BLOOD 9: QUALMS

Magsimula sa umpisa
                                    

"At bakit kailangan mo ng chixx, Mr. Derrick Advincula?" -Lexi.

Unti-unting lumapit si Lexi kay Rick, hands gripped on her waist, nakataas ang isang kilay, at parang papatay ng tao.

Patay ka, Rick, I thought.

"Chixx pala ha..." -Lexi.

"Ouchhh!" Sigaw ni Rick. Bigla kasing lumipad 'yung left foot ni Lexi sa binti ni Rick.

All of us laughed at him. "Tara na nga." Yakad ni Sam at lumakad na kami, habang si Rick naman, ayun, i-ika-ika. Naririnig ko si Quen, inaasar sya sa likod. Tapos, si Lexi, umakbay na sa akin at hinila na ako.

Hindi naman pala sila talaga weird eh. Ordinaryo pala sila. 'Yung parang mga ordinaryong kaibigan, makukulit at nag-a-asaran. Siguro naninibago lang talaga ako. Para akong nakakita ng isang grupo na hindi ako iiwan, parang forever? Ganun.

Habang naglalakad kami, napako ang atensyon namin sa isa scenario... May mga nagkukumpulang tao sa kanto. Sigurado ako, may kakaibang kaguluhang nagaganap doon.

Napatigil kami kasi nagsisigawan 'yung mga tao, "Anong meron dun?" Tanong ni Lexi.

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon