Chapter 59 - Her Most Epic Birthday

Начните с самого начала
                                    



"Huwag niyong patayin 'yung mga may tyansa pang magbago. 'Yung mga magpupumilit pa rin na manakit, patahimikin niyo." nagbow naman siya sa akin at umalis na kaagad upang ihatid ang mensahe ko sa mga tauhan namin. 



Nakasalubong ko naman ang mga heads at sabay sabay na naming tinungo ang gate papunta sa center. Hindi ko inaakala na tutulungan kami ng lahat ng estudyante para iligtas si Alex. Mukhang hindi rin naman pala masyadong masamang ideya ang pagpasok niya sa eskwelahan na ito. "Alex made a lot of friends." wika ko habang tumatakbo kami. 



"Yes, including some bitchy friends too." Collen added. 



When we finally arrived, we are kind of confused. Bakit wala ng mga tauhan dito sa loob? 



"Damn." umalingawngaw ang mura ni Courtney sa loob. Doon ko lang napagtanto na sumarado ng palihim ang mga gates. A trap. 



Ngayon, labing dalawa na lang kaming naririto. Ang heads, ako, si Janice, at si Dash. "Ano 'yung malaking bagay na iyon na tinatabingan ng pulang kurtina?" mahinang tanong sa akin ni Janice mula sa tabi ko. Napansin kong doon din nakatuon ang pansin ng lahat. 



Nawala naman ang focus namin doon nang makarinig kami ng mga yabag mula sa likod ng malaking bagay na iyon. Agad kaming pumwesto at naghanda dahil sa paglabas ng napakaraming kalaban. Napakatalino talaga ng hayop na ito. 



"Wow, Alexander, you are here! The first born of Alexandra and Kristoffer. Kung kamukha ng kapatid mo ang nanay niyo, ikaw naman hawig na hawig mo ang tatay niyo. Kayong magkapatid, magagaya lang kayong dalawa sa mga magulang niyo. Hahahahahaha." um-echo ang malakas niyang pagtawa dito sa center. Pinigilan ko ang sumugod kaagad kahit kumukulo na ang dugo ko sa kanya. 



"Where's my sister?" I asked. 



Hindi niya ako sinagot. Bagkus, naglabas siya ng isang hourglass. Kung kakalkulahin ay aabutin na lang ng tatlong minuto bago mapuno ang nasa ilalim na bulb. "This is our timer." masaya niyang sambit at lumakad siya upang ipatong ang hawak niya sa may tabi ng malaking bagay na tinitignan namin kanina. "Go." at iyon ang naging hudyat niya para palibutan kami ng mga tauhan niya. 



There are about fifty men surrounding us. Nagdikit-dikit naman kami. Tinaas namin ang mga weapons namin at nakisabay sa paghihintay sa tamang oras ng pagsugod. Ang mga hinga lang namin ang naririnig namin dito sa loob. Napasulyap akong muli sa hourglass. Imposibleng walang kahulugan ang orasan na 'yun. Kaya naman pinaputukan ko ang isa sa mga malalaking monitors dito bilang pagsisimula sa laban. 



Nagpaputok lang din ako ng nagpaputok habang kinocoveran ako nina Janice at Dash. Alam nilang masama na ang lagay ko. Tumutulo na sa sahig ang mga patak ng dugo ko. Kahit anong oras ngayon ay pwede akong mawalan ng malay. "Old man." pinanlilisikan kong tinignan si Morleen habang prenteng nakaupo lang siya sa isang swivel chair sa tapat ng isa pang gate. 

Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)Место, где живут истории. Откройте их для себя