68: There they go again

795 21 4
                                    

After 5 months

"HOY! Usog!  Dyan sabi ako eh!!" Sigaw ko dito habang pinagpapalo sya.

Langya! Ayaw pang umalis, tss. Mas sanay ako dun eh, atsaka ako yung babae tapos ayaw nya ako pagbigyan

At take note ha!

Boyfriend ko pa toh! B-O-Y-F-R-I-E-N-D pero ayaw nya akong pagbigyan!

"Alam mo lyn ang chossy mo pa! Dyan ka nalang! Ako dito, ganun rin yun!" Sabi nya saakin. Hinampas hampas ko nalang sya, tingnan nalang natin kung hindi sya aalis jan!

"Bro dali na, hindi makaalis yung van ng dahil sainyo" sabi ni Drake.

Aish! Joaquin makinig ka nga dito sa kaibigan mo.  Nagmamatigas pa eh.

Tsss eh paano ba naman kasi ayaw umusog! Tapos ako pa ang sasabihan nyang choosy?! Atsaka gusto ko nga sa may bintana eh! Ayoko sa may gitna, nagmumukha akong bata. Saya kaya sa may tabi ng bintana, ikaw magdedecide kung pababain mo sila oh hindi hahahaha!

"Tss. Eto na nga"

"Yey!!" Sabi ko sabay sakay ng van at tutal ako naman yung andito sa may tabi ng pintuan ako na rin ang magsasara

Papunta kami sa isang resort nila Drake sa batangas, nakakaexcite. Magswiswimming nanaman kasi kami.

"Psst huy! Mahaba haba pa yung byahe baka gusto mong matulog muna" sabi nya at tinap yung lap nya nalagyan pa ng bag para magging unan ko

"Mamaya nalang" sabi ko at ineenjoy yung magandang view hihi.

*****

Joaquin's POV.

Oo mamaya nalang, eh ilang minuto lang ang nakalipas, humihilik na toh ng paglakas lakas.

Jusmiyo pikadores!

Pati ba naman sa pagtulog nakalunok sya ng megaphone.

Tapos gusto nya pa sa may tabi ng bintana, nako ang swerte ng makakakita sayo sa labas.  Sayad na sayad yung mukha mong natutulog sa bintana.  Hay nako.

Ako naman tong si mabait at ilalagay na yung ulo nya sa lap ko.

"Pfft ganyan ba yang matulog si twin? Haha." Tawa nung isa ko nanamang katabi na si Gel.

Yeah sya yung dahilan kung bakit ayaw kong umusog kanina. Kasi naman nagkakailangan pa kami eh o baka naman ako lang nagiisip nun? Kasi sa pananalita nya and how she treats me parang okay lang sya... Aish

"Yeah madalas nga may kasunod pang pagtulo ng laway yan eh" sabi ko sabay haplos ng buhok nya naalala ko tuloy yung papunta kami sa family reunion

Pfft hahaha ang sama ko nun eh inumpog ko pa naman yung ulo nya sa salamin. Ayun umiyak hahaha

"Hahaha hala! Joaquin baka marinig ka nyan ni twin, lagot ka"

"Hahaha hayaan mo sya.  Lagi naman nyan galit eh"

Lagi syang galit pero mas gusto ko sya pag ganun.  Kasi pag hindi sya ganun ibigsabihin may problema at ayoko nun

Patuloy kong hinaplos haplos ko yung buhok nya. Akala ko dati ang kapal kapal at rough pa yung buhok nya pero hindi pala,hindi lang talaga sya mahilig magsuklay.

"Hay nako kung marinig lang ni twin talaga yang pinagsasabi mo.  Ewan ko nalang hahaha.  Geh, tulog na rin ako. Goodmorning? Haha" sabi bigla ni Gelgel.

"Haha geh geh, sleep tight" sabi ko naman at sumandal nalang sya kay Dave na katabi nya

Actually nagkakadevelopan na nga sila eh.. Kakaiba rin noh? Love life dati ng isa napunta dun sa isa. Hahaha kambal nga naman oh

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon