" DESTINY"

352 15 8
                                    

“Misis ko, puyat ka ba?? kiss ko nalang eyebags mo”

“CHE!! puwede ba Paulo! wala ako sa mood makipagtalo sayo ngayon”

“eh bakit?? misis naman talaga kita eh”

“GAGO!”

“Gago naman talaga ako! GAGOwin ko lahat para sayo”

“Kapag di ka pa tumigil ilalampaso ko muka mo sa sahig!”

“HAHAHA I love you too”

Ang aga aga nambubuwisit na naman tong si Paulo. Huwell, sine first year hanggang ngayong fourth year classmate  ko siya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Sa araw araw na ginawa ni Lord puro pangaasar lang ginagawa niya sakin. Ewan ko ba! pinanganak ata tong ungas na to para buwisitin ang buhay ko.

Ako si Patricia Bautista.Simleng 4th year highschool student na wala nang inatupag kundi magaral. Running for honors kaya ako. Likes: Studying, hanging out with friends, reading, eating. Dislikes: John Paulo Bautista. DUH. parehas pa kami ng surname. Kadiri lang talaga.

Seatmate kaming dalawa. Kaya ayun unti unti na kong nagkakaroon ng UBAN dahil sa kanya. Joke lang. Peste talaga to. Pero ako lang ata ang inis sa lalakeng to dahil halos ahat ng babae dito may crush sa kanya. marami siyang friends . Kaibigan ng bayan. AMBOY kasi tong lalaking to. Nanay niya yung american. Mckinley ata yung MI niya?

So ayun, OO NA, guwapo siya!! =___=  at nakakainis lang dahil siya ang kalaban ko sa pagiging valedictorian. buwiset >.< inaamin ko na masipag talaga ako magaral kaya honor ako.. pero siya, hindi gaano nagaaral pero mas mataas  siya lagi sakin. lesheee

“misis ko mali yung solution mo sa number 2”

“pake mo ba ha!? puwedeng yung sayo nalang yung atupagin mo?”

“ang sunget naman nito. akala mo kagandahan”

“alam mo minsan ang sarap mong hambalusin”

“oh bakit minsan lang??”

“ha??”

“kasi mas lamang yung pagmamahal mo sakin. tsk tsk hindi kita masisisi. apat na taon na tayong magseatmate tapos guwapo pa ko”

Konti nalang baka totoohanin ko na yung panghahambalos sa kanya. Tumayo ako para pumuntang restroom. baka sumabog na baga ko sa lalaking to.

“Misis ko.. saan ka pupunta?” 

“SA LANGIT!! KUNG SAAN HINDI KA PUWEDE MAKAPUNTA!”

“ah. pakibalik nalang puso ko mamaya.”

NAKAKAINIS!! yung mg classmates pa namin nag aayiiiee. binalibag ko yung pinto at pumunta na ko ng restroom. buwset >.<

Pagbalik ko ng room. Nagulantang ako sa sinabi saakin ng teacher namin! walang hiya talagang gungong na paulo na to! nagprisnta ba naman na isali kaming dalawa sa cotillion para sa prom! Leshe lang! ay hindi, leshe siya! madadagdagan na naman yung oras na magkasama kami dahil sa mga practice.

………………

Nandito kami ni ungas sa garden ng school. Pinapratice namin yung steps. parehas pa naman na kaliwa yung mga paa ko. Sinabi ko na naman sa kanya pero ayaw paawat -___-

“Misis ko.. mahal kita kahit ilang beses mo pa tapakan yung mga paa ko”

“wag mo nga akong tawaging misis. nakakadiri”

“sa lahat ng babae dito sa school, ikaw lang ang nandidiri at hindi nagaguwaphan sakin”

“iba ako. alam ko ang pagkakaiba ng reality at fiction”

♬ ONE SHOTS ♬Where stories live. Discover now