Chapter 1

19.9K 576 158
                                    

Aria's POV

Madalas akong managinip. Madalas din sa panaginip ko ay kulang na lang na kumulot lahat ng tuwid na buhok na meron ako sa katawan.

Minsan ko nang napanaginipan na ako ang bunsong kapatid nina Elsa at Ana.

Napanaginipan ko na rin na ako ang nakatadhana kay Harry Potter.

Minsan ko na rin namang napanaginipan na ako si Steffi at napangasawa ko si Matteo Doo at doon kami galak na galak na naninirahan sa galaxy kasama ang mga echoserong alien.

Pero nitong huli ay hindi na kaaya-aya ang napapanaginipan ko. Feeling ko nga ay hindi lang ito basta panaginip. Tipong halos gabi-gabi na lang ay nauulit ang panaginip ko na 'yon at ang nakakaloka ay hindi naman malinaw kung ano ba 'yon. Pati mukha ng nasa panaginip ko ay hindi ko maaninag.

"Aray ko!" Bigla kong sinamaan ng tingin si Fire habang hawak ko ang noo ko na kani-kanina lang ay walang pakundangan niyang pinitik. 'Lang'ya! Boyfriend ba talaga kita Fire o nagbabalat-kayo ka lang?!

"You are spacing out again," he said. Lalo ko siyang pinaningkitan ng mga mata ko. Jusko! Hindi na nga kami madalas na magkasama ng nanay ko na ginawa nang hobby ang pagpitik sa ilong at noo ko, tapos itong apoy naman na 'to ang pumalit?! 'Yong totoo? Ano'ng pinaglalaban ng mga kidney ninyo?!

"Malamig na 'yang kape mo," sabi niya ulit dahil hindi ako sumagot sa kaniya. Tinitigan ko siya ng maigi at saka ko siya buong puso, baga at atay na binatukan.

"Aw! Masakit 'yon, Aria!" singhal niya pero hindi nagpatinag ang kaluluwa ko na may ipinaglalaban.

"Tama lang sa'yo 'yan! Kupal ka! Hoy, son of Fuego eklabum, tigil-tigilan mo ang pagpitik sa oh so beautiful kong noo! Nakakaloka!" I said before I get my cup of coffee na nandito sa table namin.

"Kayong dalawa talaga, ang kulit ninyo." Nalipat ang tingin ko kay Thea na mukhang tuwang-tuwa sa nasasaksihan niyang pagpapasakit namin ni Fire sa isa't-isa. Ang taray ng pagpapasakit!

"Fire naman kasi, you should know how to act sweeter. Boyfriend ka na ni Aria. If I were you, hindi ko siya sasaktan sa kahit na anong paraan." Sa sinabing 'yon ni Kai ay kulang na lang magtalukbong ng mukha si Rapunzel dahil talagang mahihiya siya sa haba ng buhok ko sa mga oras na 'to. Lalo na nang sumabat si Fire na siyang naging dahilan para mag raise into the 10th power ang kagandahan kong taglay.

"I'll hurt myself first before I can hurt her," he replied. Hanuba?! Bakit ba kayo ganyan? Hindi ba kayo aware na kanina pa nag-sumo wrestling ang lamang-loob ko?!

"Good to hear that dahil kapag na-realize ni Aria na mas marami pa'ng lalaki na mas higit sa'yo, baka pagsisihan mo." Hala. Ano'ng nakain ni Kai para magsalita ng ganito? 'Yong totoo, Kai? May pinaglalaban ka ba? Baka gusto mo kaming i-inform para naman maka-relate kami sa'yo, 'di ba?

"Kai, that's enough," sabi ni Thea. Akala ko ay nagbibiruan lang kaming apat pero noong tiningnan ko si Fire ay mahahalata ang pagka-higpit ng hawak niya sa baso ng kape niya at talagang titig na titig siya kay Kai na akala mo ay konting push na lang sa kaniya at liliyab na ang kagwapuhan ni Kai. Nako, Aria! Mag-isip ka ng pampakalma sa Firebabes mo! Paganahin mo ang neurons mo!

"Kai, I won't look for someone better because for me, Fire is already the best." Pakiramdam ko ay nagsampalan ang brain cells ko dahil sa pag-english ko nang biglaan at hindi ko man lang naihanda ang cerebrum ko pero keri lang dahil napansin ko naman na kumalma ang aura ni Fire. Susme! Kailangan ko ba talagang magpaka-mais muna?

"Wala naman akong sinasabing iba at wala akong ibang ibig sabihin sa sinabi ko," sabi ni Kai bago siya ngumiti at ininom na niya ang kape niya.

Nandito kasi kami ngayon sa bahay dahil mamaya ay aalis na kami at babalik na sa Yoso. Ilang buwan din na kanselado ang pasok doon dahil nga sa katotohanan na inaayos muna ang buong Yoso Academy at pinayagan naman kami ng Elemental Ministry na pumunta sa human world.

Elemental Kingdoms: Masters of the Seasons (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon