"Oo, 'yan 'yong bahay namin, oh," sabi ko at itinuro ang maliit na bahay namin malapit sa dalampasigan.
"That's your house?" Parang hindi makapaniwala niyang tanong, "I thought it was a cottage for the tourists."
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Loko ka, ah. Ano? Minamaliit mo 'yong bahay namin?"
Namilog 'yong mga mata niya.
Kaagad siyang umiling, "No, of course not. I'm sorry, I didn't mean it that way," sabi niya na mukhang halos iiyak na.
"Siguraduhin mo lang! Isumbong kita kay tatay, eh. Mangingisda 'yon! Gusto mo ipakain ka niya sa mga pating?"
Napanguso siya, "No..."
"'Yon naman pala eh! 'Wag mong nilalait 'yang bahay namin, ha!" Sabi ko at nagpatuloy na sa paggawa ng palasyo ko.
Maya-maya lang ay nagsimula na rin siyang gumawa ng sarili niyang sand castle sa tabi ng sand castle ko. Napairap nalang ako dahil mas maganda iyong ginagawa niya!
Kailangan mas maganda ang akin!
Ano ba 'yan! Na-pressure tuloy ako!
"Where are you going?" Nagtataka niyang tanong nang tumayo ako at nagsimulang maglakad patungo sa mas gilid pa ng dalampasigan.
"Maghahanap ako ng shells," sabi ko nang hindi siya tinitingnan.
Mas magiging maganda ang sand castle ko kapag may shells! Ha! Akala niya ha!
"Pwedeng sumama?"
Grabe, tunog mamahalin 'yong pagtatagalog niya!
"Bawal," sabi ko habang papalapit na ako sa dulo ng dalampasigan.
"But I want some shells too," parang nagtatampo niyang sabi.
Naku naman! Ganito siguro ang nararamdaman ni nanay kapag nagpupumilit ako na sumama sa kaniya sa palengke!
"Eh, doon ka sa may banda ro'n!" Tinuro ko ang kabilang dulo ng dalampasigan.
Napatango naman siya at pumunta roon.
Halos maiyak na ako dahil ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa rin akong nakikitang shells! Naubos ko na siguro dahil araw-araw akong nangunguha!
"Are you okay?" Tanong ng batang lalaki pagbalik niya.
Mas lalong gusto kong maiyak nang makita na puno iyong damit niya ng ibat-ibang klaseng shells samantalang ako ay kahit isa'y wala man lang nakuha!
"Walang shells dito," malungkot kong sabi at naglakad na pabalik sa may niyog.
Narinig ko naman ang paglalakad niya sa likuran ko.
"You can have mine," aniya nang maupo kami.
Nag-angat ako ng tingin matapos ang mahabang katahimikan.
"Talaga?"
Tumango siya at inilapag ang mga shells sa buhangin.
"Here," aniya at ngumiti.
Ngumiti rin ako sa kaniya.
"Salamat! Tutulungan na lang kita sa pag design ng palasyo mo!" Maligaya kong sabi at nagsimula ng mag-design
Napahagikhik ako nang matapos ako sa pag-aayos ng sand castle ko dahil sa wakas ay hindi na iyon mukhang tumpok lang ng buhangin!
"Iyang sa'yo naman!" Sabi ko at tinulungan siyang maglagay ng shells sa palasyo niya.
"Thank you," sabi niya nang matapos kami.
Tumango lang ako sa kaniya at nagsimulang titigan ang palasyo ko.
YOU ARE READING
Dance With The Strings (Chains of Puppetry Series #2)
RomanceStatus : On-hold Patrienne Ysabel Gonido has always been the carefree, happy-go-lucky girl of Barangay Anilaw, where peace reigns and conflict is a distant memory. Growing up surrounded by family and friends, her life seemed perfect-simple, quiet, a...
Chapter 1
Start from the beginning
