorder ng damit na ito kaya sure akong sya din ang may pakana nito.
“Kaya natin 'to.” bulong ni Jarren.
Hindi lang kaming course ang nandito dahil inimbitahan namin ang taga ibang course kaya hindi din ako magtaka kung nandito ang ex ko.
“Enjoy the song. Manalo o matalo basta enjoy lang.” sabi ko naman.
“All of you. Miss Nyckolette Madelo and Jarren Jake Garcia.” nakapatay ang ilaw. Ang tanging ilaw na natira ay ang ilaw na sa amin nakatutok.
Ako muna ang naunang kumanta ng unang part ng kanta.
*Nothing's Gonna Stop Us Now playing*
Lumapit siya sa akin ng kantahin niya ang part niya. Nagkatitigan kami kaya narinig namin ang nakakabinging sigawan ng audience.
“Ackkkk Jarlette”
“Jarelette”
“Jarlette”
“Jarlette”
Sabay kaming kumanta sa churos habang hawak nya ang isa kong kamay at nakatitig sakin.
Iniwas ko ang mata ko at tumingin sa crowd na nagwawala dahil sa ginagawa ni Jarren.
Pabalik-balik ang mata ko kay Jarren at sa crowd pero sa huling part ng kanta ay nakipagtitigan nalang ako sa kaniya.
Nang matapos namin ay puro sigaw ang narinig namin. Nag bow lang kami at bumaba na para bumalik sa upuan namin.
Malayo pa kami ay tanaw ko na ang ngiti ni Fern na parang nang-aasar kaya inirapan ko nalang siya.
“You did well, Koko.” napatingin ako kay Jarren na nagsalita.
“You too.” nakangiti kong sabi.
Nang makarating kami sa upuan namin ay hinampas ako ng mahina ni Fern.
“Grabeng pasabog. Hindi ko inaasahan na ganun ang performance niyo ha parang natigil akong huminga dahil sa inyo. May patitigan effect pa.” sabi niya at hinawa ang imaginary bangs niya kaya natawa kami pareho sa kaniya ni Jarren.
YOU ARE READING
The Red String Theory (Book Series #1)
General FictionIf you have to choose between love and career, what would you choose and why? Sobrang lawak ng mundo pero naniniwala ako na kapag para sayo, mawala man ito ay babalik at babalik pa ito sayo. I was once believed that when it is for you, hindi iyon ma...
CHAPTER TWELVE
Start from the beginning
