"Naligo ka na naman sa dagat, 'no?" Tanong ni nanay at kinarga ako.

"Eh... Maganda ang panahon 'nay, eh! Hindi masyadong mainit!" Sabi ko at ngumiti.

Natawa nalang si nanay bago kami pumasok sa bahay.

"Magbanlaw ka muna ro'n at tulungan mo akong linisan 'tong isda," bilin ni nanay at hinalikan ang pisngi ko.

"Sige po!"

Matapos akong magbanlaw ay agad akong nagbihis at tinulungan si nanay sa paglilinis ng isda. Nang matapos ay pinanood ko si nanay habang nagluluto ng tinola.

"Kamusta po sa palengke, 'nay?" Tanong ko na may ngiting halos umabot na sa tainga ko.

Susubukan ko ulit na kumbinsihin si nanay na pasamahin ako sa palengke!

Tumawa naman si nanay, "Naku, anak, ha. Kung sinusubukang mo na naman akong kumbinsihin na pasamahin ka sa palengke ay hindi pa rin magbabago ang isip ko. Hindi pa rin pwede."

Napanguso ako, "'Nay naman! Malaki na ako! Makakatulong na ako sa inyo!"

"Oo nga, malaki ka na. Pero mag-focus ka nalang sa pag-aaral mo," tugon ni nanay.

"Kaya ko naman 'nay pagsabayin! Kaya ko kayong tulungan ni tatay!"

"Naku! Ang kulit-kulit mo talaga, Patrienne!"

Humalakhak naman ako. Ang panget talaga ng pangalan ko na 'yan!

"Pasamahin niyo na kasi ako, 'nay!"

"Bawal nga!"

"Eh, bakit bawal, 'nay?"

Humugot nang malalim na hininga si nanay kaya natutop ang labi ko. Narinig namin ang halakhak ni tatay sa likuran ko.

"Ayan, pinagsama ba naman 'yong ugali nating dalawa," natatawang tumawa si tatay.

"Tay!" Dali-dali akong tumakbo kay tatay. Kinarga niya agad ako.

Tumawa nalang din si nanay.

"Ang bigat mo na, 'nak!" Natatawang sabi ni tatay habang karga-karga ako.

"Malaki na kasi ako, 'tay! Kaya dapat ay pinapasama niyo na ako ni nanay sa palengke!"

"Tinatamad ka lang pumasok, eh," sabi ni tatay na nagpasimangot sa'kin.

Kasi naman, eh! Halos araw-araw kaming nagd-drawing! Eh, hindi nga ako magaling doon!

"Mahal," hinalikan ni tatay si nanay sa pisngi.

"Ew," sabi ko naman, hindi siguro mapinta ang itsura ko.

"Naku, anak. Ngayon mo lang 'yan sinasabi. Kapag nagdalaga ka na, baka mag boyfriend—"

"Andres!" Saway ni nanay na nagpatawa naman kay tatay.

"Ganiyan din ang nanay mo dati sa'kin, anak. Ayaw na ayaw na kini-kiss—"

Tumigil si tatay sa pagsasalita nang kurutin siya ni nanay sa kaniyang tagiliran.

"'Wag mo ngang tinuturuan ng kamanyakan 'yang anak natin!"

"Gustong-gusto mo naman 'tong pagiging manyak ko, eh," tukso ni tatay habang nagwi-wave iyong kilay niya.

Hindi ko alam kung ano na ang itsura ko dahil nang tumingin sa akin si tatay ay tawang-tawa siya. Natawa din si nanay at napailing-iling.

"Tumigil ka na nga, Andres! Halika na at kumain na tayo," sabi ni nanay na may ngiti sa labi.

Sabay-sabay kaming kumain sa aming maliit na lamesa. Napahagikhik ako nang sabihin ni nanay na tig-dalawa sila ni tatay ng isda, at tatlo naman ang sa'kin.

Dance With The Strings (Chains of Puppetry Series #2)Where stories live. Discover now