Chapter 1

18.8K 175 57
                                        

Chapter 1

Umahon ako mula sa dagat at kaagad na dumiretso sa may gilid ng dalampasigan sa ilalim ng isang niyog na hanggang ngayon ay wala pa ring bunga.

Ang sabi ni tatay ay baka raw nagtampo 'yong niyog kasi no'ng baby pa 'yong mga bunga niya, pilit ko 'yong pinapitas kila tatay para malaro ko. Simula nun ay hindi na talaga siya bumunga ulit.

"Hay naku!" Iritado kong sabi at umupo sa ilalim ng niyog.

Dala-dala ang isang maliit na balde ay nagsimula akong gumawa ng sand castle.

Napahagikhik nalang ako dahil hindi ko maintindihan kung sand castle ba talaga iyon o isang tumpok lang ng buhangin.

Kinuha ko ang ginawa kong maliit na flag at inilagay iyon sa pinakatuktok ng sand castle ko.

"Hi."

Halos mapasigaw ako sa gulat nang marinig ko ang boses ng isang batang lalaki sa aking likuran!

"Bakit ka naman nanggugulat!" Sabi ko habang hawak-hawak ang dibdib sa sobrang kaba.

Naku! Na-minus one na ata ang buhay ko!

"Sorry, I didn't mean to scare you," sabi niya at unti-unting lumapit sa'kin.

Pinaningkitan ko siya ng mga mata.

Grabe, maputi ang isang 'to ah! Parang hindi pa naaarawan! Tapos englishero pa! Sigurado ako, hindi 'to lumaki rito!

"Hoy!" Bulyaw ko nang muntik niya ng masagi ang sand castle ko!

"Oh, sorry," mahinhin niyang sabi at umupo rin sa buhangin para ayusin 'yong kaunting parte ng sand castle ko na natamaan ng paa niya.

"Ako na nga!" Sabi ko at inilayo ang kamay niya roon.

Nang matapos kong ayusin ang parteng natamaan ng paa niya ay saka ako nag-angat ng tingin sa kaniya.

Grabe, parang lumiliwanag siya kapag nasisinagan ng araw! Pwede na siyang isali sa commercial ng Tide!

Hindi ko naiwasang mapanguso nang pagtingin ko sa balat ko ay hindi man lang ako nangalahati sa pagiging maputi niya kahit na hindi naman ako maitim!

"What are you playing?" Tanong niya habang nakatitig sa'kin.

Kulay asul din 'yong mga mata niya! Parang dagat!

"Obvious ba?" Inirapan ko siya at nagpatuloy sa paggawa na lamang ng sand castle.

"Can I play with you?"

"Bawal," agaran kong sagot.

Syempre, sabi ni nanay ay don't talk to strangers daw eh!

"Okay..." malungkot niyang sabi tapos ay pinanood na lang akong gawin 'yong sand castle ko.

Ngayon, mukha na 'yong tatlong tumpok ng buhangin. Hay, ang hirap naman ng walang art skills. Naalala ko na naman tuloy iyong stick man na drawing ko kanina para sa activity namin sa school!

"'Di ka tiga rito 'no?" Tanong ko habang binabasa 'yong buhangin para makagawa ako ng swimming pool sa gilid ng sand castle ko.

Nagtanong na ako. Nakakaawa naman kasi kanina pa siya nakatingin lang sa'kin!

"I'm from here, too. Just on the other side of the village," sabi niya.

"Ah," tumango-tango ako na para bang sobrang interesting no'ng sinabi niya kahit obvious naman.

"How about you? Are you from here?"

No'ng siya 'yong tinanong ko kahit obvious naman 'yong sagot, parang wala lang naman sa kaniya. Tapos ngayon na ako naman ang tinatanong niya, nag-iinit bigla ang ulo ko.

Dance With The Strings (Chains of Puppetry Series #2)Where stories live. Discover now