Prologue

17.7K 230 14
                                    

"Snow!" tawag ng isang pamilyar na boses. Sabay kaming napatingin ng lalaking kaharap ko sa pinanggalingan ng boses na iyon. Napamura ako sa isip nang makitang tumatakbo papalapit samin si Chase. Bakas ang pag-aalala at pagkalito na may halong determinasyon sa mukha niya. Nasaksihan niya marahil ang pagkakasaksak sakin ng patalim.

Nilingon ko ang lalaking kaharap ko. "Wag," walang emosyong sabi ko. Lumingon siya sakin at tama nga ang hinala kong ngingisian lang niya ako. Alam ko ang mga mata niyang iyon, idadamay niya rito si Chase. Sana hindi. Bahagya akong natawa sa naisip ko; kahit naman kasi sino, di niya pakikitaan ng awa. Ako ngang babae pinatulan niya, si Chase pa kaya?

Tumalikod siya sakin para harapin ang papalapit nang si Chase. Binalak kong gumalaw para pigilan siya. Pero ano nga ba ang inaasahan ko? Hindi naman malala ang tama ko. Nakabaon lang sa kaliwang hita ko ang isang maliit na kampit. Kaso, hindi nga pala tao ang nasa harap ko, wala siyang puso. Madumi siyang maglaro. Nakadama ako ng biglaang pagkahilo at nagsimula akong pagpawisan nang malamig. Napaluhod agad ako nang umikot ang aking paningin. May lason ang sinaksak niya saking patalim!

"Snow!" puno ng pag-aalalang sigaw ulit ni Chase. Medyo naririnig ko na rin ang papalapit niyang mga yabag. Hindi ako nakasagot ni nakatingin manlang sa kanya dahil abala ako sa sarili kong pagdurusa. Pinakiramdaman ko ang pulso ko, mahina na ito. Hindi ko alam kung anong klaseng lason ang nakalagay sa patalim na iyon. Pero sigurado akong ilang sandali na lang bago ako mawalan ng malay--o bago ako mamatay.

Kusa nang pumipikit ang mga mata ko nang makarinig ako ng palahaw. Agad na nanumbalik ang kakarumpit kong lakas para ibukas ulit ang mga mata ko. Nanlumo ako nang makitang nakahiga si Chase sa daan at namimilipit sa sakit ng marahil ay suntok na pinatama sa kanya ng lalaking nanaksak sakin.

"Chase..." Nagmistulang bulong lang ang dapat ay sigaw ko. Masyado na kong nanghihina, tuluyan na kong napaupo mula sa pagkakaluhod.

Umubo ng dugo si Chase, malala ang tama sa sikmura niya. Napuruhan siya at mukhang ikamamatay pa niya kung di ko mapipigilan ang lalaking bugbugin siya.

Hinablot ng lalaki sa kwelyo ang walang labang si Chase para itayo at sinimulan nang paulanan ng mga suntok. Malaki kasi ang galit niya rito...

Sinubukan kong tumayo ulit pero nabigo ako at napasubsob lamang sa semento. Inipon ko lahat ng lakas ko para bunutin ang nakasaksak na patalim sa hita ko. Bumangon ako at sinubukang tumayo ngunit hanggang luhod lang ang kaya kong gawin. Nauubusan na ko ng oras.

Tinignan ko ang halos naghihingalo nang si Chase at ginamit ko ang galit na naramdaman ko para magkalakas na patamaan ang lalaki ng hawak kong patalim. Agad niyang tinigilan si Chase para maiwasan ang inihagis kong sandata. Alam ko namang maiiwasan niya yun, pero yun lang siguro ang paraan ko para makuha ang atensiyon niya.

"Tigilan mo siya," walang emosyon ko pa ring utos. Ayokong nagpapakita ng kahit anong emosyon sa tuwing kaharap ko ang lalaking ito.

Lumawak lang ang ngisi niya. "No."

"I'll do anything," pakikipagkasundo ko.

Nagsimula na siyang lumakad papalapit sakin. Sumulyap ulit ako kay Chase. Wala na siyang malay at duguan ang katawan. Pinuruhan talaga siya ngayon ng kasuklam-suklam na lalaking ito. Pero natuwa ako dahil halatang humihinga pa rin siya. May pag-asa pa siyang mabuhay.

Tumingin ulit ako sa lalaking nasa harap ko na. Lumuhod siya para magkalebel ang mukha namin. Nilapit niya sa mukha ko ang isang kamay niya para hawiin ang ilang hibla ng buhok ko. "You know what I want."

Pinigilan ko lahat ng kagustuhan kong patayin siya ngayon mismo dahil alam kong gustuhin ko man ay ikamamatay ko lang. Saglit ko siyang tinitigan lang nang walang anumang bakas ng emosyon.

"Will you let him live then?" usisa ko.

Nginisian lang niya ko. Nakita ko ang ngiting tagumpay sa mga mata niya. Alam niyang nanalo na siya ngayon.

Nagngalit ang mga ngipin ko. Kinimkim ko na lang ang galit ko. "Don't kill him," pahayag kong puno ng pagbabanta. Sa tono ng boses ko, alam niyang sumuko na ko.

Ngumisi lang siya lalo. Hinaplos niya ang pisngi ko pababa sa panga ko hangggang sa ilalim ng lalamunan.

Napuno ako ng poot. Bakit kasi ganun?

Isa noon sa mga pinakakinatatakutang Yakuza ang ama ko. Pinuno rin ako ng isa sa mga pinakakilalang gang sa Pilipinas. Pumapatay ako ng marami para sa pera at teritoryo. Mula pagkabata ay wala pang nakaapi sakin. Pero bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon?

"Finally, you're mine, body and soul," huling narinig ko bago ako nawalan ng malay.

The Heartless (Original Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon