Chapter⇨5❤

3.2K 124 6
                                    

Kaagad akong pumihit at humakbang palapit sa kanya. Nag-uumapaw ako sa tuwa.
Ngiting-ngiti siya habang pasalubong sa akin.


At kahit maraming tao, hindi namin napigilan ang magyakap nang kami ay magtagpo.


Si Richard. Miss na miss ko siya. At dama ko sa higpit ng yakap niya na miss niya rin ako.


Iyon ang muli naming pagkikita pagkatapos naming maghiwalay. Ilang buwan na rin ang
nakakaraan.


"Kumusta?" ang halos sabay pa naming bati sa isa't isa.


Pinagmasdan ko siya. Iba na ang kanyang itsura. Bihis na bihis at halatang mamahalin ang damit.
Higit siyang pumuti at kuminis. May bitbit siyang paperbag ng Smart.


"Anong ginagawa mo rito?" ang tanong ko.


"May binili lang," sabay muwestra sa bitbit niya.


"Wow, cellphone!" ang sabi ko.


"Binigyan ako ni Dan ng pambili ng bago. Luma na raw kasi ang cellphone ko."


Ang tinutukoy niyang Dan ay ang mayaman niyang boyfriend. Parang nakaramdam ako ng
inggit. Gayunpaman, natutuwa akong makita siyang maayos at masaya.


"Bakit dito ka pa namili?" ang tanong ko.


"Mura kasi. At saka dito pa rin ako sa Maynila nakatira. Diyan lang sa Sampaloc ang apartment ko."


"Bakit, hindi ka pa rin ba nakatira kay Dan?"


"Baka palipatin niya na ako sa bahay niya. Ngayong legal na kaming dalawa." Napakunot-noo ako.


"Ano'ng ibig mong sabihin?"


"Pauwi ka na ba?" ang tanong niya sa halip na sagutin ang tanong ko.


"Oo."


"Halika, uminom muna tayo. Libre kita."


"May pasok ako bukas."


"Kahit isa o dalawang bote lang. Para makapagkuwentuhan tayo."
Hindi na ako nakatanggi.


"Ikaw, bakit ka nandito?" ang tanong niya habang papalabas kami ng mall.


"Huwag mong sabihing balik Quiapo ka."


"Hindi. Kumain lang ako. May binili akong libro kanina sa Recto."


Naghanap kami ng mumurahing beerhouse, katulad ng mga pinupuntahan namin noon.


Nagbalik sa aking alaala ang mga panahong lagibkaming magkasama at nilulunod sa alak ang mga hinagpis namin sa buhay.


Umorder siya ng San Mig Light. At saka sisig.


"Big time ka na talaga," ang sabi ko.


"Hindi naman." ang sagot niya.


"Gusto ko lang i- celebrate ang muli nating pagkikita kaya
sinamahan ko na ng pulutan."
Nagsimula kaming uminom. At magkuwentuhan.


"May hindi ako sinabi sa'yo noon." ang panimula niya.


"Kabit lang ako ni Dan. May iba siyang boyfriend kaya ibinahay niya ako. Matagal din naming itinago ang aming relasyon. Nitong huli lang, nabuko kami ng boyfriend niya. Umamin si
Dan at nauwi iyon sa paghihiwalay nila. Hindi ko alam kung bakit ako ang pinili niya gayong matagal na sila. Siguro dahil na-bore na siya sa relasyon nila. Siguro dahil mas nabibigyan ko siya ng excitement na hinahanap niya." Napatingin ako sa kanya, dina-digest ang ipinagtapat niya.



When a Callboy fall's Inlove(boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon