Chapter⇨4❤

4.2K 109 3
                                    

Maingay, magulo, madumi ang Quiapo. Pero sanay na ako. Minsan ko na rin itong naging
tambayan.



Habang binabagtas ko ang kahabaan ng Avenida, nadaanan ko ang bulok na sinehan na kung saan una akong nabinyagan.



Naalala ko ang mga surot, ang maingay na industrial fan at ang sahig na malagkit at amoy clorox.



Naalala ko rin ang mga misteryong nagaganap sa
loob.



At si Richard.



Kasasalta ko lang noon. Tipid na tipid sa pera kaya doon ako napadpad. Mura na ang bayad,
doble pa ang palabas.



Pag-akyat ko sa balcony, nakita ko siya sa lobby. Nakasandal sa barandilya, nakatingin sa akin. Halos kasing-edad ko siya.



Gwapo, matangkad, maputi. Naka-sleeveless na itim, hapit na maong at rubber shoes.



Napatingin din ako sa kanya at napansin ko, kakaiba siya kung sumipat. Parang nang-aakit.



Inarko niya ang kanyang payat na katawan upang ipangalandakan ang namumukol niyang harapan.



Nilagpasan ko siya pagkaraang saglit na makipagtitigan. Dama ko na sinundan niya ako ng tingin.



Pagpasok ko sa loob, sinalubong ako ng dilim.



Sandaling nag-adjust ang aking mga mata bago ko nabanaagan ang mga kakaiba. Pulos lalaki
ang nasa loob. Marami ang nakatayo at palakad- lakad. May mga nagkukumpulan.



At sa liwanag na nagmumula sa telon, tuluyan kong napagmasdan ang mga nagaganap na aking ikinagulat.



Ang mga nakatayo ay nagdudukutan at naghahawakan.



Ang mga nagkukumpulan ay nakikinood at nakikisali sa group sex.



Ang mga nakaupo ay may mga kamay o ulong nagtataas-baba sa harapan.



Wala talagang nanonood. Ang buong sinehan ay bulwagan ng kamunduhan. Lahat ay naghahanap at tinutugunan ang tawag ng laman.



Nagulat ako nang bigla akong pagsalikupan ng dalawang lalaki. At bago pa ako nakaiwas,
pinigilan na nila ako at pinaghihipuan.



Kumawala ako at nagmamadaling lumabas.



Muli ko siyang nakita. Naroroon, nakatambay pa rin sa lobby. Hindi ko alam kung bakit dinala ako ng aking mga paa sa kanyang tabi. Napatingin siya sa akin at ako ay muli niyang sinipat.



"Bago ka?" ang kanyang sabi.



Hindi ko man lubusang nauunawan ang kanyang tanong, napatango ako.



"Richard, pare," ang pakilala niya sa sarili.



"Ikaw, ano'ng pangalan mo?"



"Anton," ang sagot ko.



Tinanggap ko ang kanyang pakikipagkamay.



Maya-maya, lumabas ang dalawang lalaki na nanghipo sa akin sa loob. Lumapit sila sa amin.



"Puwede ba kayo?" ang tanong ng isa.



Bago pa ako nakahuma, sumagot na si Richard.



"Sure."



"Magkano?" ang tanong naman ng isa.



When a Callboy fall's Inlove(boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon