Chapter⇨2❤

4.6K 130 1
                                    

Akala ko dadalhin niya ako sa isang mumurahing motel sa Cuneta (nasanay na kasi ako na doon dinadala ng mga pumi-pick-up sa akin) subalit tumuloy kami sa isang mamahaling hotel sa Roxas Boulevard.




Iyon ang una kong pagkakataon
na makatapak sa ganoon karangyang lugar at hindi ko naiwasang mamangha habang
nagmamasid.




Pinaupo muna ako ni Gilbert sa lobby bago siya tumungo sa front desk. Magiliw siyang hinarap
ng front desk personnel.




Muli kong iginala ang aking paningin at in-appreciate ang paligid.




Nang bumalik si Gilbert, akala ko didiretso na kami sa kuwarto subalit niyaya niya ako sa music
lounge ng hotel.




"Uminom muna tayo." ang sabi.




Pagbungad namin, napansin ko na mangilan- ngilan na lamang ang tao sa loob. Siguro dahil
pasado alas-dos na.




Patuloy sa pag-awit ang singer kahit tila walang pumapansin sa kanya.




"Are you hungry?" ang tanong ni Gilbert pagkaupo namin.



Lumapit ang waiter.




Kahit gutom ako, tumanggi ako sa alok niyang umorder. Ayoko kasing magmukhang nagte-take
advantage.




"Beer na lang." ang sabi ko.




Subalit umorder pa rin siya ng makakain. Siguro halata sa mukha ko na gutom ako.




Humingi rin siya ng isa pang beer.




Tahimik kami. Ibinaling ko ang aking atensiyon sa singer at nakinig sa kanyang inaawit.




TheNearness of You. Ewan ko kung bakit parang humaplos iyon sa akin. Ewan ko kung bakit
parang may ginising iyon na pangungulila sa aking puso.




Siguro dahil sa malamyos na tinig ng mang-aawit o dahil sa madamdaming accompaniment.




Dumako ang tingin ko kay Gilbert. Nakikinig din siya subalit nakatingin sa akin.




Nang magtama ang aming mga mata, may ngiting gumuhit sa
kanyang mga labi. Para akong na-conscious pero ngumiti rin ako.




"You like the song?" ang tanong niya. Tumango ako.




"Ako rin." ang sabi niya.




"It reminds me of somebody."




Bago pa ako nakapagtanong kung sino ang naaalala niya sa kanta, dumating na ang kanyang
inorder. Na-distract na ako sa pagsisilbi ng waiter.




Kaagad siyang tumungga ng beer.




Ako naman, sinapinan ko muna ng fish and chips ang aking sikmura bago ako uminom.




Mahirap nang mag-acidic kasi gutom nga ako. Ayokong mabigo si Gilbert sa performance ko.




Ewan ko pero parang gusto ko siyang i please, tumbasan ang bawat sentimong ibabayad niya sa akin.




Sa unang pagkakataon mula nang pumasok ako sa ganitong trabaho, inisip ko ang total customer satisfaction.




Muli akong napatingin kay Gilbert at nakita kong
pinanonood niya ako habang kumakain. Muli siyang ngumiti.




When a Callboy fall's Inlove(boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon