Hindi ko alam kung ang insaktong sasabihin nila pero may feeling ko may kinalaman ito sa mga tanong sa isip ko.
“Tungkol ba ito sa babaeng pumunta sa bahay? Sya ba ang tunay kong ina?” deretso kong tanong at nakita ko naman ang gulat sa kanila pero tumango naman sila sa akin. “Alam ko naman po na may kinalaman iyon sa pagkatao ko pero hindi ko po kayo ipagpapalit sa kaniya. Kayo na po ang magulang ko simula ng nagkaroon ako ng muwang sa mundo at sya? Babalik sya ngayong malaki na ako? May balak siyang kunin ako sainyo? Pwes, hindi ako sasama.” dagdag ko at nakita kong napaiyak si Mama.
Dali-dali naman itong niyakap ni Papa si Mama.
“Mahal na mahal ka namin anak at masaya kaming kami pa rin ang pipiliin mo kahit mayaman ang tunay mong ina. Hindi man namin mabibigay sayo ang lahat ng gusto mo pero sana sapat ang pagmamahal na ibinibigay namin sayo,” si Papa naman ang nagsalita. Ngayon ko lamang narinig si Papa na naging vocal sa gusto nyang sabihin.
Ngumiti ako.
“Mahal na mahal ko din po kayong tatlo kaya kain na tayo. Nagdrama pa tayo e hindi ko naman kayo ipagpapalit eh,” sagot ko at kumain na kami.
Masaya kaming nagkwentuhan tungkol sa pag-aaral namin ni Klent. Senior High School si Klent, Grade 12 specifically.
“Aba may nililigawan kana palang bata ka ha,” pang-aasar ko dahil nagsumbong si Mama na may nililigawan daw itong kapatid ko.
“Si ate naman nang-aasar pa kaya ayuko sabihin sainyo kaso si Mama ang daldal eh,” nakasimangot na sabi ni Klent.
“Siguraduhin mo na mas maganda pa sa ate mo yang maging girlfriend mo ha,” asar sa kaniya ni Papa.
“Maganda si Ate kaysa sa kaniya pero maganda din naman siya,” sagot naman ni Klent kaya natawa ako sa sinabi niya. Aba nambola pa.
“Kayo talaga. Hindi mahalaga ang mukha kundi ang ugali, tandaan nyo yan. Ang panlabas na anyo at ganda ay nawawala sa paglipas ng panahon pero ang ganda ng panloob ay hindi mababago kailanman,” sermon ni Mama sa dalawa kaya natawa ako.
“Si Mama masyadong seryuso alam mo naman na nagbibiro lang yang dalawa,” ako na ang nagsalita.
Nagpatuloy kami sa pagkain at kulitan hanggang nakauwi na kami.
Natulog lang ako buong maghapon dahil wala namang gagawin.
Nagising ako sa call ni Fern. 6:43PM na pala.
“Hello?” sagot ko habang nakapikit ang mata.
“Hoy babae kanina pa ako tumatawag sa iyo. San ka?”tanong ni Fern sa kabilang linya.
“Sa bahay kakagising ko lang,” sagot ko naman.
“Gaga tignan mo sa Facebook, trending ngayon ang break up ng hayop mong ex at ng pinalit nya sayo?” chika niya pero umiling lang ako.
“Hindi ko na naalala ang tao pero ikaw pa ang nagpaalala. Nawala nga sila sa isip kahit hindi pa matagal ang nakalipas,” sagot ko naman pero sinunod ko ang sabi niya.
Pinatay ko muna ang tawag.
Binuksan ko ang Facebook ko at bumungad ang status ni Ella na nireveal ang cheating issue ni Kiven. Ang comment ay iba-iba ang opinion. May sinisisi si Ella dahil daw malandi at dahilan ng break up namin ni Kiven. May nagsabi na friendly lang si Kiven kaya malapit sa babae. Madami pa akong nabasa pero wala na akong maramdaman na sakit o galit.
“Love requires sacrifices. May mga bagay na nagagawa natin dahil sa mahal natin ang isang tao at wala tayong karapatan na kwestiyunin ang nararamdaman nila dahil lang galit tayo. Hindi natin alam kung ano ang kanilang naging sakripisyo sa atin kaya hangga't maaari ay iwasan nating magtanim ng sama ng loob sa isang tao.”
YOU ARE READING
The Red String Theory (Book Series #1)
General FictionIf you have to choose between love and career, what would you choose and why? Sobrang lawak ng mundo pero naniniwala ako na kapag para sayo, mawala man ito ay babalik at babalik pa ito sayo. I was once believed that when it is for you, hindi iyon ma...
CHAPTER EIGHT
Start from the beginning
