"Dont worry. Akong bahala." Oh wag kayong ano dyan. Good mood na ako talaga. Pano ang pagpipinta at pagguhit ang pangpawala ko nang stress at pangpalimot sa mga problema ito rin ang ginagawa ko pag badtrip. "Kunin mo na lang lahat ng kailangan natin sa gym dederetso na ako dun sa building ng seniors."

"Like?"

"Duh! Panglinis ng mga wall kasi for sure madumi yun. At syempre paint."

"Ah. Sige." naghiwalay na kami ng daan. Hindi rin pala masaman madetention kung minsan kung mga ganto yung gagawin. Nakatitig lang ako sa mga walls at nagiisip ng gagawin. Hindi ko na nga namalayan na dumating na pala si kuyang pakealamero. Di pa rin naman kasi kami bati, goodvibes lang ako kaya hindi ko na sya sinisigawan. Mamaya makikipagbati na ako, mukha naman syang mabait e. Pakialamero nga lang. Hehe

"Hey. Anong gagawin ko?"

"hm. Ganto muna. Linisin na lang muna natin yung walls at pinturahan natin ng white."

"Sige."

Eh di ayun na nga. Nilinis namin ang mga walls. Inanarrate ko pa ba? Hindi ba parang ang boring naman nun? Basta ayun na nga. Matapos naming linisin at pinturahan ng white ang walls kumuha na ako ng iba't ibang kulay ng paint at size ng brush. Anong balak kong gawin? Doodle at zentangle. One wall, one letter. Ang nakasulat? SENIOR.

"Hey anong pangalan mo?" sabi ko habang busy sa paggawa, pansin ko kasi na nakatingin sya sakin siguro naghihintay ng pwede nyang gawin.

"Chad. Chad Lyndon Montenilla." sagot naman nya.

"Ah. Josephine nga pala."

"Alam ko. Josephine Marisol Francisco." pagbanggit nya sa complete name ko. Pano nya kaya nalaman? Hindi ko na lang tinanong. Katamad e. Nagfocus na lang ako sa ginagawa ko.

"Chaddy bear, kita mo yung mga nauna kong drawing na light lang? Tingkadan mo yun para mas makita at mas malinaw. Kung magkamali ka man ayos lang. Akong bahala. Basta mahalin mo yang gagawin mo para easy lang sayo malay mo may hidden talent ka pala about this." sabi ko sa kanya para mapagaan ko ang loob nya. Kita ko kasi sa mukha nya nung sinabi ko yung gagawin nya eh medyo nagaalinlangan sya.

"S-sige Phineas." aba't may tawag din sya sakin at may kasamang kindat pa. Funny din pala itong lalaking ito. I think ayos na kaming dalawa. Tinignan ko si chaddy bear. Hm? Di pala maalam ah? Eh ayos nga yung mga ginawa nya e. Hindi ko namalayang nakatingin din pala sya sakin.

"Ah e. Panget ba?" kinakabahang tanong nya.

"Ha? Hindi ah. Maganda nga e. Akala ko ba di ka maalam eh ayos nga ang gawa mo. Malinis at pulido."

"Eh trinace ko lang naman yung ginawa mo e."

"Basta. Gawa mo din yan. At magaling ka!"

"Ay nako. Bolera ka din ano? Alam mo gutom lang yan, anong oras na rin oh." Pagkasabi nya noon automatic na biglang tumunog ang sikmura ko. Wahh nakakahiya. Nakita ko syang nagpipigil ng tawa. E naman e.

"Hehe. Tama ka nga. Gutom na nga ako. Tara na nga kumain." alinlanging pagsasalita ko. Umupo ako sa damuhan at binuksan yung bag ko. Nakita ko syang naglalakad paalis.

"Oy san ka pupunta?"

"Sa cafeteria?" yung tono ng sagot nya ay para bang nagsasabing 'Abvious ba? Malamang sa cafeteria.'

"Wag ka na pumunta dun. Madaming tao dun. Mauubos lang ang oras natin."

"Ha? Eh pano tayo kakain?"

"Halika dito Maupo ka." sabay ngiti ko. Lumakad naman sya palapit sa akin at umupo.

"Oh tapos? Magtititigan tayo at kakainin tong mga damo at brushes? Tapos iinumin natin yung pintura? Tingin mo mabubusog tayo nun?" may pagkapilosopo nyang sagot. Nabatukan ko nga. Shonga din neto e.

"Loko. Sige subukan mong kainin yun at sabihin mo sakin kung buhay ka pa. Kung ano ano sinasabi mo dyan di ba pwedeng may baon ako at isheshare ko sayo?" sabay labas ko ng baunan ko. Kitang kita ko ang pagkagulat nya. Well nakakatawa yung reaction nya.

"Bakit ang laki ng baunan mo? Nauubos mo yan?"

"Ha? Malaki? Maliit pa nga yan. Nauubos? Oo naman. Madalas nga kulang pa e." proud kong sagot. Aba sa sarap magluto ni inang e, sadyang mapaparami ka talaga ng pagkain.

"Ha? Ang takaw mo naman pero bakit hindi halata?" nagtataka nyang tanong.

"Ewan ko. Ganun talaga e. Hala tama na nga ang tanong lumamon na lang tayo at gutom na talaga ako."

Binigay ko sa kanya ang kutsara ko at akin yung tinidor. Ang bait ko nu? I know. Haha

"Kainan na. Wooh." gulat na gulat sya sa laki ng subo ko. Haha bakit ba e sa ganto ako kumain e.

"Bilisan mo nang kumain at baka maubusan kita sige ka hindi mo matitikman ang masarap na luto ni inang." proud na proud at masayang masayang pahayag ko sa kanya. Nakita ko syang ngumiti at pasimpleng kumain. Napanganga ako sa unti ng kanina na isinusubo at nginunguya nya. Hindi nito mapifeel ang pagkain nya kapag ganyan. May naisip ako wahahahahaha. Kinuha ko ang kutsara sa kanya at kumutsara ng malaking subo ng kanin with ulam sabay hawak ko sa baba nya at buka ng bibig nya at subo sa kanya nung kanin. Matatawa akong ewan sa itsura nya. Halos mabulunan na sya. Dali dali akong kumuha ng tubig. Hahahahahaha pigil na pigil ko ang pagtawa ko baka kasi masuntok ako neto e. Tinignan nya ako ng masama nung medyo makarecover na sya.

"Masarap diba?" pangaasar ko sa kanya.

"Heh. Masarap nga pero grabe ka e. May balak ka bang patayin ako? Simpleng ganti ka din eh no." pangaasar naman nya sakin.

"Grabe to magakusa. Pero sige simpleng ganti na nga din yun. Pero joke. Ang cute mo kasing kumain chaddy bear. Dalagang pilipina. Hahaha" sabay pisil ko sa pisngi nya para makita ko nguso nya. Haha ang cute nya. Don't get me wrong. Natutuwa lang ako sa kanya. Di ako defensive ah, nagpapaliwanag lang, wahahahaha. Natapos kaming kumain kahit na tawa kami ng tawa. Pagkatapos namin kumain sinimulan ba ulit namin yung ginagawa namin. Kelangan kasi namin matapos yun ngayon.

"Phineas."

"Hmm?" sorry busy kasi ako. Char. Inaayos ko na lang kasi para matapos na. Aba pagod na din naman ako. Kahit sabihin na gusto ko itong ginagawa ko dumadating sa oras na mapapagod ka. Parang sa pagibig, kahit gaano mo pa kamahal yung isang yao dadating yung oras na gusto mo na lang sumuko kasi napapagod ka na. Boom kambing. Hahahaa naisingit pa talaga yung pagibig e. Hahaha

"Oy Phineas, nakikinig ka ba?

"Ha? Ano ulit sabi mo?"

"Ay nako. Sabi ko meryenda tayo after nito pambawi ko lang sayo."

"Wahh? Talaga? Sakto tapos na oh. Hihi."

"Eh? Hahaha bilis mo talaga pagdating sa pagkain." natatawa nyang puna sakin.

"Ganun talaga, nakakagutom kaya. Tara na."

Lumakad na kami at pumunta na kay ma'am, sinauli na rin namin yung mga ginamit sa gym at naglinis na din kami ng katawan namin. Napinturahan din kami e. After lahat ng kung ano umalis na kami. Magdidilim na din e.

"Wahh sumakit balikat ko dun ah."

"Wow ha. Chaddy bear, ang dami mo namang ginawa. Nahiya naman ako sayo." sabay irap ko sa kanya. At tumawa lang sya sa sinabi ko.

"Kaya nga ililibre kita diba? Tara na." sabay akbay nya sa akin.

"So talagang may pagakbay pa?"

"Oo . Nangalay balikat ko e paakbay muna."

Napangiti na lang ako sa palusot nya. Hindi ko na lang pinuna pa ulit yung pagakbay nya gutom na talaga ako e. Stay put lang kayo mga foods. Wait for me cause I'm on my way to eat you. Rawr.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 21, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Manong Guard.Where stories live. Discover now