71: Brain Tumor

946 28 2
                                    

Nasa hospital kami ngayon kasi napagaalaman namin na may masamang nangyari kay papa na ayaw pa daw ipaalam saamin.

Langya naman oh! Gusto ba nito patayin kami sa pagaalala.

"Oh? Anong ginagawa nyo dito? Diba asa bakasyon pa kayo? Bak--"

"Natural binibisita ka, alanganaman habang nagpapakasaya kami dun eh may pinagdaranan ka dito. Pasalamat ka nga binisita ka pa namin eh" sabi ko nalang ng pataray. Oo tinatarayan ko sya kahit ganyan ang kalagayan nya.

Who cares? Kung tutuusin nga dapat hindi ako pumunta rito eh dahil nung mga panahon na may sakit ba ako, nandun ba sya? Diba wala? Ayun nagpapakasya sila sa london. Eh sa naawa ang maawain kong puso sa taong ito.  Yan! Kaya ako nandito

Atsaka andito yung isa nya pang asawa. Yup may isa pa syang pamilya kaso wala silang anak nung asawa nya. Galing noh? Love triangle ang peg nila dito at sa hospital pa!

"Olive is that how you teach you daughter the proper manners?"

Aba't.  Proper manners.  Proper manners.  Hindi uso yun pag kayo ang kaharap ko!

"Hoy mawalang galang na po! Tinuruan ako ng mama ko ng maayos, na MAGPAKATOTOO hindi yung PLASTIC"

Diniin ko pa ng konti yung PLASTIC kasi sya yun hahaha sana nga mahalata nya eh. Like duh halata kaya na plastic lang sya!

Syempre sino ba naman ang matutuwa kung makita ng asawa mo ang kabit nya at isa nya pang anak. How fun, right? Haha oo kami ang kabit, so what? Kaya galit ako dito sa hindayupak na lalaking toh eh! Galit ako sakanya nung nalaman ko na ginamit lang nya si mama para magkaroon sya ng anak eh kasi naman yung napili nyang babae eh hindi sya mabigyan bigyan ng anak

Kaya ayun kinuha nila si gel saamin at sila na ang happy family haha habang kami dito.. psh!

"Ahh bebs tara na muna kain muna tayo" sabi ni Joaquin at hinala nalang ako palabas.

Later.

"Okay ka na ba?" Tanong ni Joaquin sabay abot saakin nung corndog na binili nya dito sa canteen sa hospital na toh

"Slight lang" sabi ko. Totoo naman eh hanggang ngayon kumukulo parin yung dugo ko dun sa babaeng yun, kabwiset! Pagsabihan ba naman ako at mas lalo pang kinwestion pa yung pagpapalaki ng mama ko saakin. Bakit perfect ba syang ina?! Ni wala nga syang anak eh.

"Alam mo matutunaw na yang pagkain kakatitig mo dyan ng masama" sabi ni Joaquin at ngumiti, kumain nalang ako sayang naman yung pagkain kung hindi kakainin noh "Ang babe ko talaga oh, grabe parang dragon ka na ha" sabay tabi saakin

"Babe? Kailan pa nagging babe ang bebs?"sabi ko sakanya at tinigil muna ang pagkain ko

"Kailan?...Ngayon" sabi nya at pinunasan yung pagkain nakumalat sa tabi ng bibig ko. Napatango nalang ako, hayaan nalang sya basta bebs parin ang tawag ko sakanya haha "Bakit nga pala ang init init ng dugo mo dun sa step mother mo?"

"Unang una hindi ko sya tinuturing na step mother, pangalawa dahil narinig mo naman diba kanina parang kinekwestion nya yung paglalalaki saakin ni mama, perfect mother ba sya? Ni hindi nga sya nanganak eh"sabi ko habang nakasimangot.

"Oh oh, wag ng ganyan, bahala ka talaga permanenteng magdidikit yan pag ganyan ka ng ganyan" sabi nya at tinggal yung pagkakunot ko ng noo tapos hinawakan yung face ko at yung nakasimangot kong labi kanina ay ginawa nyang nakangiti. "Yan! Bagay na bagay talaga sayo yung ganyan, wag ka na ulit sisimangot ha! O hindi kaya malulungkot! Paano nalang kung wala ako edi walang gagawa sayo nyan hahaha"

Napangiti nalang ako sa ginawa nya yung totoong ngiti, paano nga kaya kung walang Joaquin Delos Reyes na nandito sa tabi ko? Anong magiging buhay ko? Para na ba akong gangster na walang masandalan kapag masama ang pakiramdam ko na nangangailangan ako ng isang kaibigan na andyan palagi saakin.

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon