77: Plan

838 25 0
                                    

Cass' POV.

Patuloy pa rin sila nagiimbestiga at naghahanap ng mga clues habang ako nagsisimula ng magplano kung paano namin makukuha si Lyn.

"So... ibig sabihin, budega then may putik" sabi ni Ella at lahat kami nagtinginan. Kinuha ni Drake yung box at inamoy ito

"Amoy patay na daga" biglang sabi nya.

Talas talaga ng pangamoy neto. Pwede ng magging aso hahaha.

"Wala naman akong alam na budega dito e--" naputol yung sasabihin ni Joaquin nung biglang nagsalita si ate Joana

"No.. wala nga, pero maybe sa may lumang bahay" sabi ni ate.

Eh?!

"Dami daming lumang bahay dito eh" sabi ko at lahat naman sila tumango except kay Ate Joana na nagiisip kung saan ba yung tamang lumang bahay na yun, bwiset kasi eh!

"Ahh alam ko na! May putik! Alam nyo yung bahay na nagiisa dun sa dulo?" Nagsitanguan naman kami, ibigsabihin---   "DUN SA BAHAY PAGKATAPOS NUN"

"Huh?" Lahat kami clueless ang expression, ang alam namin kasi wala ng bahay pagkatapos nun meron pa palang kasunod nun?

"Hays! Halata hindi pa kayo nakalagpas sa bahay na yun. May bahay pa kasi pagkatapos nun, at sobrang putik dun promise!" Nagtaas pa sya ng right hand nung sinabi yung promise

"Eh? Paano naman natin malalaman kung yun nga yun, eh hindi naman tayo pwedeng pumasok nalang dun ng basta basta" sabi ni Joaquin, na may pagaalala na tono.

Hays ang lover boy halatang nagalala na isama mo pa yung takot na baka pagdating namin dun huli na ang lahat. Sino ba naman ang hindi takot?  Pati nga rin kami eh.  Hays.

"Ahh! Ngayong gabi punta kayo Cass at Drake, no offense Jhim"

"So...  Why us ate Joana?"

"Because the both of you are the perfect sizes para hindi mahuli. At marunong kayong dumiskarte" sabi nya sabay wink saamin. Nagpilit na ngiti kaming dalawa at nagkatinginan.

Ano ba tong papasukin namin? Huhuhu.  Eto naman yung kamatayan ko?

"Titingnan nyo lang naman  kung andon ba si lyn kaya hindi kayo mamatay.  Wag OA cass" sabi ko naman at kinuha na yung mga gagamitin

"I am not! Pero malay mo naman kasi"
"Hay nako basta doble ingat lang kayo.  Cass dalhin mo tong cap na toh, andyan sa loob nyan yung camera para nakasunod parin kami sa inyo. Then ikaw naman Drake dalhin mo yung relo mo na may laser na nakakamatay hahaha"

"Weh?!" Sabi ni Drake,  I just smirked.

"At etong earplugs na toh para marinig nyo lahat ng instructions namin habang nagmamasid kayo.  Tadaan nyo wag nyo munang tulungan makalabas si Lyn! Baka mawrong move kayo"

"Okay! So anong gagamiting sasakyan? Kasi kung saakin papagasolina pa natin then--"

"Bike! Duh!" Sabi ni Marion

Tumayo na ako tsaka pumunta sa garahe. Aangal pa eh.

Anong gusto nya? Sasakyan? Tapos ang ingay ingay. Edi mahuhuli kami, tanga rin eh.

******

Joaquin's POV.

Friday

Confirmed na nandoon nga si Lyn, pero bwiset! May nakakita kila Cass  at Drake kaya dumami yung bantay.  Bwiset kasi yung relo na may laser ni Drake eh, gumana ba naman at tumama habang umaakyat na sila sa bakod at aalis na sana kaso pumalpak tsk.

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon