Tumayo na ako, inayos ang nagusot kong damit bago ako naglakad palabas ng conference hall kung saan kami nag-meeting.
I'm done with this, kung hindi niya ako makita bilang isang kapamilya niya better that I stop believing that one day my father will see me and be proud of me.
"Napoleon!" tawag sa akin ni Henry nang nasa labas na ako ng building.
Naabutan niya ako at ngayon nga ay pigil-pigil niya ako para tuluyan na umalis.
"Hindi ka naman seryoso sa sinabi mo sa Tatay mo?" hinihingal na tanong nito.
Tumingin ako sa likuran nito, walang ni anino man lang ng Tatay ko ang nakasunod kay Henry. Kung bakit naman kasi umasa akong hahabulin niya ako.
"Expect my resignation letter tomorrow," sagot ko na lang.
Umiling ito bago huminga ng malalim, "I hope you change your mind, sa lahat ng nakasama kong agent ikaw lang ang nag-angat ng pangalan ng Olympus. At alam kong mapipilayan kami nang dahil sa pag-alis mo. Isipin mo na lang ang mga taong tumitingala sa 'yo sa Olympus huwag na ang Tatay mo."
Pero isang ngiti lang at tapik sa balikat nito ang naging sagot ko. Buo na ang pasya ko, siguro tama na ang dalawampu't walong taon na buhay ko na wala akong ibang inisip kung hindi ang mapasaya ang tatay ko. Na pansin niya man lang niya ako bilang anak niya, pero ang lahat nang iyon nauwi lang sa wala nang dahil sa isa o dalawang pagkakamali.
"'Nak, umaasa pa rin akong magbabago ang isip mo. Magpahinga ka, bukas pag-usapan natin ito," habol pa rin sa akin ni Henry.
Buti pa ang ibang tao, naituturing akong anak. nang dahil doon bumalik ako sa kinatatayuan ni Henry para yakapin ito.
"Thank you, kahit na hindi ikaw ang tatay ko. You treat me like a son, and you cared for me, valued me more than my own father." Bulong ko sa kanya.
Ginantihan niya ako ng yakap at ilang tapik sa likod ko. "You were a son that I never have, sana nga ako na lang ang nakaanak sa Nanay mo. I'm too proud of you, Napoleon."
Hindi na ako nagsalita pa, kumalas na lang ako sa pagkakayakap ko sa kanya at tinalikuran siya.
......................................
PAGKAPARADA ng sasakyan ko sa garahe, I pull down the visor of my car to check my face.
Napangiwi ako ng makita ang pasa sa mukha ko, malakas talagang sumuntok ang tatay ko. Nagkapasa na ako agad kahit na wala pang isang oras mula nang masuntok niya ako.
I look at my wrist watch, at this time alam kong wala pa ang asawa ko sa bahay. Lucky me, magagawan ko pa ng paraan ang pasa ko sa mata.
Nang akmang bababa na ako ng sasakyan naalala ko na naman ang singsing ko. Kaya napamura ako ng sunod-sunod. I was about to drive again, to look for the same design of our wedding ring nang may sasakyan na humarang sa likuran ko.
Napamura ako ng makitang ang asawa ko ang bagong dating. At napamura na naman ako ng mabilis na bumaba ng sasakyan si Carmella at papunta na siya sa sasakyan ko ngayon.
"Shit!" mahinang mura ko.
Wala na akong nagawa pa kung hindi ang bumaba na sa sasakyan at salubungin ang asawa ko. Na ngayon ay gulat at puno nang pag-aalala na nakatingin sa mukha ko.
"What happened? Sinong may gawa niyan sa 'yo?" tanong agad nito sa akin at tinitignan na ang pasa ko.
"Some client, that I had a misunderstanding." Pagpapalusot ko sa kanya.
I cross my finger na sana hindi na magtanong pa ang asawa ko. And I know I'm just trying my luck, because I knew her better.
She didn't stop asking me all the W H question hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay namin.
"We will sue that person. Hindi niya pwedeng gawin ito sa 'yo," paulit-ulit na sabi niya.
Glad that I have her, I have my wife by my side kahit na may nararamdaman akong mali sa relasyon namin. I'm happy because I have Carmella as my family, hindi ako nag-iisa sa mundong ito.
I held her hand and squeezed it tightly.
"No need my sweet Carmel. Nagka-usap na kami, parehas kaming mainit ang ulo kanina kaya nagsalubong kami kaya sumabog ang galit naming parehas. But really we're fine now and nothing to be worried," pagsisinungaling ko.
This will be my last lie to my wife, aalis na talaga ako ng Olympus. Malaki naman ang kinikita ko bilang engineer, kaya mabubuhay kaming dalawa sa rangya na tinatamasa namin ngayon. Maibibigay ko pa rin naman ang mga bagay na kailangan at kahit hindi naman kailangan ng asawa ko.
Napangiti ako ng hawakan rin ni Carmella ang kamay ko para pisilin din. Pero iyong mabining ngiti niya ngayon lang ay nawala at napalitan ng pagkunot ng noo. The next thing i felt is she's holding my ring finger like she's looking for something.
"Where is your ring?" tanong niya na ikinakaba ko ng sobra.
Chapter 10
Start from the beginning
