☆ Chapter 02 ☆

Start from the beginning
                                    

   Gustuhin ko man na manumbat sa kanya kung bakit hindi anak ang trato niya sa akin ay wala akong lakas ng loob. Dahil mas okay ng ganito na inuutusan niya ako atleast kinakausap niya ako. Kahit na kinakausap niya lang ako kapag may kailangan o ipapagawa siya.

"Hindi pa rin nagbabago si Dad hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang wall sa pagitan naming dalawa. Lalo pa nang ma-aksidente at ma-comatose si Mommy. Kahit hindi niya ito mahal alam kong special pa rin ito sa kanya."  yumuko ako para makuha ang case na inilapag niya sa mesa.

Pumunta ako sa may kusina bitbit ang case na inilapag ko sa mesang pabilog. Tumingin muna ako sa refrigerator ng pu-puwedeng lutuin dahil malapit ng maghapunan.

"Ano kayang masarap lutuin pang dinner ko?"  tanong ko sa sarili ko habang pinagpipilian ang pagkain na lulutuin ko.

Nang mapagdesisyunan ko na pasta na lang ang dinner ko ay agad na akong nagsuot ng apron. Nagsimula na akong magluto. At pagkalipas ng isang oras ay natapos na akong magluto. Kumain na rin ako at naghugas ng pinggan. Pagkatapos ay humarap na ako sa case.

"Ano bang laman nito? Baka bomba? Pero imposible naman na bibigyan ako ng bomba ni Dad. Hindi naman niya ako papatayin."  natatawang sabi ko na napapailing.

Pagbukas ko ng case agad na bumungad sa akin ang mataas na uri ng baril. Isa ito sa binebenta ni Dad sa mga sindikato at mga buyers ng mga binebenta naming matataas na uri ng armas. Kinuha ko ito at sinuring mabuti.

"Ito ang best seller na baril sa mafia."  sabi ko habang kinikilatis ito. Napangiti ako dahil sa mas madali kong mapapatay ang target sa pamamagitan ng baril na ito.

May nakita akong papel sa loob ng case kaya kinuha ko ito.

   Mmm.. Information sa gangster pero walang picture?

Napakunot ako ng noo dahil hinanap ko ang picture ng gangster pero wala sa mga papel. Wala na akong ginawa kundi basahin ang mga information tungkol sa target ko. Pagkatapos kong magbasa ay pumunta ako sa sala at umupo sa mahabang sofa.

"Kailangan ko pang mag-transfer sa school kung saan nag-aaral ang gangster na dapat kong patayin."  napahawak ako sa temple ko.

Maaga akong gumising at inayos ang gamit ko. Dalawang maleta ang dadalhin ko sa lilipatan kong condo unit. Kasama sa case ang key card ko sa bagong condo unit ko na 20 minutes lang ang layo sa lilipatan kong school.

   Talagang inihanda na ni Dad ang lahat sa paglipat ko.

Lumabas na ako sa condo unit at bumaba na bitbit ang dalawang maleta ko. Nung nasa parking lot na ako ay ipinasok ko na ang dalawang maleta sa backseat.

"Master!"  narinig ko na may biglang sumigaw sa likuran ko. Paglingon ko ay agad kong nakita si Kurt.

"Tss!"  ibinalik ko na ang atensiyon ko sa sasakyan.

Nang maayos ko na ang maleta sa backseat, sinara ko na ang pinto. Bubuksan ko na sana ang pinto ng driver seat pero may kamay na pumigil sa akin. Agad kong tiningnan ang taong nagmamay-ari ng kamay na 'yon na pinanlisikan ko ng mata.

"Saan ang punta mo Master?"  tanong ni Kurt na parang ayaw pa akong paalisin.

Tiningnan ko ang tatlo ko pang kaibigan na nasa likuran ni Kurt.

"Somewhere."  matipid na sagot ko. Hinarap ko sila at tiningnan lang ng maigi.

"Dude saan ang punta mo?"  nagtatakang tanong ni Charlie na agad pumunta sa right side ko.

"Sa bagong condo unit ko."  sagot ko na bubuksan na ang pinto ng sasakyan.

"Dahil ba ito sa pag-set namin ng blind date sa 'yo?"  tanong ni Limuel na halata ang guilt sa mukha.

"Sorry na Master hindi na namin uulitin."  sabi ni Benedict na tinawag na akong Master.

"Master huwag mo naman kami iwan."  sabi ni Kurt na sobrang O.A. na.

"Chill, may pinapatrabaho sa akin si Dad kaya hindi muna tayo puwedeng magkita. Bigatin ang ipapatumba sa akin. Hindi ko gustong madamay ang gang."  honest na sabi ko na tinanggal na ang kamay ni Kurt at pumasok na ng sasakyan.

"Tawagan mo kami, ha!"  sigaw ni Charlie na akala mo pupunta ako ng ibang bansa.

"Tss!"  ngumisi na lang ako bago pinaharurot ang sasakyan ko.

Pagpasok ko sa bago kong school ay may kakaiba akong naramdaman. Tumingin ako sa paligid. Marami akong nakakasabay pumasok pero mga walang pakialam sa mundo.

    Puro nga mayayaman ang nag-aaral dito. Sana makita ko agad ang target ko para makabalik na ako sa school ko.

Ayon na rin sa nabasa ko ay puro mayayaman at sosyal ang mga nag-aaral dito. Kabilang na roon ang gangster na walang gaanong information. Kaya parang karayom sa dayami ang hahanapin ko. Mabuti na lang ay may mga importanteng information na nabasa ko para makilala agad ang gangster na 'yon. Stadtfeld ang surname ng gangster na may violet na mata. Wala pang nakakakita sa kanya dahil napakailap niya.

Habang naglalakad ako ay nagtataka ako kung bakit gumigilid lahat ng mga taong kasabayan ko sa paglalakad. Nasa quadrangle na ako nung mapalingon ako sa likuran ko. Nakita ko ang isang babaeng may malakas na dating pero may malamig ang presensiya. May mga nakasunod sa babae na nasa likuran nito.

   Tss! parang importante siyang tao dahil may mga alalay siya sa likuran.

Nanatili lang akong nakatayo hanggang sa nasa harapan ko na ang babae. Mahaba ang kanyang buhok na umabot sa kanyang balakang, mapula ang labi at pisngi na parang hindi gawa ng make-up o ano man na nilalagay na pampaganda. May kulay asul itong mga mata na nagpapadagdag sa kagandahang taglay nito. Pero sa kabila ng ganda ng mga mata nito ay may nagyeyelong tingin ito.

"How dare you to look the Queen in her eyes!"  sigaw ng babaeng makapal ang make-up. Nasa likod ito ng babaeng may asul na mga mata.

   Huh? Masama bang tumingin sa mata ng babaeng blue eyes?

Hindi ako nagsalita dahil muli kong tiningnan ang babae. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin matapos niya akong lagpasan. Naramdaman kong may sumuntok sa kaliwang panga ko dahilan para mapaatras ako.

"If you saw the Queen bow your head and don't look in her eyes!"  maangas na sabi ng lalaking sumuntok sa akin na agad sumunod sa babaeng may blue eyes.

"Potek!"  nagpipigil ako ng galit nang hawakan ko ang panga kong natamaan ng lalaking ugok.

Hinabol ko nang tingin sila at napakuyom ng isang kamay. Gustuhin ko man na patayin ngayon na ang lalaking sumuntok sa akin ay hindi puwede. Teritoryo ito ng gangster at karamihan sa nag-aaral dito ay members ng gang nito.

She's The GANGSTER I Love [Published Book] #Wattys2016WinnerWhere stories live. Discover now