☆ Chapter 01 ☆

27.7K 675 44
                                    

◑ Aldrich point of view ◐

Pagod na pagod akong bumalik sa bench para magpahinga. Nasa fourth quarter na kami ng game nang ilabas muna ako ni Coach dahil kanina ko pa gustong magpahinga.

Nagtalukbong ako ng towel sa ulo ko at yumuko para mabawasan ang ingay ng mga tumitiling babae na nanonood ng game namin. Habang nagpupunas ako ng pawis ko ay nakita ko ang paglapit sa akin ni Limuel.

"Ito na ang tubig mo Aldrich. Ang galing mo talagang mag-shoot. Baliw na baliw na naman ang mga fans mo," nakakalokong sabi ni Limuel. Inabot niya sa akin ang isang mineral water na nasa plastic bottle.

"Tss!" kunot noong kinuha ko ang mineral water sa kanya.

Kanina pa ako nauuhaw kaya naman agad ko itong binuksan at ininom. Nakalahati ko na ang iniinom ko dahil sa pagkauhaw. Tinakpan ko na ito at hinawakan na lang.

"Wala ka bang type kahit na isa sa kanila? Puro chics mga fans mo, eh," pangungulit ni Limuel na tumabi pa sa akin.

Tiningnan ko siya ng masama pero hindi siya natinag. Kaya naman nagsalita at kumilos na ako.

"Huwag kang tumabi sa akin." sabi ko na itinulak pa siya palayo.

Hindi ko gustong may katabi ako lalo na kapag pinagpapawisan ako. Naiinitan at hindi ako makahinga kapag ganoon.

"Bakit ba ang sungit mo, Aldrich? Ganyan ba kapag guwapo, masungit?" natatawang sabi niya.

'Yan ang madalas niyang sabihin sa akin kapag nagsusungit ako sa kanya.

"Kung wala kang matinong sasabihin mabuti pang huwag ka ng magsalita pa!" mariing sabi ko na tinapunan siya ng masamang tingin.

"Kapag ang topic ay napupunta na sa love life mo nagiging mas masungit ka pa. Sige, hindi na kita kukulitin pero pumunta ka sa restaurant ni Benedict mamayang 4 P.M.. May ka-blind date ka." sabi niya na agad na tumakbo palayo.

Naikuyom ko ang kamay kong nakahawak sa mineral water. Kaya nayupi ito at ang tubig na laman ay sumabog. Nagtilian na naman ang mga babae na nasa likuran ko nakaupo.

"Ang cool niya."

"He's strong."

Tumayo na ako sa bench sukbit ang bag ko at naglakad na papunta sa labasan.

"Montecillo!" tawag sa akin ng isa sa mga teammates ko.

"Kaya n'yo ng ipanalo 'yan." sabi ko bago tuluyang umalis ng gym. Itinapon ko sa basurahan ang mineral water na hawak ko pa rin.

Mahina naman ang kalaban kaya hindi na nila kailangan ng tulong ko. Wala na rin ako sa mood na maglaro dahil sa ginawa ni Limuel.

Madalas akong ipa-blind date ng mga kaibigan ko kung kani-kanino. Kaya tuwing ginagawa nila 'yon ay binibigyan ko sila ng tig-iisang suntok.

Hindi na suntok ang ibibigay ko sa kanilang tatlo. Talagang nagsabwatan pa sila para i-blind date na naman ako.

Napapakuyom ako ng dalawang kamay nang makarating ako sa locker room at nagkulong doon. Isang oras na rin akong nakaupo sa sahig bago ko naisipan na mag-shower na.

Nagpalit na ako ng damit na kinuha ko sa bag na dala ko. Suot ko ang black pants, black t-shirt at ang paborito kong red jacket. Pagkalabas ko ng locker room ay napataas ang kaliwang kilay ko.

"Who the hell are you?" tanong ko sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Mukhang naubusan ng face powder kaya harina na ang ginamit nito sa puti ng mukha.

"Papa Aldrich, puwedeng pa kiss?" tanong ng babae sa akin na humawak pa sa kanang braso ko.

She's The GANGSTER I Love [Published Book] #Wattys2016WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon