HDDL 19 - Nature

Magsimula sa umpisa
                                    

"I won't bother you, Ire. I just want to give you this hanky. You need it,"seryosong sabi ko. I'm not in the position to ask why she's crying. All I can do for her is to give a piece of cloth that can dry her tears. I can deal with a feisty Sapphire but not a vulnerable one.

Tinanggap naman nya ung panyo kaya tumalikod na rin ako. Gusto ko syang bigyan ng privacy. I know I'm the last person she wants to see now given the fact that she hated me from the start. Nagulat ako nang tawagin nya ko. "Blake, pwede bang magtanong?"

Nagulat ako at nagtaka. Eto ang unang beses na tinawag nya ko sa pangalan ko. Humarap ako sa kanya.

"Bakit likas sa inyong mga lalaki ang pagiging manloloko at babaero?"

I was taken aback because of her question. Did some jerk hurt her?

***

>>>Sapphire's POV

Nakita kong natigilan sya sa tanong ko.

"Forget I asked,"bawi ko at tumalikod na para umuwi. Bakit ko ba kailangang itanong un?

"It's not a nature. Some of them just chose to be like that,"sagot nya.

Napaharap ulit ako sa kanya. "Pinili mo rin bang maging manloloko?"

"No. I never cheated. I won't deny that I've dated many women, even bedded some, but I never cheated. Hindi ko sila pinagsabay. And I always make sure na alam nila kung ano lang ang kaya kong ibigay,"seryosong sabi nya habang nakatingin nang diretso sa mata ko. "Wag mong lahatin ang lahat ng lalaki,"

"Pero lahat na lang ng nakilala kong lalaki, puro manloloko. Ang tatay ko, wala nang ginawa kundi iparada ang mga babae nya sa nanay ko. Ang naging boyfriend ng ate ko, binuntis lang sya at nawala nang parang bula. At ang lintik na hayop na lalaking una kong minahal, niloko at pinaglaruan lang ako,"nagpupuyos na sabi ko. Gusto kong may pagbalingan ng galit at hinanakit. Ako ba at ang pamilya ko ang may problema? Lahat na lang kami niloloko.

Nagulat ako nang hilahin nya ung kamay ko at niyakap ako. Isinandal nya ung ulo ko sa dibdib nya at marahang hinahaplos ang buhok ko. Nagsimula ulit na mamasa ung mata ko. This is the first time someone comforted me with so much gentleness. To think na galing pa sa isang lalaki.

"Minalas ka lang dahil mga walang kwentang mga lalaki ang nakita mo. I don't know the whole story but your Dad is an idiot for taking your mother for granted. Your sister's boyfriend is a moron and coward for being so irresponsible and lastly your first love is a profound for toying with your feelings. Wag mong hayaang kainin ka ng galit at sakit. Let it go and move on. That's the time you'll learn that cheating isn't a man's nature,"masuyong bulong nya.

I cried harder because of what he said. I can feel his sincerity. Ginamit pa talaga nya ang IQ level. Eto siguro ung sinasabi ni Tita Caroline tungkol sa anak nya. He's more than meets the eye. Akala ko puro paglalaro lang ang alam nya. Para tuloy akong naguilty dahil hinusgahan ko agad sya.

***

>>>Jewel's POV

Nakangiti kong pinagmamasdan sina kuya at si Sapphire na magkayakap. Alam kong nasa mall lang si Sapphire kaya pinilit kong pasamahin si kuya. Si Cleo nagsabi kung nasan si Sapphire. Nakita ko na rin kanina si Sapphire na papunta sa garden kaya mataktika akong humiwalay kay kuya para sundan si Sapphire. Nakita ko syang nasasaktan pero ayoko namang basta lumapit kaya si Kuya na ang pinapunta ko. Kuya may be a lot of things but he's a great listener. Seryoso syang kausap and he has soft spot for crying women. Ayaw nyang may nakikitang umiiyak.

I hope this incident would be the start.

Tinawagan ko si Ken.

"Hello, Ken. You'll attend Ate Krystal's wedding anniversary party, right?"sabi ko agad nang sagutin nya ung tawag ko.

"Yes, why?"

"Bring Cleo as your date,"nakangiti kong sabi.

"But, pet---"

"Either that or don't attend the party,"lalong lumawak ang ngiting sabi ko. "Bye, Ken. Need to hung up already,"

With that, I ended the call with a mysterious smile. How I love matchmaking schemes.

A/N:

Wala pa po akong ginagawang kwento nina Blake at Sapphire dahil ayokong matoxic lalo... Maybe in the near future pag may natapos na kong story... 3 kasi ung ongoing kong ginagawa ngayon...

Cleo and Exer na sa mga susunod na chapters... ^____^

>>>tnx for reading... ^___^

---till next time... ^___^

Hot Doctor's Destined Love(ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon