BMDN Chapter 37

Magsimula sa umpisa
                                    

Agad kong ipinalupot ang kamay ko sa batok nya para yakapin sya. Sa pag kakataon na iyon ay hindi ko na kayang pigila ang luha ko, umiyak ng umiyak sa balikat nya habang nakayakap sakanya.





"Nina may problema ba?" Nag aalalang tanong nya. Umiling ako pakiramdam ko ay hindi ko kayang mag salita kaya tanging pag iling lang ang nagawa ko kahit na patuloy sa pag tulo ang luha ko. Umalis ako sa pag kakayakap sakanya saka pinunasan ang luha ko.




"May masakit ba sayo?" Aniya saka hinawakan ang pisngi ko at sya ang ang tuyo ng mga luha ko.



"Wala, masaya lang ako" paos na boses na sabi ko. Napapikit ako ng halikan nya ang noo ko. Inalalayan nya ako papasok sa passenger seat saka sya umikot papasok sa driver seat, kinabit nya ang seatbelt ko na nakalimutan kong ilagay saka nya dinampian ng halik ang labi ko saka aya umayos ng upo. Pinaandar nya ang kotse, nakatingin lang sa labas at iniisip kung sasabihin ko ba sakanya ang totoo o mananatiling tahimik. Napatingin ako sakanya ng humanin nya ang kamay ko na nakapatong sa hita ko saka ito pinag salikop.





"Are you sure you okay?" Tanong nya, ngimiti ako saka tumango. Ngumito rin sya ng tipid bago binalik sa karsada ang tingin.




Nangunot ang noo ko ng pumasok kami sa parking lot ng isang mataas na building.



"Aano tayo dito?" Tanong ko, nag tanggal sya ng seat belt kaya tinangal ko rin ang akin.



"May pipirmahan lang ako, tapos uuwi na tayo" aniya saka lumabas ng kotse at umikot papunta sa sa passenger seat upang buksan ang pinto, kinuha ko ang kamay na inaalok nya at kumabas ng sasakyan.

Ngumiti sya bago nag lakad papunta sa elevator, tahimik lang ako sa tabi nya. Nagulat ako ng hapitin nya ako paharap sakanya at hagkan sa labi. Pumikit ako para namnamin lahat ang halik nya, dahil natatakot ako na baka isang araw hindi ko na muling mahalikan ang labi nya. Pareho kaming humihingal ng mag hiwalay ang labi namin, napakagat ako ng labi habang nakatitig sakanya.




"Kanina pa ang lalim ng iniisip mo" aniya saka hinaplos ang ibabang labi ko. Napapikit ako dahil doon, muli akong dumilat at nakita ko ang pag lunok nya, ang pag taas ng adams apple nya, ang magandang hubog ng labi nya at ang perpektong ilong nya. Ang mata nya na halos malunod ka pag tinititigan ka.






"I love you" bulong ko saka inabot ang labi nya para hagkan muli.



















***











Napapikit ako ng maramdaman kong hinahaplos ni Spencer ang buhok ko. Naka higa kami sa couch na nasa opisina nya at pilit pinag kakasya ang sarili, naka unan ako sa braso nya at ang isang kamay nya ang nakayakap sa hubad kong katawa upang hindi ako mahulog. Nag tayuan ang balahibo ko ng muling maglakbay ang kamay nya sa kahubaran ko.





"Nagugutom ako" usal ko ng maramdaman ang kamay nyang bumaba papunta sa pagitan ng hita ko. Narinig ko ang bahagyang pag tawa nya.




"Ginutom ba kita?" Aniya, alam kong nakangiti sya ngayon base boses nya. Tumango ako bilang sagot, narinig ko ang pa halakhak nya kaya hindi ko maiwasang mapangiti.




"Alright, what do you want to eat?" Tanong nya. Hababg hinahalikan ang hubad kong likod, kinalibutan ako pero gusto ko ang sensasyong dulot non.







"Siopao saka milk magic" sabi ko saka pinigilan ang kamay nya na nag lalaro sa kaliwang dibdib ko. Nagugutom talaga ako at wala na akong lakas para pag bigyan sya.





"Baka mag suka ka nanaman" tukoy nya sa pag inom ko ng milk magic na fresh milk. Umiling ako bilang sagot, hindi ko alam pero pakiramdam ko hindi kompleto ngayon ang araw ko hangga't hindi nakakainom ng gatas na 'yon. Pwede nga ata akong mabuhay ng iyon lang ang iinumin.







"Gusto ko yon" parang batang sabi ko, muli nyang hinalikan ang balikat ko bago tumayo at lumapit  sa lamesa nya, tinawagan nya ang sekretarya nya na nasa labas lang ng opisina nya at nag pabili ng gusto kong pag kain. Tumayo na rin ako saka pinupot ang mga damit ko at dumiretsyo sa banyo, naligo muna ako ng katawan bago sinuot ang mga damit ko. Huminga ako ng malalim at tinignan ang sarili ko sa salimin, may nakita akong pulang marka sa leeg ko kaya tinakpan ko ito gamit ang buhok ko.


Nakapag desisyon na ako, hindi ko muna sasabihin sakanya ang totoo, siguro pag katapos ng birthday ni Kisza o kung kailan ako magiging handa.



Lumabas ako ng banyo at naabutan ko si Spencer na sinusuot ang puting long sleeve nya. Nasa gilid lang ako at tinitignan sya, ang gwapo nya sana kung hindi man kalabisan ang hinihingi ko sana mag kaanak man muli ako gusto ko ay lalaki ay kasing gwapo nya.




Umupo ako sa couch kung saan kami nakahiga kanina, sakto naman na may kumatok sa pinto. Si Spencer ang nag bukas at pag balik nya ay may dapa ng Siopao at milk magic. Agak ko iyong  nilantakan paglakapag nya sa maliit na kamesa sa harap ko.





"Ginutom ba talaga kita?" Natatawang sabi nya saka umupo sa tabi ko, hindi ko sya pinansin at na tuloy sa pag kain. Hinampas ko pa ang kamay nya ng nag tangka syang kumuha ng siopao.



"Bumili ka ng sayo" sabi ko saka sya inirapan, ewan pati ako na wiwirduhan sa sarili ko. Hindi naman ako madamot sa pag kain pero ngayon isipin ko palang na may gustong makihati sa pag kain na gusto ko naiinis ako. Saka ang nag ca-crave ako sa mga pag kain na kulay puti.




"Seryoso Nina?" Natatawang sabi nya.  Medyo ba kunsensya naman ako dahil alam kong napagod din sya sa ginawa namain kaya kumuha ako ng isang siopao at hinati ko ito saka ibinigay sakanya ang kalahati. Natatawang kinuha ang kamay ko at kinagat ang hawak kong siopao hanggang sa maubos nya ito, dinilaan nya pa ang daliri ko na akala mo may naiwan doon.




Tinignan ko sya ng tumayo sya at lumapit sa lamesa nya at kinalikot  ang mga papel na nakalagay doon. Seryoso sya habang binabasa iyon at nakita kong pumipirma din sya sa mga papel na nandoon. Baka iyon ang sinasabi nyang may pipirmahan lang sya tapos ay uuwi na kami. Kung wala palang mangyari samin baka kanina pa kami nakauwi. Naubos ko ang siopao at ang isang kahong milk magic, at pakiramdam ko ay pwede na akong hindi kumain hanggang bukas. Dumighay pa ako ng malakas dahilan para mapatingin sakin si Spencer at ngumiti saka umiling.
Nakakapag taka dahil wala na ying ilang na nararamdama  ko sa tuwing tumitingin saya sakin, pero nanatili ang kilig sa tuwing ngumingiti sya.




Nang matapos sya sa ginagawa nya ay pumunta na kami sa school ni Kisza para sunduin sya. Agad namin syang nakita na nasa gate at mukang hinihintay kami. Si Spencer na ang bumaba para sunduin si Kisza, nakita ko ang saya sa mukha ng anak ko ng makita nya ag Daddy nya agad syang tumakbo papunta kay Spencer, nakita ko ang pag tango nya at pag ngiti. Kinarga sya ni Spencer at nag lakad papunta sa kotse kung nasaan ako.
Naramdaman ako ang saya sa kalooban ko habang tinitignan sila na nag lakakad papalapit sa kinaroroonan ko.

Si Kisza ang bunga ng isang gabing pag kakamali samin ni Spencer. Hindi ko inasahan na nasa iisang bubong lang kami ng totoong ama nya. Na matagal na pala silang mag kasama, kaya ba parang may humahatak sakin noon sa bahay nila Raquel dahil alam ng baby ko kung nasaan ang Daddy nya?
Kaya rin ba ganon nalang ang pag papahalaga ni Spencer kay Kisza dahil nararamdaman Nya ang lukso ng dugo? Kaya rin sila may pag kakahawig dahil mag ama sila.


Hindi ko alam kung mauunawaan ni Spencer ang dahilan kung bakit ko ipinamigay si Kisza. Kung kaya nya akong tanggapin sa pag kakamali ko. Pero umaasa ako na mauunawaan nya ako, sana lang ay sapat ang pag mamahal nya sakin para mapatawad ako.


Sana huwag nyang hilingin sakin na mawala ako sa buhay nila. Sana  tanggapin nya muli ako sa kabila ng mga kasalana  ko. Sana mapatawad ako ng mag ama ko.













***


A/N: may trabaho po ako kaya konting unawa lang ... Salamat

Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon