Chapter 4 The Spot

Magsimula sa umpisa
                                    

INSERT CONSCIENCE: “Nakahanap na yun ng iba! Baka nga mas pogi pa sayo eh!”

Bwiset talaga tong konsensya ko eh, hindi man lang ako kampihan! Kung mapepektusan ko lang siya eh!

Lumingon ako sa paligid at ng marealize kong walang tao, sekreto kong kinunyatan ang ulo ko.

Kinuha ko ang libro na binili ko at nagsimulang magbasa.

How to Mend a Broken Heart by Lara Khathoksky.

Ito ang sinimulan kong basahin ng makita ko siya sa isang bookstore. Habang binabasa ko ang page 5 ng libro, biglang may lumapit sa aking babae.

“Excuse mae.” Sabi niya. “Can ye move tha.” Itinuro niya sa akin ang katabing table.

Mukha siyang asian, hindi ko lang masigurado kung kapwa pinoy pero yung accent niya iba, Scottish.

Gusto niya akong lumipat sa kinauupuan ko.

“But I’m sitting here.” Sagot ko.

“Yah, I nae, but tha mae spot.”

“But I got this table first.”

“Yah, I nae, thae’s why yir sittin there nae but I sit thae sae yae hiv tae move.”

“But why?”

“Because thae mae spot.”

“Did you pay for this table?”

“Nae, but this is mae spot.”

“But I got this first.”

“Alreyt, I’ll just wait fir ye tae finish.”

At nandun lang siya sa tapat ko, nakatayo at hinihintay akong matapos. Meron naman bakanteng table bakit dito pa. Epal din tong bruhang toh eh.

Bahala ka diyan tumayo ka diyan hanggang kaya mo.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa at kunyari hindi ko siya nakikita. Invisible ang babaeng mukhang asyano na may Scottish accent. Dala-dala niya ang kape niya at nakatayo pa rin sa harap ng table ko.

Sira ulo tong babaeng toh.

Siguro mga ilang minuto din siyang tumayo. Tapos bigla siyang umupo sa tabi ko. Ito talaga ang favorite niyang upuan. Di ba siya pwede sa ibang table?

“It’s prebebly feyn if I sit hir beside ye?”

“Alright, I’ll be leaving anyway.”

Tumayo ako at kinuha ang gamit ko.

“Thanks mate!”

Umalis na lang ako sa coffee shop dahil sa paepal na babaeng yun.

Dahil wala na rin naman akong ibang mapuntahan at ayoko din naman umuwi agad, pumunta na lang ako sa bahay nila Ash at Connor.

Hindi naman yata ako isturbo sa bonding ng mag-syota. Third wheel ang drama ko this time.

Condo type ang bahay nila Ash at Connor, hindi yung mumurahin na apartment tulad ng sa akin. Pagdating ko, naghahanda ng pagkain si Ash habang nanonood ng paborito niyang pelikula na Spiderman si Connor.

“I don’t have any place to spare.” Sabi ko sa kanila habang paupo ako sa couch.

“Why don’t you get yourself a girlfriend!” sabi ni Connor.

“I have a friend who’s single. I can pimp you out!” sigaw ni Ash mula sa kitchen.

“What Spiderman is that?” tanong ko kay Connor para maiba ang usapan.

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon