“Turuan kita tagalog, gusto mo?”tanong ko sa kaniya.

“Deal but we have to do our project first,” sagot niya.

Tumango nalang ako at tumingin sa unahan.

“Yayamanin ka talaga no? May car kana.”biglang sabi ko kasi syempre di naman lahat ng kaedad namin ay may sasakyan.

“My mother's gift when I turned 20.”sagot niya naman. “By the way, my mom is there but you don't have to worry, she's kind.  Di siya pumasok sa office because nobody's take care my lil bro cause my dad is very busy.” dagdag pa nito.

“Seryuso? Halaa baka kainin ako ng mama mo 9r baka bugahan ng apoyyy. Omyghadddd.” maarte kong sabi sabay takip ng mukha ko gamit ang kamay ko na ikinatawa naman ni Jarren.

“Buang. She's kind and she dream having a daughter but she got 3 sons.” natatawang kwento nya.

“May kuya ka or batang kapatid?” tanong ko sa kaniya.

“Both. I'm the middle child.” sagot naman nito kaya tumango ako. “Kuya wasn't there because he's at school right now, group works. My lil bro is there too but he won't disturb us.” dagdag nito.

“Hala same tayo may kababatang kapatid din ako pero malaki na siya. ” kwento ko naman. “Makulit yun tsaka madaldal din tulad ko pero mabait din naman tsaka masunurin at may respeto. ” dagdag ko pa. Mabait naman talaga kapatid ko kaya wala akong problema sa kaniya.

“I wanna meet your brother and father. ” nabigla ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kaniya.

Eh? Nakangiti siya.

Bakit ngayon ko lang na notice na pogi pala sya sa malapit?

Makapal kilay nya.

Pouty ang namumula niyang labi.

Walang tigyawat or pimples.

Maputi din siya.

Whatttt? Wait wag mong titigan Nyckolette.

“Staring is rude, Koko. ” napaiwas naman ako sa kaniya.

Aba sorry naman malay ko bang natitigan na pala kita.

“Delulu mo naman, di kita tinitigan no. Kapal.” natawa kami pareho sa pinaggagawa namin.

Maya-maya ay nakarating na kami. Nagulat ako ng may batang lumapit sa akin at gustong magpakarga.

“Up up,” amg cute niya kaya kinuha ko siya at binuhat.

“Chase, behave. Ate Kolette and I have projects to do.” kiniss niya sa noo ang kapatid niya.

“Hello ate koyeett. ” medyo bulol pa siyang magsalita.

“Hello poging chase. How old are you? ”tanong ko at pinakita naman ang tatlong daliri niya.

“Ahhh three.”ako.

“Where's mom, chase? ” tanong niya at tinuro naman ni Chase sa loob. “Tara pasok na tayo. ” aya niya sakin. Bitbit niya yung mga materials namin na dala ko kanina while karga ko naman ang kapatid niya.

“Mom? We're here.” kinabahan ako habang karga si Chase na nakatago ang mukha sa leeg ko.

Mula sa kusina ay lumabas yung babaeng nasa mid-40 na may suot na apron at hairnet. Maganda yung mama niya at parang mabait dahil nakangiti siya.

“Hello po, Ma'am. Magandang Umaga po. ” bati ko sa mama ni Jarren. Ngumiti naman ito sa akin.

“Hi hija. Ako pala si Jhoanna. You can call me Tita Jho.”pakilala niya kaya nagmano naman ako sa kaniya at nagbeso.

The Red String Theory (Book Series #1)Where stories live. Discover now