Chapter Thirty

1.7K 20 0
                                    

Moving on



Tinanggap ko ang alok ni Sir Adam na maging branch manager ng hotel sa PPC. Sabi nga catch the two birds in one stone. Napromote na ako, mapapalayo pa ako kay Jim, this way alam kong makaka move on kami pareho. Di ko rin kasi sure kung seryuso ba talaga siya sa akin or he just wanted to revenge.

Madali lang akong naka adjust sa bagong environment ko. Maliit lang naman kasi ang City in the Forest. Masarap din mamuhay rito, maliban sa cleanest and greenest city ito rin ang pinaka safe na lalawigan sa buong Pilipinas, walang lindol, walang mga terroristang umaaligid, maliban nga lang sa pinag-aagawang teretoryo na sakop pa ng Palawan, ang spratly Island, wala ng ibang banta sa lugar na ito. Napakatahimik din. Marami na ring mall dito kaya hindi ka rin mauubusan ng mapapasyalan, man made or natural made na pasyalan meron kaya nga ang lakas ng mga lodging facilities dito, hindi kasi nauubusan ng panauhin, mapa local or foreign.

Marami rin akong naging ka close rito, mababait din mga subordinates ko, dahilan para unti-unti kong maalis sa memory ko ang anumang may kinalaman kay Jim.

Aminado naman akong tinamaan din ako sa lokong iyon, sino ba namang hindi? Kung physical aspect lang lang ang usapan hindi papahuli iyon sa top 5 kung may labanan man, matalino, sweet, kung mukha akong pera – mayaman – kung baga may future, open-minded, may sense of humor. Nasa kanya na nga halos lahat, iyon nga lang sumobra sobra naman, andami ring dalang extra baggage, even though hindi niya kasama sa bahay, na roon naman ang katotohanang meron na siyang sabit.

Always keeping myself busy para lang di mamalayan ang oras makatulog ng mahimbing. Kilala nila ako sa hotel bilang seryusong manager. Minsan lang akong ngumiti, ewan ba parang ang mahal ng smile ko mula ng dumating ako rito pero mabait naman ako, hindi ako suplada or bossy, hindi lang ako sumasali sa mga asaran ng mga kapwa ko employee.

Sa apartment na tinutuluyan ko, wala akong masyadong kakilala, sa mukha lang lang ako familiar pero sa pangalan wala, maliban sa land lady ko at ang pamangkin niya na madalas kong maka-usap.

Sabi niya pa nga noon,

"Ms. Quejada, kung gusto mo ng makakasama matulog dito pag gabi magsabi ka lang para dito ko patulugin ang pamangkin kong si Anna."

"Chen na lang po itawag niyo Nay, gustuhin ko man po na may makakasama rito nay, baka po maabala ko pa yung bata, madalas po kasi gabi na ako uuwi at maaga rin po akong aalis. Magpasama na lang siguro ako kapag may pupuntahan ako rito na hindi ko alam kung vacant po si Anna at ok lang po sa inyo."

"Sure iha, magsabi ka lang. Oh siya, kung may kailangan ka huwag kang mahiya mag sabi sa akin ha? Sabi mo nga malayo mga kamag-anak mo rito."

"Sige po nay, asahan ko po yan." Nakangiti kong tungon.

"Sige ako'y tutuloy na muna at mamamalengke pa ako, wala ka bang ipapabili?" alok nya pang muli, magkatabi lang kasi ang apartment at mismong bahay nila

"Hindi na po nay, may stock pa naman po ako, marami pong salamat."

"Ok. Sabi mo ee."

Si Anna ang madalas kong kasama maglakad-lakad, college student na rin sya at HRM ang kinukuha.

"Ate chen, pag nakagraduate na po ako, pwede ba akong mag apply dun sa pinagtatrabahuhan niyo?"

"Oo naman. Bigay mo lang sa akin ang resume mo at ako na bahala mag submit sa HR department namin."

"Salamat ate."

"Wala iyon. Basta mag-aral kang mabuti."

"Opo."

Her Boss (Commit #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon