Chapter Eighteen

1.4K 17 1
                                    

 Face-off 2



Nabitin ako sa nangyari kahapon. Haha makapag-malling nga ngayon, kahit walang pera, gusto kong huminga muna sa mga bagay-bagay sa paligid ko. Nakaka burn-out kapag routine ka nang routine. Feeling ko tuloy lowbat na lowbat ako pagdating ng Sunday. Hirap pala talagang maghanap buhay. Parang ayaw ko ng mag-asawa. Haha

Tara window shopping tayo!

Makipag-date muna ako sa sarili ko.

Palakad-lakad ako ngayon dito sa Robinsons Place, makahanap nga ng pwedeng pag-ipunan.

Lakad dito, lakad doon.

Tingin ng damit dito, tingin doon.

Nang mapagod naghanap ako ng mauupuan.

Tingin sa left, tingin sa right...

Oh oh! Right!

"Hi!" bati ko kay Sandra.

"Masyadong masikip ang mundo para sa ating dalawa. Don't you think?"

"Yeah. I think so."

"Hindi mo ata kasama ang BOYFRIEND KO?" emphasize niya ulit.

"Haha ano kaba? Syempre kailangan din namin ng break mula sa isa't isa. Kapag kayo ba, wala kayong break?" pang-aasar ko sa kanya.

Ang sarap palang asarin ng mga taong ganito. Ang sarap pala sa feeling na pinagseselosan ka sa bagay na wala naman sa iyo. Hay buhay nga naman! Hindi ko alam kung maawa ako o matatawa o maiinis sa kanya, tingin ko lahat ng binanggit ko nararamdaman ko para kay Sandra.tsk.

"Alam mo maganda ka ee. Ku..."

"Alam ko. Salamat." Pambara ko agad sa sasabihin niya pa sana. Sabay talikod sa kanya. Sabi ko magrerelax ako may extension pa pala ang kahapon, pinagbibigyan ata ako ng tadhana sa nabitin naming moment yesterday.

Bigla niya namang hinablot ang kamay ko.

"Huwag mo akong tatalikuran kapag kinakausap kita." Sabi niya pa, nakaka-agaw na kami ng atensyon ng crowd. Just so great! First time in my whole life.

Tumingin ako sa braso kong hawak-hawak niya, masakit aa. Tumingin ako sa mata niya at sabi ng

"Bakit? Binabayaran mo ba ako para kausapin ka?"

"Oo. Binabayaran ka ng boyfriend ko."

"Yeah. You said it right. Your EX-BOY-FRIEND is paying me but not because para kausapin ka. Don't you know that you are wasting my precious time? Kung wala kang magawa sa buhay mo, utang na loob tantanan mo ako. Hindi ka nakakatulong."

"How dare you? Boyfriend ko si Jim!"

"Oh, really? As far as I know. You're just an EX!"

"Iyan ang akala mo."

Tumingin ako sa paligid sakto namang natanaw ko si sir Jim at Lovely na magka-holding hands. At since rumehistro sa mukha ko ang warning, tumingin din si Sandra sa direction na tinitingnan ko.

"Talaga? Akala ko lang ba? Patunayan mo nga sa akin na boyfriend mo nga ang lalaking iyon na may kaholding hands?" mapang-asar kong tanong kay Sandra.

"WHAT THE FUCK!!" galit na sabi ni Sandra at lumakad ng mabilis para habulin ang dalawa.

Nailing ako sa mga nangyayari. Parang nanunuod ako ng movie shooting.

Kawawa naman si Sandra. Wala ng mas nakakaabag pa sa kalagayan niya ngayon.

Hindi ako sumunod, tinatanaw ko lang sila mula sa malayo.

Nakita kong hinablot ni Sandra ang buhok ni Lovely mula sa likod.

Nashock syempre ang couple.

Ang mukha ni boss? Priceless. Buti nga sa iyo. Wala kang puso. Hindi porket mga pinay kami, ok lang napaglaruan mo ang damdamin namin. Parang gusto ko ring sumugod doon. Haha pero hindi pwede, tataas ng husto ang pride ni Sir kung pati ako magda-drama pa. che! Ka-turn-off.

At ang dalawa? Hayon, nagsabunutan na sa sahig. Nagtakbuhan naman ang mga tao para maki-usisa, at ang mga security guards, natatarantang may kaguluhan sa kagwapuhan ng boss ko.

Haha nakakahiya sila. Since hindi ko nga naririnig masyado ang usapan nila, may pakiramdam ako na heto ang mga lines nila.

"Customer pala ha? Malandi kang customer ka!" sabi ni Sandra

"Mas maladi kang EX ka. Boyfriend your face!" sagot naman ni Lovely

Hay! Bahala na nga sila riyan.

Nakita kong pinaghiwalay na sila ng mga guards. Si sir Jim? Hindi ko na makita ang buong pangyayari since malayo nga ako at marami ng tao ang nakapaligid sa kanila.

Tumalikod na ako para umuwi. Masyadong nakaka-stress ang araw na ito.

What will happened next?

Kawawa naman ang dalawang babae ni sir. Meron pa ngang isa ee, si Rose. Hindi ko na alam kung saan na iyon ngayon, medyo mas desente iyon, saka teacher kasi iyon, siguro natauhan agad kaya hindi na naghabol.

Tinanong ko noon si boss kung ano nang nangyari sa Rose niya sabi.

"The problem is, she is too nice for me."

Ang gulo talaga ng mga lalaki minsan. Mas magulo pa sa mga babae.

Pero hindi ito ang pinaka-problema ko ngayon. Kailangan ko ng makahanap ng abogado para alam ko kung ano pwede kong option sa kalagayan ko. I am considering leaving my job.

Her Boss (Commit #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon