“Love requires sacrifices. May mga bagay na nagagawa natin dahil sa mahal natin ang isang tao at wala tayong karapatan na kwestiyunin ang nararamdaman nila dahil lang galit tayo. Hindi natin alam kung ano ang kanilang naging sakripisyo sa atin kaya hangga't maaari ay iwasan nating magtanim ng sama ng loob sa isang tao.”
“Love requires sacrifices. May mga bagay na nagagawa natin dahil sa mahal natin ang isang tao at wala tayong karapatan na kwestiyunin ang nararamdaman nila dahil lang galit tayo. Hindi natin alam kung ano ang kanilang naging sakripisyo sa atin kaya hangga't maaari ay iwasan nating magtanim ng sama ng loob sa isang tao.”
Nagplay sa utak ko ang sinabi ni Father kanina.
Kaya siguro wala na akong naramdaman na galit o sakit sa nangyare dahil napatawad ko na siya at kung ano man dahilan nya ay pinili ko nalang na intindihin. Mahal ko siya kaya hinayaan ko siya sa kay Ella kasi akala yun ang ikakasaya niya at kung tatanungin niyo ako kung may chance pa sya ay WALA na.
Biglang pumasok sa isip ko si Jarren at sinabi niya kahapon.
Kanino siya nagseselos? Kay Usher?
Anong ibig sabihin ni Usher?
“Arghhhhhh. Wala akong masabihan ng laman ng isip ko, ” hindi ko naman pweding sabihin kay Fern dahil close at kaibigan namin si Jarren at baka mang-aasar lang yun sakin edi dumagdag pa ang sakit ng ulo ko.
Natigil ako sa pag-iisip ng tumunog ulit ang cellphone ko. Akala ko si Fern pero nakita ko ang name ni Kiven sa screen. Nagdalawang isip akong sagutin pero sa huli ay sinagot ko pa rin.
“Hello?” sagot ko.
“Lette, mag-usap tayo pleasee. Kausapin mo ako pleaseee,” humihikbi ang boses nya sa kabilang linya.
“Kiven anong nangyare bakit ka umiiyak at wala na tayong dapat pag-usapan dahil tapos na tayo.” mahinahon kong sagot sa kaniya. “Tsaka lasing kaba? Bakit ka umiiyak? ” dagdag kong tanong.
“Pleasee lette, ayusin natin ang relasyon natin please. Patawarin mo ako pleasee, ” he's crying at halatang lasing ito.
“Saan ka Kiven? ” tanong ko.
“Sa condo. Please mag-usap tayo,” sabi niya at naputol ang tawag.
Nagbihis ako at nagpaalam kina Mama at Papa na pupuntahan si Kiven. Pinayagan din naman nila ako dahil sabi mabilis lang, may pag-uusapan lang kami.
Hindi naman lingid sa kaalaman nilang hiwalay na kami pero di nila alam ang dahilan dahil pinili kong manahimik.
Dali-dali akong sumakay sa tricycle at sinabi ang address.
*
Nang makarating ako ay binuksan ko ang condo niya. Bumungad sa akin ang magulong sahig na maraming bote ng alak at nakahiga si Kiven.
“Ano ba naman pumasok sa isip mo at nag-inom ka, ” sermun ko at ginising sya.
Nagising naman ito at napaupo ng makita ako. Inayos ko ang mga bote ng alak na nagkalat at tinapon sa basurahan.
Nakaupo lang sya habang nakatitig sa akin na parang hindi makapaniwala na nandon ako.
Nang maubos ko ng malinis ay humarap ako sa kaniya kaya nataranta naman siya.
“Lette, I'm really sorry sa mga nagawa ko pleaseee. Bigyan mo pa ako mg chance na patunayan ang sarili ko sayo. I'll change promise.” umpisa na naman na tumulo ang luha nya at lumuhod.
Umiling ako.
“Tumayo ka dyan, Kiven.” sabi ko pero umiling sya at nanatili sa pagkaluhod niya.
Lumapit ako sa kaniya at itinayo at pinaupo sa sofa.
“Makinig ka sa akin.” kumuha muna ako ng tubig at pinainom sa kaniya. Ininom naman niya ito.
Tinignan ko sya na nakaupo bago nagsalita.
“Alam mo naman dati pa na ayaw ko sa lahat ang niloloko ako diba? Andyang ka noong panahon na umiiyak ako dahil niloko ako. You were there to listen all my pains. Alam mo lahat ng trauma ko at kung paano ako nasaktan pero hindi ko inaasahan na ginawa mo din ang mga sinabi ko sayo.” umiiyak na ako habang nagsasalita habang sya ay tumutulo din ang luha.
“I told you about my traumas and you did it perfectly.” pareho na kaming umiiyak.
That's his weakness, seeing me cry pero this time, sya na ang reason.
“Let me fix everything, Lette. Patawarin mo ako please. Aayusin ko lahat basta wag moko iwan,” this is not him anymore. His broke at nasasaktan akong isipin na ako ang dahilan.
“Okay na ako Kiven. Tinanggap ko na na hindi mo na ako mahal at niloko mo ako kaya please, tama na please. Huwag mo na pahirapan sarili mo,” nakita ko ang luha na pumapatak sa mata niya.
“Yung lalaki bang yun ang dahilan kung bakit wala nang pag-asang maayos tayo? ” biglang tanong niya sa akin kaya kumunot ang noo ko.
“Anong pinagsasabi mo? Walang kinalaman si Jarren dito at ikaw ang may kasalanan kung bakit tayo nagkaganito,” naiinis kong sagot.
“So sya nga? I'm not mentioning anyone but he's in your mind.” sagot nito sa akin kaya nagulat ako.
“Aalis na ako. Fix yourself Kiven because I'm done fixing you. And don't you dare to hurt him. I'm waring you.” aalis na sana ako pero hinawakan niya ako at kinulong sa bisig niya.
Pumiligpas rin ako.
“Bitawan mo ako, Kiven,” galit kong sabi.
“Kung hindi ka mapupunta sakin, hindi ka rin mapupunta sa kaniya,” sabi niya habang pinipilit akong hinahalikan.
“Bitawan mo ako sabi eh,” sabi ko at sinipa niya kaya nabitawan niya ako. Tumakbo naman ako palabas at mabilis na sinarado ng malakas. Tumakbo ako habang palingon-lingon hanggang makarating ako sa kalsada.
Tatawid sana ako pero may nakakasilaw na ilaw ang nagpatigil sakin.
“Kolette?” narinig ko ang boses ni Jarren bago ako nawalan ng malay.
AU: Dahil walang pasok, kaya ako nag update. Happy reading, Moonies and Jarlette's Babies. Spread love lang tayo at no hates, okay? What will happened next kaya? God bless you all.
JARLETTE HANGGANG MAGVIOLET. 💝🥺
YOU ARE READING
The Red String Theory (Book Series #1)
General FictionIf you have to choose between love and career, what would you choose and why? Sobrang lawak ng mundo pero naniniwala ako na kapag para sayo, mawala man ito ay babalik at babalik pa ito sayo. I was once believed that when it is for you, hindi iyon ma...
CHAPTER EIGHT
Start from the beginning
