41: Bait naman

942 30 0
                                    

Okay tapos na ang summer at tapos na rin yung vacation namin kaya uuwi na kami sa Manila ngayon

"Bye Lyn! Balik ka kaagad ah! Mamimiss kita-- I mean kayong lahat pala" sabi ni Dave saakin,  natawa nalang ako kasi huling huli ko si Dave kung paano sya biglang kinabahan sa mga tingin palang ni Joaquin sakanya

Bati na sila ni Joaquin. Hindi naman yung bati na bati talaga, yung pawang bating bata haha basta yun na yun

"Bye Dave! Mamimiss kita,  kayo ni tita" sabi ko at dahil last na toh,  niyakap ko na sya.  Wala naman sigurong malisya na diba?

"Asdfghjkl" may sinabi pa sya kaso lang sobrang hina kaya hindi ko na narinig.

"Ano?"

"Wala.  Hoy Joaquin!" Maangas na tawag ni Dave kay Joaquin, lumapit na saamin si Joaquin at pinat naman sya ni Dave.  "Take care of her.  You know what I mean"

"Tsss.  Kahit hindi mo sabihin,  gagawin ko yun.  Diba bebs?" Sabi ni Joaquin at marahas ba naman akong inakbayan

Wow,  pre.  I can feel the love.  Tss

"Tsss.  Bahala nga kayo dyan" sabi ko. Wala man akong alam sa pinaguusapan nila, dinadamay pa nila ako.  Psh. 

Pumunta na ako kila mama na kausap ngayon sila Tita Haina

"Lyn pamangkin! Ingat ka dun ha! Kayong lahat! Wag ng matigas ang ulo" bilin saakin ni Tita sabay pukpok ng slight sa ulo ko pero niyakap naman ako nun pagkatapos "Mmmp! Dati rati binubuhat pa kita ngayon kasing tangkad na kita.  Aww!  Bilis talaga ng panahon. Dati rin isa ka lang bulingit na pasaway ngayon isa kang dakilang pasaway"

"Tita...!"

"Oh?  Bakit tama naman ah" sabi ni Tita at napapout nalang ako.  Hindi naman ako ganun kapasaway ah!

"At hoy!  Kayong dalawa iiwan nyo nanaman ako"binalin na ni Tita Haina sila Mama at Tita Judi hahaha yan na magdradrama nanaman silang tatlo. Si Tita Haina lang kasi ang matitira dito sakanila. Eh ayaw kasing sumama eh yan tuloy.

"Ate Lyn! Pabuhat!" Biglang sabi ni Mary saakin. Binuhat ko naman nagmamakaawa eh.

"Bakit ba?" Tanong ko sakanya nung binubuhat ko na sya

"May aso kasi eh" sabi nya at tinuro yung asong ligaw na papunta saamin.

Pfft hahaha hanggang ngayon ba naman? hay. Mapagtripan ko nga tong pinsan ko haha

"WAHH!! ATE LYN!! WAG!!!!" sabi nya habang nakahawak saakin ng mahigpit. Nak ng tukneneng nasasakal ako!!!

"Oo na hindi na baka mamatay pa ako" sabi ko at minasahe yung leeg ko, sakit talaga langya yung batang toh eh. Grabe lang!

"Huhuhuhu! Ate Lyn naman eh" sabi nya at mas yumakap pa saakin.

Tiningnan ko si Joaquin na nangiti ngit ngayon sinamaan ko nalang ng tingin! Parang ewan eh.

"Aki na nga si Mary, baka kung ano pang kalokohan ang maisip mo idamay mo pa tong bata.  Diba Mary?" sabi nya. Aba nagmamagaling si mister.  As if naman mapapatahan nya si Mary ganun ka dali.

"Sshhh Mary sorry na" umiiwas ba naman ng tingin saakin.  Hala.  Galit agad?

"Shh Mary okay lang yan. Mamaya bubugbugin natin yang si Ate Lyn mo" sabi nya at tumingin saakin.

Hala! Bubugbugin daw haluu parang kaya naman nya pero dahil dun napatahan si mary. Aba! Yun lang pala ang gustong marinig hindi pa ako sinabihan

Kinuha ko nalang yung bag ni? Mary sa baba, naiwan nya kasi. Diba nga may aso?! Kaya ayun. Tapos nun umakyat na kami sa bangka at nagpaalam na sa mga tao roon

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon