[62] #100STHHTheOtherSideOfHim

Start from the beginning
                                    

Kaya Hope, ang kapal ng mukha mong magdalawang isip.

"Opo, kaya ko po. Sasamahan ko po si Enzo." Ngumiti naman siya sa akin. This time alam kong genuine na yun. Binuksan namin ang pinto at naabutan kong iniinjenction-an si Enzo sa may bandang likod niya. Noong marinig niya yung pinto at nakita niya ako, bumalik na naman yung kaba sa mukha niya. Bakit ba siya natatakot na makita ko? Bakit?

"What are you – ugh – doing here? I told you to – ouch—get out." Mahinang mahinang sinabi ni Enzo. Nilabanan ko naman yung mga luha na muntik na muntik ng pumatak sa mata ko. Kailangan kong maging matatag para kay Enzo, kung makikita niyang umiiyak ako at naawa sa kanya, lalo lang siyang matatakot. Lalong hindi niya sasabihin sa akin kung anong nararamdaman niya.

"Enzo, just please finish the session." Sinabi ni Miss Bisbal. Noong sinabi niya yun, wala ng nagawa si Enzo kung hindi tumahimik. Nakita kong turukan siya sa iba't ibang parte ng katawan niya. Tahimik lang kami lahat. Minsan naririnig ko yung 'Aah' 'Ouch' 'Oh god' ni Enzo na halatang halatang tinatago niya, pero may mga parts talaga na mukha ngang masakit kaya napapareact siya ng ganoon. Tinatakpan ko na lang ang bibig ko para wala akong gawing sound. Maya maya pa natapos na yung session at lahat ng nurse nagpaalam kay Enzo at sa akin. Sinabi sa akin ni Miss Bisbal na mas mahaba daw yung ngayon para sa gagawing activities bukas na pinlano ni Enzo.

"We'll get going Hope." Sabi ni Miss Bisbal tapos hinawakan niya yung balikat ko at parang pinisil ng mahina lang. "Goodnight, Hope."

"Goodnight, Miss Bisbal." Tapos lumabas na siya ng room.

Naiwan ako dito, nakatitig sa likod ni Enzo. Si Enzo naman nakahiga, nakaharap doon sa may salamin. Hindi gumagalaw. Alam kong galit siya sa akin. Naglakad ako, at umupo sa kama ko. May space na pagitan sa kama ko at kama niya, nahihiwalay ng table na may lamp.

Nakatitig lang ako sa likod niya. Hindi ko na namamalayan, umiiyak na pala ako. Lagi na lang ba akong iiyak kapag kasama ko si Enzo? Tama na. Ayoko ng magpretend! Hindi okay 'to! Hindi okay lahat 'to!

Bakit kailangan kong magmahal ng taong may sakit!? Bakit ako pa?! Bakit kung kailan mahal na ako ng taong matagal ko ng pinapangarap, bakit biglang ganito? Bakit palaging may catch? Bakit palaging kapag magiging masaya na ako laging babawiin ng sakit?

Noong makita ko yung paggamot kay Enzo, nagsink in sa akin lahat. Na hindi okay ang lahat. Na totoo ang lahat. May sakit si Enzo. May malalang sakit siya. Na kahit pilitin ko sa sarili ko na gagaling pa siya, may pagasa pa, may himala, may milagro, makakasurvive siya... parang unti unti kong nakikita na wala.

At oo, may mga magagalit na naman sa akin sa iniisip kong 'to. Simula pa lang may nanghusga na sakin. Na noong kasama ko si Mico bakit daw ang landi ko, bakit daw sinasabi ko na si Enzo ang mahal ko tapos noong iwan niya ako biglang si Mico na. Ang kapal daw ng mukha ko. Bakit daw daladalawa ang mahal ko. Ang landi ko daw. Pero pinalampas ko yun, kasi hindi naman nila naiintindihan yung sitwasyon ko. Nasa isip ko na lang, ang kakapal ng mga mukha ng mga tao mahilig manghusga. Akala mo kung sino silang perpekto. Akala mo kung sino silang lamang sa'yo para matahin at maliitin ka nila. Pero pinalipas ko na lang. Wala silang alam at sino ba sila para sayangin ko ang oras ko na magpaliwanag, eh kahit ano namang paliwanag ko papaniwalaan nila ang gusto nilang paniwalaan at huhusgahan pa din nila ako.

Tulad ngayon, sigurado akong may magagalit sa akin kapag nalaman nila kung anong iniisip ko. Sasabihin nila na bakit ako nagrereklamo, bakit ako nasasaktan, bakit ako natatakot eh ginusto ko naman 'to at nangako ako kay Enzo na kahit anong mangyari hindi ko siya iiwan. Isipin niyo namang tumayo sa pwesto ko. Hindi ba kayo matatakot? Hindi ba kayo magdadalawang isip? Natatakot na talaga ako. Masama bang maging tao? Masama bang makiramdam? Alam kong gasgas ng dahilan ang 'Tao lang ako' pero... tao lang ako. Natatakot ako. Nasasaktan. Naguguluhan. Nagmamahal.

100 Steps To His Heart [Published Book]Where stories live. Discover now