We're back but another mission

4.8K 155 1
                                    

CHAPTER FORTY SIX

Miyu

****

Napatakbo kami sa pinanggagalingan ng pagsabog at pagdating namin dun nakita namin si Shana na nakatayo habang may babaeng nakabulagta at walang buhay.

"Wow nice, ang ganda naman ng pagsabi nyo ng welcome back. Very nice." sarkastikong sabi ni Renji

"Pwede ba kuya!"

"Oh nandito na pala kayo"

Kakaibang chill ang naramdaman ko sa pagsabi nya nun at nabasa ko ang nasa isip nya at napatingin naman sya sakin saka ngumiti.

"Mabuti pa magpahinga na muna kayo bago kayo magsabi ng kung ano sa lolo at lola nyo abah tingnan nyo sarili nyo"

Pagsabi nun ni Shana ay napatingin naman kami sa kanya habang papalayo sya samin, may nangyari ba habang wala kami? Abay natural Miyu meron! Miyu, unti unti na tayong nilulusob. Ang babaeng to? Isa syang Chase Phantom at nakita mo ang ginawa nya? Sya lahat may gawa nyan naku naman naman naman naman di ko na alam gagawin ko.  

"Pano ba yan tara na s dorm dahil pagod na pagod ba ako."

"Putek naman Jusper pag di mo tinanggal yang kamay mo sa pagkakaakbay sakin patay ka talaga di ako nagsisinungaling lalaki"

"Oo na babae"

Tong dalawa talaga, naglakad na kami sa dorm. Wala pa atang nakakaalam na nandito na kami at nakauwi maliban kina lolo, alam naming naramdaman nila ang presensya namin.

Pagdating namin dun ay agad agad kaming nagsipuntahan sa kwarto namin, nakakabobo na talaga ang mga nangyayari samin. I cant imagine na ganito ang mangyayari. What should we do to win this war?

Nahiga ako sa kama at pumikit, pinakolekta nila samin ang limang Eternal Stone pero ayaw nila ipagamit dahil sa consequences na ibibigay nito? Gulo talaga ng mga matatanda sobrang gulo.

Ipinikit ko ang mga mata ko at kusa na lang nag flashback sa isip ko lahat bago kami mapunta sa ganitong sitwasyon. Mula doon sa pagkabata ko sa kung paano kami nagkakakilala kung pano nabuo ang barkada hanggang sa sitwasyon namin ngayon. For an ordinary person who used not to see everything I know its hard for them to believe.

Noong idinilat ko ang mata ko ay agad akong napatingin sa orasan seven na pala ng umaga kaya naman tumayo na ako para makaready sa pagpasok namin. Alam kong nine ang pasok namin ngayon.

Nung matapos kong gawin ang lahat ng pwedeng gawin sa CR ay lumabas na ako at nakita ko namang nakabihis na sila Chiaka.

"Ngayon na lang ulit tayo makakapasok" biglang sabi ni Rika habang naglalakad kami papunta sa pinto.

"Kaya nga eh ano kayang bago" dagdag naman ni Maya

Hindi ko alam pero wala ata ako sa mood para makipagdaldalan sa kanila, sumunod lang ako sa kanila at pag bukas ni Maya ng pinto sakto namang bumukas din ang pinto ng kwarto nila Renji naka uniform din sila. Nagsingitian kami at saka pumunta na sa classroom.

"Yang mga bulungan na yan ang di nagbabago" iritableng sabi ni Jaja.

"oh my ghad they are back our Queens and Kings are back"

"They still pretty and handsome"

"They complete their mission"

"Really? Thats awesome! Ang balita ko mahirap daw ang misyon nila"

Alam kong iritang irita na tong si Maya at Jaja, kahit di ko na basahin ang mga nasa isip nila alam kong naiirita na sila. How? base on their expression.

Twelve Academy: The BeginningWhere stories live. Discover now