CHAPTER EIGHT (SABINA MEETS PAUL )

Почніть із самого початку
                                    

"Mag isa ka lang ba dito?" pag iiba niya ng tanong.

"Yup.." balewalang sagot nito habang nag lalagay ng kanin sa plato. "I live alone since I was in college.

Tumango lang siya bilang tugon. Nag iisip pa siya ng pwedeng itanong ng bigla itong magsalita.

"My Mom is in Singapore right now and my Dad is in Canada, for business matter. I have two brothers by the way." patuloy nito sabay subo ng bacon. "Sinabi ko na in case na itanong mo."

Tumango nalang ulit siya bilang sagot.

"There's always in a business trip so madalang mo din silang makikita, so no need to feel pressure from your in laws."

Tango lang ulit ang tangi niyang nagawang sagot.

"Talaga bang tatango ka lang sa lahat ng sasabihin ko sayo?" may bahid ng pagkainis na tanong nito.

Napayuko nalang siya. Hindi din kasi niya alam kung anong dapat sabihin dito, at hindi pa din siya komportableng isipin na mag asawa na silang dalawa.

"Look,.." ibinaba nito ang hawak ng kutsara at humarap sa kanya. "I know we started in a wrong foot.. And I know it's complicated because it happened so fast... and I do understand your situation." malumanay na paliwanag nito. Paul take a deep breath before continuing the conversation. "Ok, let's start introducing ourselves. I'm Paul Cervantes, 29, I'm an architect. A bachelor... errr.. erase that cause I'm married now." itinaas pa nito ang kamay kung saan naka suot ang wedding ring nila.

"Charming.. Every girl loves me.. and they're always drooling every time they see me.." seryosong sabi nito habang nakahawak sa baba. "Ano pa ba?"

Napataas ang dalawang kilay ni Sabina sa sinabi nito. "Mayabang.. at malaki ang bilib sa sarili.." dugtong niya.

"Oh! Thank you. " sabay kindat nito sa kanya.

Natawa nalang siya dahil nagpapa-cute na naman ito sa kanya.

"Yan! At least you smile now.. you should have told me that I need to praise myself first just make you laugh." he rolled his eyes.

"Pano ang yabang mo... 'they're always drooling every time they see me' " gaya niya dito. 

"Oh come on! I'm stating a fact here."

"Really? So dapat kasama talaga lahat ng sinabi mo pag magpapakilala ka?"

"Hindi naman.. Kasi obvious naman na yun. Can't you see the evidence." inilapit pa nito ang mukha sa kanya.

"Naku 20/20 naman ang vision ng mga mata ko pero wala ata akong makita. San bang banda?" patol niya dito.

"Tsss!... well it's not my lost anyway." he smirked.

"GGSS." tukso niya dito.

"What's GGSS means?" seryosong tanong nito.

"You're kidding me right?" hindi makapaniwalang tanong niya. Pinalakihan pa niya ito ng mata.

"I will not ask you if I know it. Is it Greenhouse Gas Storage Solutions?"

Hindi na napigilan ni Sabina ang pagtawa niya. "Grabe!! Hindi mo alam yun, honestly? Hahahaha! 'Greenhouse Gas Storage Solutions'  Sang planeta ka ba nanggaling?!" Hawak na niya ang tiyan sa kakatawa.

Sumimangot it. "So what is it then?"

"Hahaha!" Patuloy pa din siya sa pagtawa.  

"Ano ba stop laughing! Sa hindi ko alam, anong gagawin ko? magpanggap na alam ko." napipikon nitong suway sa pagtawa niya.

Patuloy lamang siya sa pagtawa. Feeling niya lalabas na sa ilong ang kapeng ininom niya sa kakatawa. 

"What's so funny about it? Ikaw ba alam mo lahat ng abbreviation." naiinis nitong sabi.

Actually, hindi naman siya natatawa ng dahil hindi nito alam ng meaning ng GGSS, natatawa siya sa sinabi nitong meaning na 'Greenhouse Gas Storage Solutions'. San kaya nito nakuha yun? And his reaction was epic. Pikon pala ito kahit simpleng asaran lang.

"Ano ngang meaning nun?!" nakasimangot pa rin ito.

Ayaw sana niyang sabihin dito ang meaning dahil ang eenjoy pa siyang asarin ito. "Pag babae -Gandang Ganda Sa Sarili, pag lalaki - Gwapong Gwapo Sa Sarili. San mo naman nakuha ung 'Greenhouse Gas Storage Solutions' nakakaloka ka?"

"National Geographic Channel" ipinilig nito ang ulo sa gawi niya na lalong nag pa gwapo dito.

"Gwapo ka nga hindi mo naman alam ung GGSS. Eh ikaw tong best description nun." 

"At least umamin ka ng gwapo ako." nakangisi nitong sabi.

For a second ay napahinto siya sa pagtawa ng ma-realize na sinabihan nga niya na gwapo ito. Gwapo naman talaga kaso masyadong malaki ang bilib ang sarili.

"Kahit na, hindi mo pa din alam. Hindi ka ba nanunuod ng TV?" pang aasar pa rin na dito at patuloy pa din siya sa patawa. "Greenhouse Gas Storage Solutions'..... epic yun Paul! hahaha!"

"Tss."

"Sabina.. I'm Sabina Mendez.." pagpapakilala niya habang tumatawa.

"Beautiful name for such a bully like you." 

Lalo lamang natawa si Sabina sa komento nito. Nahinto lamang ang pagtawa niya ng may mag doorbell. 

Similip muna si Paul sa Wall clock. "It's only 9am. Sino naman tong ang aga mangbulabog?"

Tumayo na ito para tignan kung sino ang nag do-doorbell.

Makalipas ang ilang sandali ay hindi pa din bumabalik si Paul. Na-curious si Sabina kung bakit natagalan ito.

Tumayo na si Sabina at naglakad papuntang living area. Habang papalapit siya ay may naririnig siyang mga boses ng mga lalaki na tila nagkakagulo. 

Nakita niya ang limang lalaki na nagkukulitan kasama si Paul. Ang isa pa ay nakaakbay sa leeg nito habang kunwari ay sinasakal ito. Napadako ang tingin ng isa mga lalaki kay Sabina ng mapasin na nakatayo siya doon.

Curious in his face ay agad na tinapik nito ang katabing lalaki upang siya'y tignan.

"Who's she?" tanong ng lalaking unang nakakita sa kanya.

Bumaling lahat sa tingin sa kanya with a big question in their face.

"Mga bwisit kayo! Ang aga aga andito kayo para manggulo. Get a life, you dumba*s" Sabi ni Paul habang inaayos ang buhok. "Sakit nun ahh!" tinulak pa nito ang sumakal sa kanya.

"Pare, sino siya?!" tanong ng lalaking sumasakal kanina kay Paul.

Tumingin si Paul sa gawi niya. Ngumiti muna ito bago bamaling ulit sa mga lalaking kasama nito na sa malamang ay mga kaibigan nito.

"'Wag mong sabihing...." sabi ng isang lalaki.

"Well... Mga pare... Meet my wife.. Sabina... or you can say 'Mrs. Sabina Cervantes'." kaswal na pagpapakilala nito sa kanya.

Lahat sila ay nagulat sa sinabi ni Paul. Nagkatinginan pa ang mga ito kung tama nga ang pagkakarinig sila sa sinabi ni Paul..


---------------------------

I'm His Accidental WifeWhere stories live. Discover now