[4B] Nosebleed. Literally.

Start from the beginning
                                    

EH KUNG AKO KAYA YUNG MAGING SOMEONE?! :""""">

Eh ano kaya yung something?! 

Nag-iisip pa ako ng may makita akong babae sa malayo. Andami niyang dalang libro! At mukhang doon siya dadaan sa dadaanan ni Enzo! BAKA SIYA ANG TULUNGAN!

Hindi pwede!! Minsan na nga lang ako magkaroon ng ganitong opportunity! 

Agad agad ako pumunta sa may gitna ng naglalakad na girl at ni Enzo!! HINDI KO ALAM ANG GAGAWIN KO! Pero dapat wag siyang tulungan ni Enzo! ANO BA YAN! Ang hirap namang maging bobo! Hindi ko na alam ang gagawin ko!! Palapit na yung girl!!

*BOOOOG*


"Miss!! Okay ka lang?!" 

OKAY?! Tinapunan mo ako ng madaming libro?! 

"Bakit ka kasi humarang! Alam mo namang madami akong dala eh!"

"Hoi ah! Ikaw na nga nakabangga diyan ikaw pa galit!"

"Ang engot mo kasi!! Haharang harang!"

"Eh nakita mo pala ako e di sana umiwas ka! Ikaw yang engo--O___O"

Biglang napatigil yung armalite kong bibig kasi lumapit si Enzo dala dala yung mga books nung nyetang babae na lumapit sa amin. Todo smile naman si Girlash! KAKAINIS! Kanina lang kung masabihan akong engot! 

Lumayo na sa akin si girl. Ako naman nakaupo pa rin dito! AKO KASI DAPAT YUNG TINULUNGAN NI ENZO EH! Hindi siya! Ako dapat--

O____O

Biglang may nakita akong magagandang kamay sa unahan ko. Ang puti. Ang haba. Pati kamay niya gwapo! 

Inabot ko ang kamay niya.. 

O////O

Totoo ba ito?! Nahawakan ko yung kamay niya?! SHHHHT! Gusto kong tumili! Pumapalakpak yung tenga ko! 

Inabot ko.

OMAYGHAAAD.

Gusto ko itigil ang oras. Ang lambot ng kamay niya. Kaso.. Ang lamig. Bakit ang lamig ng kamay niya?! Baka galing sa aircon. Ay? Nagpupulot siya ng basura kanina eh! Baka.. COOL lang talaga siya! ^___^ 

Tinayo niya ako. Tapos inayos ko yung palda ko. 

"Ah. Thank you Enzo!!" 

Nagnod lang siya tapos umalis na. DI MAN LANG NAGSMILE! Bayun! Cold na nga kamay niya pati ba naman personality niya?! 

PERO OKAY LANG! Crush ko yan! Jusko! Iinarte pa! Ikaw na nga nahawakan sa kamay! 

Paguwi ko sa bahay. 

"LOLAAA! Si hope po sinasapian!!"

Bigla ko na lang narinig na sinigaw ni Ate! ANO?! Ako?! Sinasapian?!

"HOY! Anong sabi mo?!"

"May sapi ka na nga bingi ka pa! Ano bang nangyayari sayo?!"

"Sa akin? Wala naman!"

"ANONG WALA?! Kanina ka pa nakatulala diyan! Tapos ngingiti ka pa! Tapos nakatitig ka pa sa kamay mo. Oy! Ano bang gusto mong mangyari sa buhay mo ah?!"

GRABE NAMAN! Makacomment! Nakatitig lang mangyari na agad sa buhay ang dinamay?!

"Ate naman! Ang OA mo!"

"Bakit kasi ang weird mo!"

"Eh kasi ate.."

"Ano?!"

100 Steps To His Heart [Published Book]Where stories live. Discover now