Chapter Twenty-Four

1.6K 16 0
                                    

Be Humble



Two weeks after ng textsan namin when I finally know my options at syempre isasara ko na nga ang business permit pero dahil ang government ng Philippines ay purong EK-EK malamang hindi ako ligtas sa mga bayarin kapag magsasara ka ng business.

"Good morning sir, I am on my way to the office now, I will get the documents I needed. Thank you." Text ko sa kanya, siguro naman by this time malamig na ulo niya pero di ko pa rin maiwasang kabahan, sa katunayan, nanginginig ang mga kamay ko habang nagta-type ng itetext ko.

"Who is this? You number is not registered in my phone."

Wow! Nakamove on na. haha nagbreak lang Chen ang peg?

"This is Gretchen Quejada."

"What documents!!!" reply niya, bumalik ata ang init ng ulo ng malaman na ako haha, iba ka talaga Chen!

"DTI Registration and application form, Bgy. Permit, Mayors Permit, COR, proof of payment and books of account. I need those documents in order for me to process the termination of permit."

"You can pick up on Fiday at 1 PM the documents."

"Ok. Thank you."

***

Kinabukasan nagtext ulit siya.

"You can get the DTI registration then process the closing of it on DTI. I don't want anybody to use that business name because that is mine then return to me the proof so I could release to you the rest of the documents." Sabi ng text niya na napaka demanding.

Pero infairness, hindi niya na binura ang number ko, haha

"Ok." Reply ko, kailangan kong sundin lahat ng gusto niya para matapos na lang ito. Buti na lang at may mabait akong bff na nagpahiram sa akin ng pera na magagamit ko sa pag process nito. Oo, nangutang pa ang pobring si Gretchen para sa ngalan ng kalayaan mula kay Jim.

Ako na nga ang aggrabyado ako pa rin ang magagastusan, ni pisong duling wala man lang akong napakinabangan dito. Tapos 75K daw ang nagastos ko, grabe lang ee di sana ang dami ko ng nabili noon.

***

Dumating na nga ang Friday 1 PM, nandito na ako sa labas ng office, tulad noong huling punta dito parang tinatambol ang dibdib ko sa kaba. Bago ako tuluyang pumasok, nakapag sign of cross pa ako na hindi ko naman dating ginagawa. Mahirap ang pumuta sa lungga ng Lion na walang dalang armas.

"Good afternoon ma'am" shock ako sa nagbungad sa akin, si Sunshine na nagpass ng resume niya sa akin noong ako pa ang manager dito.

"Hi, good afternoon too. I am looking for Mr. Jim Williams." Kalmado kong sagot, nawala na rin ang kaba ko kanina, at least ngayon alam kong may kasama ako sa loob.

"Ano pong kailangan niyo ma'am?" nanginginig ang boses niyang tanong, halatang hindi pa sanay sa trabaho.

"Tell him, I am here to get the documents I needed."

"Ok po ma'am. Upo po muna kayo." Magalang niyang sabi at nag excuse ng sarili.

Naupo naman ako sa harap ng desk ko dati and found out na hindi na nakadisplay ang mga documents na kailangan ko. Kundi mga bagong permits na ang nandun at iba na rin ang pangalan ng business under Lovely's name.

Bumalik si Sunshine na natataranta sa susunod na gagawin, alam kong once in my life naging ganyan din ako sa kanya, sobra nga naman kasing makapagpataranta si Jim.

"Aa ma'am, ito lang po kasi ang nandito sa akin." Sabi niya habang inaabot ang DTI registration sa akin.

"Kailangan ko rin ang application form na pirmado ko."sabi ko

Her Boss (Commit #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon