HDDL 48 - Real Father

Magsimula sa umpisa
                                    

"Pwede din po ba namin kayo kausapin? Ung tayo lang po. May mahala lang po kasi kaming sadya,"sabi ko na halos pagdiinan ko ung sabi ko ng tayo lang po. Ayokong nandito si Athena eh.

"Mukhang alam ko na kung ano yan eh. Sige. Doon na lang tayo sa library,"sabi ni Uncle Leandro. Pagkatapos nun, binalingan nya si Athena. "Hija, maiwan ka muna namin dito. Tapos na din naman ako magmeryenda,"

Napangiti ako kay Uncle. Tapos tinignan ko si Athena.

"Okay, Dad. I think I'll go shopping na lang,"matamis pa ding sabi ni Athena. Tinalo pa ang asukal sa ngiti nya. Sarap tuloy nya ilagay sa plastic.

***

>>>Athena's POV

That bitch! Ang sarap kalmutin ang mukha. Pasalamat sya at ang ganda ng nails ko ngayon. Tsaka sayang naman ang ilang taong pagpapanggap ko na ako'y isang anghel na bumaba sa lupa. Sila lang talaga nung bubwit na Syrelle na un ang hindi ko nakuha ang loob. May sa demonyo ata ung mga un eh. Pero wala akong pakialam sa kanya. Kapag kinasal kami ni Exer, sa ibang bansa kami titira. Malayo sa mga bitches na nandito.

At ung Cleo na yan, babait baitan lang din yan. Nasa loob ang kulo. Akala ba nya hindi ko alam kung ano ang trabaho nya dati kung saan sila nagkakila ni Exer KO?

I'll make sure Exer will me mine. Lalo pa at marami akong hawak na alas.

Pero hindi ko pa alam kung ano ung sadya nila sa matandang stepfather ko. Pero wala na kong pakialam dahil kailangan ko lang ng tamang pagkakataon para masira sina Cleo at Exer KO.

In the end, Exer will be mine and Cleo will be nothing but a trash.

Makapagshopping na nga lang. Madami namang pera ung matandang stepfather ko kaya hindi mauubos. Kailangan lagi akong maganda sa paningin ni Exer KO.

***

>>>Exer's POV

"Uncle, do you know Elena and Francisco Bautista?"tanong ko kaagad kay Uncle pagdating namin sa library nila. Pinuntahan ko agad sya sa bahay nila dahil alam sya ang makakasagot kung ano talaga nangyari sa kanila ng nanay ni Cleo. I can't bear living another day without Cleo in my arms.

Halatang nagulat sya sa tanong ko pero agad naman syang nakabawi. "Elena was my college sweetheart and Francisco was her husband,"

"Did you had an affair with her on the year she died?"diretsang sabi ko.

"Ano?"

"Cleo is her daughter and she said that you're her real father,"sabi ko kanya. Sinabi ko sa kanya ung lahat ng sinabi sa kin ni Cleo.

Napatanga ako nang tumawa sya nang malakas pagkatapos kong sabihin ang lahat sa kanya.

"Uncle?"nagtatakang tanong ko.

"It would have been better if we had a child. But Cleo's not mine. She's Francisco's daughter,"sabi nya sa 'kin. "Elena had a heart disease. Pero hindi un alam ng lahat. Alam ko, pati kay Francisco, hindi nya un sinabi. Ang sabi nya sa 'kin umiinom daw sya ng contraceptive pills kaya hindi agad sila nagkaroon ng anak ni Francisco at pinalabas nya na ang diperensya ay ang sperm count ni Francisco pero dahil masyado nyang mahal ang asawa nya, pinili nyang mabuntis. Doon naman nya ako tinawagan nang malaman nya na buntis na sya. Nagsisimula pa lang ako sa pagiging doctor nung panahong iyon. Nagalit ako sa kanya pero kahit anong sabihin ko sa kanya, itinuloy nya ang pagbubuntis. Mahal na mahal daw nya ang bata at si Francisco. Tinulungan ko sya na kahit papano maging maayos ung pagbubuntis nya. Nung nasa pitong buwan na ng pagbubuntis nya, nahirapan na talaga sya kaya kinausap nya ako. Sinabi pala nya kay Francisco na ako ang ama nung pinagbubuntis nya. Gusto nyang madaling makalimot si Francisco. Kung malalaman daw kasi nito ang totoo, baka sisihin lang nito ang sarili at hindi un kaya ni Elena. Ilang araw pagkatapos nun, nalaman ko na namatay sya sa panganganak,"

"Didn't you ever attempt to say anything to them?"sabi ko patungkol kay Tatay Francisco.

"No. Lumayo ako sa kanila pagkatapos nun. Isa pa, it didn't occur to me that it will become a problem. It's Elena's choice and I want to respect it,"

Gusto kong mainis sa katwiran ni Uncle. Pero alam ko namang minahal lang din nya si Elena. At sino nga ba mag-aakalang si Cleo ang matatagpuan ko?

Kasabay nun, napangiti ako. Unang ngiti pagkatapos ng ilang araw na kamiserablehan. Cleo and I are not cousins. It means I can marry her and I can love her freely.

Pagkatapos kong magpaalam kay Uncle Leandro, dumiretso agad ako sa bahay nina Cleo. Kailangan kong makausap si Tatay Francisco at syempre si Cleo. I can't wait to make love to her. I miss hearing her moans whenever I pleasure her body. I miss hearing her calling my name whenever she reach her climax.

Napatigil ako sa pag-iisip nang tumunod ung phone ko.

"Ken, don't you ever talk to Cleo. Si Tito Francisco lang kausapin mo,"

"But---"

"No buts. Give Cleo a few days. Isa pa, malapit na ang fashion show ko. Doon ka magtapat. Papayagan kita gamitin ang show ko. Kahit magpropose ka pa. At Ken, I'll know kung kinausap mo si Cleo and you'll regret it. You know me,"

Pagkatapos nun, tinapos nya ung tawag.

What???

>>>tnx for reading... ^___^
---till next time... ^___^

Hindi pa sya ending sa fashion show. Hahaha. Minor problem lang 'to. May major major problems pa before the ending. Pagbabatiin ko pa muna sila. Tsaka hindi masaya kung walang kontrabida. XD

Anyways, papaltan ko ung title nito. "Hot doctor's Destined Love" ano sa tingin nyo? Comments please.

Hot Doctor's Destined Love(ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon