Tatlong araw na ang lumipas mula nang opisyal akong naging bahagi ng publication. Sa tatlong araw na ‘yon, pakiramdam ko parang dumaan ako sa initiation rites na hindi ko naman inaasahan, stress, pressure, at isang Mira na parang may PhD sa pagiging walking red flag. Pero kahit gaano kabigat ang trabaho, unti-unti ko nang natututunang sumabay sa agos.
At hindi ko rin pwedeng i-deny na may isang tao na unti-unting nagiging dahilan kung bakit kahit mahirap, gusto ko pa ring magtagal.
"Nag-aadjust ka na ba?"
Napalingon ako kay Janine habang naglalakad kami papunta sa cafeteria. May hawak siyang bottled iced coffee, at sa paraan ng pagngiti niya, alam kong may binabalak na naman siyang pang-aasar.
"Hindi ko alam kung ‘yan ba ang tamang term. Baka ‘nakakaligtas pa lang’ ang mas bagay," sagot ko, rolling my eyes.
She chuckled. "At sino naman ang dahilan kung bakit ka nakakaligtas?"
"Hindi ko alam ang yang sinasabi mo, anteh," sagot ko at pilit na iniiwas ang tingin.
"Si LJ ‘no?" bulong niya, sabay tingin sa akin na parang nakuha niya na ang sagot kahit wala pa akong inaamin.
"Huy, ang ingay mo!" Pinandilatan ko siya habang pasimple akong lumingon sa paligid dahil baka may nakakarinig sa amin.
"Eh kasi naman, pag siya ang kausap mo, parang may sparkle sa aura mo. Mas blooming! Ang lakas maka-leading lady ng romance movie!"
"Ang OA mo!"
She wiggled her eyebrows. "Tignan mo, three days pa lang kayong magkasama sa publication, pero ang dami niyo nang moments."
Hindi ko siya sinagot. Pero alam kong may punto siya. Sa tatlong araw na ‘yon, mas madalas na ang interactions namin ni LJ.
Hindi siya madaldal, pero may mga moments na hindi ko inaasahan. Yung tipong simpleng tanong pero may dating.
"May naiisip ka bang bagong article?"
"Ang dami mong coffee. Wala ka bang balak matulog?"
"Bakit ang tagal mo mag-edit? Perfectionist ka ba?"
Minsan, simpleng sulyap. Minsan, bigla na lang siyang tatabi habang nag-aayos ng camera lens niya. Wala siyang ginagawa, pero bakit parang may ginagawa siya sa puso ko?
That afternoon, habang nasa publication office ako at nag-aayos ng isang draft article, biglang lumapit sa akin si Dustin.
"Uy, pinsan," he greeted, plopping down on the chair beside me.
"Anong meron?" tanong ko, hindi inalis ang mata sa laptop.
"I need a photographer for my photoshoot next week. Kasabay kasi ng birthday ko ang birthday ni Lola, so gusto kong may matinong shots. Family portraits, solo shots, yung tipong pang-magazine spread."
Ayan na naman siya sa feeling model na photoshoot niya. Umirap ako saka lumingon sa kanya.
Kung hindi ko lang 'to pinsan nasapak ko na sa super pagka-demanding niya.
Napaisip naman ako.
Ilang beses ko nang nakitang magtrabaho si LJ sa publication, at walang duda, magaling siya. The way he captures angles, emotions, and moments, parang may magic.
And maybe, just maybe, gusto ko rin ng excuse para mas makilala pa siya.
***
Kinabukasan, habang nasa hallway ako at naghihintay matapos ang isang meeting, napansin kong naglalakad si LJ papunta sa direksyon ko.
Perfect timing.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Between Two Points
Любовные романыAlliah Coraline, a second-year college student and an aspiring writer, has always believed that love is like a well-written story-structured, meaningful, and bound to have a resolution. But when she crosses paths with Leo James, a third-year photogr...
