Chapter 5 The Second Time Around

Start from the beginning
                                    

Hindi niya talaga naalala ang lahat ng ginawa niya.

“How much do I owe you?”

“3 grand.”

Inilapag niya ang salamin at umarte na parang may masakit sa kanya.

“Agh! I feel sick!” Tumayo siya at kinuha ang kanyang coat. “I will leave and you’re in charge of everything. I’m really sick today.” Sinuot niya ang kanyang shades. “

Ano yun? Ako gagawa lahat ng trabaho niya? Slacker!

“Just ask Beck for whatever you need to do.”

“Beck?”

“Rebecca Beckford!”

Yung receprtionist ang tinatawag niyang Beck, samantalang mas kilala siya bilang si Mrs. Beckford.

Sabay kaming lumabas ng opisina.

“Everyone!” tumingin sa amin ang lahat. “I am sick. I need to go home. Tomas will take care of everything today. Beck!”

“Yes, Engineer Fumble!” sagot ni Mrs. Beckford.

“Just tell Tomas everything I need to do today. He’ll work on it.”

“Ok!”

“I need to go! See you tomorrow!” umalis siya kaagad.

“Since you are in charge, you need to finish this!” ibinigay sa akin ni Mrs. Beckford ang sankaterbang blue print.

Tingnan mo yung kupal na Engineer na yun! Sinabi ko lang na 3 thousand dollars ang utang niya sa akin, may sumakit na agad sa kanya. Ang pinakaatribida pa sa lahat, ipinasa niya sa akin lahat ng trabaho niya ngayon. Sira-ulo talaga yun eh!

Kung alam ko lang na hindi niya maaalala lahat ng ginawa niya nung Sabado, eh di sana ako na lang ang nagbigay sa kanya ng black eye.  

Hindi ko namalayan ang oras, wala namang nagsabi man lang sa akin sa opisina ni Engineer Fumble na oras na para umuwi dahil paglabas ko ng kwarto, wala na lahat ng empleyado.

“Hey, aren’t you suppose to be in school today?” tanong ni Ash habang kumukuha ng candy sa may reception desk.

“That’s shit man!” komento naman ni Tyson na dumaan sa harap ko at nagpaalam ng umalis. “Brotha’s gettin’ laid tonight!” sabay alis.

“My classes starts at 7.” Sabi ko kay Ash.

“It’s 6:30.”

Tumingin ako sa orasan at hindi ko inakala na 6:30 na sakto namang gumalaw ang isang kamay ng orasan kaya the moment na timingin ako, 6:31 na! Bigla akong tumakbo sa table ko para kunin lahat ng gamit ko at nagmadaling tumakbo palabas ng office.

“See you tomorrow Ash and Mrs. Beckford, I’ve finished everthing. It’s inside Engineer’s office!” Sigaw ko sa kanilang dawala habang papasok ng pasara na elevator.

Sa sobrang bilis ko na kagaya ni flash, hindi naman ako nalate sa unang klase. Hindi naman big deal yun kung ma-late man ako o hindi. Wala namang pakialaman dito eh ang importante makapasok sa klase at makapasa sa mga exams. Pero big deal para sa akin ang on time ako. Hindi na ako estudyante, professional na ako and I have to keep that up.

Pagpasok ko sa klase at habang naghahanap ng mauupuan, nakita ko ang mga classmates ko, yung iba nangungulangot lang, nagtitinga, ngumunguya ng bubble gum, yung mga babae, nagmimimake-up, yung isa naman sa classroom pa talaga nagkukulot. Walang kuryente sa inyo teh?

Parang wala namang pinagkaiba sa university na pinapasukan ko sa Pinas kaya pakiramdam ko nandito lang din ako sa Pinas puro nga lang blondes, brunettes and red heads ang mga tao, sama mo na ang mga brothers from the hood na mga black people.

Hindi naman ako masyadong maaga, pero matagal akong naghintay sa prof na pumasok sa classroom.

“Hey, that mae seat.” Sabi ng isang babaeng pamilyar sa akin ang boses at ang accent.

Anak ng pusakal, siya na naman!

“This is your’s too?” tanong ko sa kanya.

Simula ng makita ko siya, wala siyang ibang ginawa kundi palayasin ako sa upuan dahil upuan niya palagi ang inuupuan ko.

“That’s really her seat. The prof assigned her that spot.” Sabi ng isang blonde na babae sa tapat ko.

Wala akong magawa dahil sa kampihan na nangyari kaya mabilis kong ibinigay ang upuan at naghanap ng iba.

Pero bago ako tumayo, binigyan ko muna siya ng malditang irap, binigyan niya ako ng ngiti na imbes kainisan mo, sige na lang. Sa lahat naman ng magiging classmate ko, itong babae pang toh!

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Where stories live. Discover now