Chapter Fifteen

1.6K 19 3
                                    

Be Professional



And Lovely and Jim love story begin.

Poor young girl.... naiiling ako habang na iimagine si Lovely. Paano kaya kung alam niya lahat ng meron si boss?

Naawa ako sa kanya na naiinis.

Naawa ako sa kanya kasi alam ko kung ano ang ugali ni boss. Alam kong hindi seryuso sa kanya si sir. Maaaring pagsawahan niya rin si Lovely tulad ng mga babaeng dumaan sa buhay niya.

Pero higit sa lahat naiinis ako sa kanya. Iyan kasi ang mahirap, parang hindi siya natuto roon sa nangyari sa kanya sa tatay ng anak niya. Hindi man lang kinilala ng mabuti si lalaki, sugod agad. Hindi ko siya hinuhusgahan noong malaman ko ang kalagayan niya pero sa ginawa niya ngayon pinatunayan niya lang sa akin kung gaano siya ka easy-to-get. Maaring may sakit siyang makati. Who knows? Basta!

Ang masasabi ko na lang sa kanya, "goodluck!"

"Good morning" bati ko kay Lovely

"Good morning, na late na naman ako. Gumigising naman ako ng maaga, ewan ba kung bakit nalelate pa rin ako."

Hindi ko pinansin ang hinanakit niya sa sarili at nagtuloy lang ako sa ginagawa ko.

"Naku! Naiwan pa!" tumingin ako sa kanya habang hinahalungkat ang bag niya.

"Naiwan mo ang susi?"

"Oo ee. Balikan ko muna saglit." Sabi niya sabay text kay sir.

Ang in love kong boss syempre pumasok ng maaga para ihatid ang susi ni madam.

"Good morning, sir." Bati ko sa kanya pagbukas niya ng pintuan

"This door should be re-arranged again." Sabi niya at nagtuloy sa pinto ng office niya ng biglang tumingin sa akin.

"Good morning" masigla niyang sabi na parang lumalabas na hindi ako narinig kanina. Nakakatampo ito ha? Sumakto pa sa kinabingihan niya ang pagbati ko.

"Morning.." walang gana kong sagot. Paulit-ulit lang?

"Whaaatt?" tanong niya na akala mo defense mechanism niya habang inaasar. Ee wala naman akong ibang sinasabi.

"Nothing sir." Lumapit naman si Lovely sa kanya.

"You forgot your key huh?" pang-aasar niya sa babae habang kumikislap ang mga mata. Tsk.

Inaabot niya ang susi kay Lovely pero sa mataas na part na siya namang inaabot ni madam.

Sa harap pa talaga namin maglambingan.

Pero hindi roon natatapos ang buong araw na maasar ako.

Umaga tinawag ni Adonis si sir pero hindi siya pinansin kaya bumalik na lang sa upuan niya.

"Anong sabi ni sir?" usisa ko kasi wala syang ginagawa

"Ewan kung narinig ako nakaganito kasi" sabi nya habang suminyas ng hug

Naiiling ako sa nangyayari. Sino ba naman ako di ba? Isang hamak na secretary sa paningin ng boss ko. The thing that I could do now is to be professional. Paki alam ko sa personal affair niya.

Hapon na at may kailangan akong papers sa loob para sa ginagawa kong documentation pero hindi ko makuha dahil kahit anong katok ko sa pinto at pagtawag kay sir, daw sa wala lang silang naririnig.

Talking about invisible. Sabagay hindi nga nila kami nakikita pero hindi naman sila mga bingi para hindi marinig na may tao sa labas. Konting consideration naman na may nagta-trabaho rito sa labas.

Her Boss (Commit #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon