Kabanata 10

193 9 23
                                        

Halos isang buwan din akong puro party. I feel like I'll die young if I continue this lifestyle. Mabuti na lang at marami kaming gagawin simula ngayong linggo kaya naman may rason ako para magpahinga. Lalo na't kaunting anyaya lang sa akin ay pumapayag kaagad ako.

The whole class was silent as the professor in front of us had his discussion. Pilit kong binigay ang aking atensyon sa diskusyon, ngunit hindi ako mapakali.

I felt my phone vibrate twice. Suminghap ako at palihim iyong kinuha. Bahagya pa akong tumungo at binuksan ang telepono para lang makita ang dalawang mensahe mula kay Indra.

Psycho:

Meet me at the kiosk ASAP.

Psycho:

Dalian mo. I'll show you something exciting. ;)

Gigil akong nagtipa.

Ludovica:

Puwede bang huwag mo akong guluhin? Nasa klase ako! . /.

"What do you think you're doing?"

Halos mapalundag ako nang magsalita si Casimir sa aking tabi. I had almost forgotten he was my seatmate. I turned to face him, and he was already staring back at me with furrowed brows and looking pissed.

"You're in the middle of the class, and you're texting with your bastards?" sa tono ng pananalita niya, para ko siyang asawa at nahuli niya akong may kabit!

"Pinagsasabi mo riyan? Ka-text ko nililigawan ni Cohen Rozz," pabulong kong asik.

He raised a brow. Binagsak ko ang tingin sa screen ng aking phone nang muli itong manginig.

Psycho:

Should I spread your filthy little secret?

Suminghap ako at gigil na pinatay ang phone. This girl is a nutcase. As long as she has something against me, she'll treat me like her fucking slave.

Nakuha ko ang atensyon ni Sir Caruz nang itaas ko ang aking kamay.

"Yes, Miss Velarde?"

"May I go out, Sir? Restroom lang sana..." kulang na lang ay lambingan ko ang boses ko, lalo na't istrikto ito.

Tumayo ako nang tumango siya. Nahagip ko ng tingin si Casimir na malamig nang nakatitig sa akin. Sa paraan ng pagtitig niya sa akin, para bang alam niyang kalokohan ang dahilan kaya lalabas ako.

Lumabas na ako at halos takbuhin ang kiosk. Hindi ako puwedeng magtagal. Ano ba kasing kailangan ng baliw na iyon? Ilang araw ko na siyang hindi nakikita at ngayon ay ginugulo na naman ako!

My forehead creased when I found Indra standing in the vicinity of the kiosk. Her long legs are almost blinding. Sobrang kinis at puti ng mga ito. Lalo na't itim na skirt at boots ang suot niya. The white tube top covered by a denim jacket suited her bottoms very well. Nakalugay ang buhok niya, nililipad ng hangin.

"What do you want?" Iritado akong lumapit sa kaniya.

Bahagyang namilog ang aking mga mata nang itulak niya ako at dinikit ang hintuturo sa pink at naka-lipgloss niyang mga labi. Her brown fox eyes look so bright and very charming with their natural luscious lashes.

"Tone down your voice; maririnig ka nila!" pabulong niyang sigaw sa akin.

"What?" I scowled.

Muli niya pa akong tinulak nang bahagya at may sinilip sa dulong kiosk. I watched her, weirded out by her behavior. Dumapo ang ngisi sa kaniyang mga labi at nilingon ako.

"I'll show you something, but you have to keep your mouth shut..." She smirked mischievously and pulled my hand.

Pinagpalit niya ang puwesto namin. I wanted to ask her, but two familiar figures inside the last kiosk caught my annoyed eyes. Nakaharap ang mga ito sa isa't isa at naghahalikan. Dahan-dahang umawang ang aking mga labi at bahagya pang umabante.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Zephyr Strings Where stories live. Discover now