Chapter⇨1❤

7.1K 165 3
                                    

Nagkakilala kami ni Gilbert sa kanto ng Orosa at Nakpil sa Malate. Madaling araw na noon at nakita ko siyang papalabas ng bar.




Dumiretso siya sa vendor ng sigarilyo na nakapuwesto
malapit sa kinatatayuan ko.




Kahit medyo intimidating siya dahil matangkad, gwapo at mukhang hindi pumapatol sa mga katulad ko, naglakas-loob akong i-approach siya.




Nangangamba kasi akong ma-zero nang gabing iyon dahil kapos na ako sa panggastos sa
papasok na linggo.




Maaaksaya ang Sabado ko
(na tanging araw na ginagawa ko iyon) kung hindi ako makakakuha ng booking.




Bumili siya ng sigarilyo at nang mapatingin siya sa akin habang nagsisindi, nginitian ko siya.




"Hi," ang sabi ko pa.




Akala ko babalewalain niya ako (katulad ng kadalasang ginagawa sa akin ng iba dahil obvious naman kung ano ako), subalit nanatili siyang nakatingin sa akin.




Inalok niya ako ng sigarilyo na kaagad ko namang tinanggap. Nag-offer din siya ng light.




"Thanks." ang sabi ko, nakangiti pa rin at pilit na pinagagana ang charm ko.




Nanatili siyang nakatayo sa tabi ko, nakamasid sa galaw ng mga tao sa labas ng bar sa tapat.




Nakiramdam ako at nag alinlangan na muli siyang kausapin dahil expressionless ang kanyang mukha at parang hindi interesado.




Akala ko basta na lamang niya akong iiwan subalit hinarap niya ako.




"Ano'ng pangalan mo?" ang tanong niya.




Nag-light up ako.




"Mark." ang kaagad kong sagot.




Siyempre, alias ko lang iyon. Anton ang totoong pangalan ko.




"Ikaw?" tanong ko naman.




"Gilbert." ang kanyang sagot. Humithit siya sa kanyang sigarilyo.




"Mag-isa ka lang?" ang follow-up ko upang huwag maputol ang aming pag-uusap.




"Oo." ang maiksi niyang sagot.




"Baka gusto mo ng kasama? Pwede ako." Hindi ko napigil ang kaagad na pagbebenta ng sarili ko.




Pakiramdam ko kasi, nauubusan na ako ng oras.




And besides, iyon naman talaga ang purpose ko kaya naka-display ako sa Malate.




Hinagod niya ako ng tingin. Hindi ko alam kung bakit parang na-conscious ako.




"Magkano?" ang tanong niya.




It was a relief na hindi ko na kinailangang mag- sales talk pa.




Gulat din ako dahil pagbabakasakali lang ang alok ko sa kanya and I was half-
expecting na tatanggi siya.




Sabi ko nga, hindi siya iyong tipong magbabayad sa sex. Sa itsura niya, maraming magkakaloob niyon nang libre.




Nagpresyo ako.




Pinitik niya ang kanyang sigarilyo.




"Ok! Sumama ka sa akin."




Higit akong nagulat dahil kumagat siya. At hindi tumawad.



Feeling ko ang suwerte ko dahil bukod sa hindi na ako nahirapang mangumbinsi, ang
guwapo pa ng bumili sa akin.




Aaminin ko, attracted ako sa kanya at kahit trabaho lang
iyon, nakaramdam ako ng excitement sa napipintong pagse-sex namin.




Nagpauna na si Gilbert sa paglalakad at sumunod ako.




Akala ko, sasakay kami ng taksi subalit may kotse pala siya na naka-park sa di-kalayuan. Na-
impress ako.




"Ilang taon ka na?" ang tanong niya sa akin nang bumibiyahe na kami.




"Twenty!" sagot ko.




"Masyado ka pang bata."




Gusto ko rin sanang itanong kung ilang taon na siya subalit naisip ko, kailangan pa ba?




Tinantiya ko na lang ang edad niya na sa tingin ko ay nasa
bente-otso o bente-nuwebe lang.




"Matagal mo na ba itong ginagawa?" ang muli ay tanong niya.




"Bago pa lang." At the risk na magmukha akong sinungaling, sinabi ko ang totoo.




Hindi naman kasi talaga ako full-time callboy. Ginagawa ko lang iyon kapag may pangangailangan.




Although of late, ang dalas kong mangailangan kaya ang dalas ko ring magpa-pick-up.




"Gwapo ka! Siguro maraming nagkakagusto sa'yo?!" ang muli ay sabi niya.




"Hindi naman." ang sagot ko.




Ewan ko kung bakit parang na-flatter ako sa sinabi niyang gwapo ako. Ibig bang sabihin, attracted din siya sa akin?
Malamang, dahil kung hindi, hindi niya ako kukunin.




Pero bakit parang wini-wish ko na may mas malalim pang kahulugan iyon? Na naguguwapuhan siya sa akin hindi bilang isang parausan lamang kundi bilang isang tao na may damdamin at pagkatao.




Hindi na siya muling nagsalita at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho. Sumulyap ako sa kanya at sa tama ng headlights ng mga sasakyang kasalubong namin, muli kong napagmasdan ang kanyang mukha.




Napaka-prominent ng features
niya. Subalit ang higit na tumawag sa akin ng pansin ay ang kanyang mga mata.




Hindi dahil napakaganda ng mga iyon kundi dahil may nabanaagan akong lungkot na nagkukubli roon. I wondered kung ano ang sanhi niyon.




Naglayo ako ng tingin at marahang bumuntonghininga. Nalanghap ko ang amoy ng
kotse niya. Napakabango at amoy bago.




Nalanghap ko rin ang amoy niya. Lalaking-lalaki at hindi man ako maalam sa mga pabango, alam
kong mamahalin ang gamit niya.




Kadalasan, sa sasakyan pa lang, hinihipuan na ako ng mga customer ko. Sinusukat na ang
pagkalalaki ko. I was secretly hoping na gagawin iyon ni Gilbert sa akin pero nanatili sa manibela ang kanyang mga kamay.




Pinagmasdan ko ang kanyang grip, kung paano bumalot sa manibela ang mahahaba at
mapipintog niyang mga daliri.




Inimagine ko na sa akin nakabalot iyon at kung ano ang pakiramdam niyon. Nagsimula akong magkaroon ng hard-on.
Muli akong napabuntonghinga.




"Ayos ka lang?" ang tanong niya.




"Yup. Excited lang!" ang pag-amin ko.




Tumingin siya sa akin as I shifted uncomfortably At sa unang pagkakataon, nakita ko siyang
ngumiti.

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Hayys! nairaos din ang chapter nato! Stay tuned sa next chap.

Hit like, vote and comment guys PaFollow na din po:))))


cjay~

When a Callboy fall's Inlove(boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon