Nag usap muna kami ng tinext siya ni Sheen at Kent, may triple date yata sila. Gusto kong sumama eh!! Bwisit to the infinity talaga minsan si Tripp eh!

"Alis na ko," sabi niya tapos kinuha niya yung bag niya. In all fairness, mejo nagiging babae na si besh simula nung nag college kami. Weird nga eh. Isang linggo pa lang naman.

"Gusto kong sumama..."

"Next time. May pupuntahan ka, di ba?"

"Pwede namang sabihin ko na may bigla akong kailangang puntahan?"

Bad Alys! Kailan pa ako natutong magsinungaling??

Nag shrug si Aya, "ikaw bahala. Ano, sama ka ba?"

Haaaaaaay. I hate you, heart. Bakit ang bait mo?? Sana naging wicked heart ka na lang kagaya ni Pugits!!

Umalis na din si Aya after niyang ubusin yung breakfast ko. =______= Minsan talaga PG si Aya. At teka nga, nasan na ba si Tripp?? Kanina pa siya nagtext na papunta na daw siya ah!!

"Hey, princess."

"DAD!!" Literal na tumayo ako at tumakbo papunta kay Dad. Huhuhu. Last month ko pa yata siya huling nakita! "Why are you here? Nag away na naman kayo ni Tita Liana?" I asked him. Minsan kasi kaya lang yan uuwi sa Philippines pag nag away sila ni Tita Liana, which is madalas mangyari.

Nginitian niya lang ako tapos umupo siya sa inupuan ni Aya kanina, "no, hindi kami nag away ng Tita mo. I just went home to ask you about your first week in school. So, how was school?"

"School was... fine."

"Fine? Nothing superb?"

Nag shrug ako. Eto gusto ko kay Dad eh, nakakausap ko ng matino. Si daddy kasi, puro kalokohan lang ang tinuturo sa akin. Magseseryoso lang yun pag umiyak na ako. Palibasa mas mahal niya si Dane sa akin!!

"I don't know, dad. It's just that... wala dun yung friends ko. School feels kinda lonely without my friends around," I admitted. Totoo naman. Sobrang miss na miss ko na si Sheen, Aya, Kent, at Drake. Minsan nga sa pagka desperada ko, pati si Kei namimiss ko na. Huhuhu. I'm so pathetic!

Ngumiti lang ulit si Dad. Palagi na lang 'tong nakangiti. Nakaka good vibes tuloy. Bakit nga kaya hindi si Dad ang pinakasalan ni mommy? Ang alam ko nagpropose din si dad eh. Oh, well. 

"Things would go just fine, Alys. Anyway, another reason why I'm here is to ask you about your debut. Anything you want?"

O________O

OMG. Malapit na nga pala akong mag 18. Malapit na nga pala akong mawala sa proteksyon ng DSWD!

"Alys?" tawag ni dad sa akin kasi mejo na lost in thought yata ako.

"H-ha?"

"I said, anything you want for your birthday? Nagtatanong kasi yung Tita Liana mo," he said with a smile on his face. Mahal na mahal talaga ni dad si Tita Lian kahit na wala silang anak. Sana nga meron eh. Malay mo may baby girl naman ako, nakakasawa kasi minsan kausap si baby boy Dane. Hehehe.

"Uhh, hindi ko pa po alam, eh."

"Well, tell me kung ano ang gusto mo. Your mom would prolly throw a party so I would just give you anything na hindi mo makukuha sa birthday mo, alright?"

I smiled as a response.

Biglang may lumapit na maid sa amin, "Miss Alys, si Tripp daw po..."

Ay shems. Si Tripp nga pala! Nakalimutan ko. Masyado akong na overwhelm sa idea na malapit na akong pwedeng makulong!

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Where stories live. Discover now