Napapalibutan ito ng maraming tauhan nito na walang silbi. Hindi man lang naipagtanggol ang amo ng mga ito.

Pasimple akong umalis sa lugar habang hindi Pa ako napapansin ng kahit na sino.

"Have you seen my wife?" bulong ko kay Nick habang naglalakad ako palayo sa lugar.

"Nope, she was lost like a thin air. Sa dami ng tao baka natulak siya sa kung saan then she run away in horror," sagot naman nito.

Naiinis na tinungo ko ang sarili ko nang sasakyan. It was a failed mission. This is the second mission that I failed. Una noong nakilala ko ang asawa ko, five years ago. At ngayon na lang ulit, and what a coincidence I failed my mission again because I saw my wife again.

Pagkapasok ko sa sasakyan ko agad Kong binuhay ang makina at humawak na sa manebela para lang matigilan. I didn't see my ring, my wedding ring to be exact. Hindi ko hinuhubad ang singsing ko simula ng ikasal ako kay Carmella. Kaya imposibleng hindi ko suot ang singsing ko ngayon.

"Damn it!" Napahampas ako sa manebela para lang bumaba ulit ng sasakyan ko.

Hindi pwedeng mawala ang singsing ko. Kakatayin ako ng asawa ko nito.

Kapag hindi ko nakita ang singsing ko ngayon baka ito na ang unang beses na magtatalo kaming dalawa. At hindi ko iyong maiiwasan kahit Pa hindi ako umuwi ngayong araw.

.........................

"A FAILED mission because you accidentally see your wife in that f*cking site!" sigaw ng Tatay ko.

We're all in a meeting, well kami lang na involve sa mission and my father.

"I'm sorry sir," hinging paumanhin ko.

Pero hindi na big deal sa akin ang galit ng Tatay ko. It's like it was bound to happen, at sanay na ako sa galit ng tatay ko. Wala naman akong ginawa na nakitaan ko na proud ang tatay ko sa akin. Palagi niya lang nakikita ang mga pagkakamali ko.

"My wife is my priority, sir. Just like you to your wife," hindi na ako nakapagpigil pa.

I know i shouldn't say those words, wala ako sa lugar para sabihin ang bagay na iyon. Hindi ko kailangan na idamay dito si Mama Aileen. Alam ko kung gaano kamahal ng Tatay ko ang asawa niya na kulang na lang sambahin na nito ang lupang nilalakaran ng asawa nito.

"What did you say?!" pasigaw na tanong sa akin ng Tatay ko.

Pero hindi na ako nagsalita pa, which makes my father got angry more. Mabilis at malakas itong tumayo mula sa kinauupuan nito at pinuntahan ako, kinuwelyuhan niya ako. And in a split of a seconds isang malakas na suntok ang inabot ko sa kanya.

Hindi ako nasaktan nang dahil sa suntok niya sa akin, nasaktan ako na kahit anong gawin ko hinding-hindi ako makakapasok sa puso niya. Na hinding-hindi ako magiging anak sa paningin niya. Isa lang akong pabigat na kailangan niyang intindihin, at ako ang dahilan ng paghihirap niya noon.

Inawat lang ng ibang agent ang Tatay ko, kahit naman na may edad na ang Tatay ko malakas pa siyang sumuntok.

"Your suspended−"

"I'm resigning," pigil ko pa sa ibang sasabihin niya sa akin.

Narinig ko na nagulat ang lahat na nandito sa sinabi ko, alam ng lahat dito kung gaano ako kadedikado sa trabahong ito. Hindi dahil sa gusto kong, ako ang sumunod sa yapak ng Tatay ko kung hindi sa pansinin naman ako ng Tatay ko.

Lahat dito alam ang rason ko pero itong sarili kong Ama hindi alam o baka nagbubulagbulagan lang siya.

"I'll resign, you don't need to suspend me or give any penalty." Aniko.

A Memory to BuildWhere stories live. Discover now