Prologue

53.2K 339 53
                                        

Prologue

The world has never been fair, but I had to learn that the hard way. I used to believe that how you treat others is how they will treat you in return. Yet, no matter how much kindness you show, there will always be those who won't hesitate to hurt you.

Sayang at huli ko na iyon napagtanto.

“Are you sure about this, Patrienne?”

“Wala na akong choice, Mel,” sambit ko, pilit na pinapakalma ang sarili.

Nakita ko kung paanong nanlumo ang mga mata niya at ang unti-unti nitong panlalambot.

“Pwede pa naman tayong makahanap ng ibang—”

Umiling ako, “Hindi ko na kayang mag-antay pa, Mel. Wala na akong pakialam sa iisipin nila tungkol sa'kin. Hindi na iyon importante,” sambit ko bago lumabas ng sasakyan.

Kaagad siyang sumunod sa'kin.

“Basta kapag may mangyari, andito lang ako. Tawagan mo agad ako,” bilin niya.

I forced a smile saka tumango. Napaka-swerte ko dahil kahit na nawala sa akin ang lahat, nahanap ko naman si Melody.

Pilit din siyang ngumiti sa'kin. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at pinisil iyon.

“Kaya mo 'to, Patrienne,” sabi niya na nagpatango naman sa'kin.

Hinarap ko ang napakataas na building. Huminga ako nang malalim bago tuluyang naglakad papasok.

“Hi, is Engineer Leon Dela Vega here?” Tanong ko sa receptionist ng building.

Kumunot agad ang noo niya, ang mga mata'y titig na titig sa'kin, siguro ay namumukhaan ako. Bukod sa ilang beses na akong nakapunta rito, kalat na kalat din 'yong tungkol sa amin ni Leon noon kaya hindi na ako magtataka kung kilala ako ng mga tao sa buong building na 'to.

“Do you have an appointment, ma'am?”

Umiling ako, “Biglaan lang po kaya hindi ako nakapag-schedule ng appointment sa kaniya.”

“I'm sorry, ma'am, pero sigurado po akong hindi kayo sisiputin ni engineer kung wala kayong appointment,” sabi niya, bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

“Pwede mo ba siyang tawagan? Tell him someone named Patrienne Ysabel Gonido is looking for him,” I said, purposely mentioning my full name para kumpirmahin ang iniisip niya.

Kita ko ang pagtatalo sa ekspresyon ng babae.

“Please, miss. Emergency lang po,” pakiusap ko.

Sa huli ay napabuntong hininga siya at kinuha ang telephone.

“Saglit lang po, ma'am,” sabi niya at nagsimulang kalikutin ang telepono.

Pilit kong pinakalma ang sarili ko habang naghihintay. Pakiramdam ko'y sa bawat minutong dumadaan ay katumbas ng isang taon.

“Good morning, engineer. Someone is looking—”

“Do they have an appointment?”

Napalunok ako nang marinig ko ang malamig niyang boses. Malayong-malayo sa masiglang si Leon noon.

“Uh, wala po, engineer, pero—”

“Then don't let them in,” malamig na sagot ni Leon.

“Engineer, emergency raw—”

Inagaw ko mula sa babae ang telepono. Namilog ang mga mata niya sa gulat at sinubukan iyong agawin sa'kin ngunit kaagad ko itong itinapat sa tainga ko.

“What the hell is going—”

Dance With The Strings (Chains of Puppetry Series #2)Cerita yang bikin terobses. Temukan sekarang